Chapter 27 ♡

6 1 0
                                    

Ezekiel Jonas Castro P.O.V.S

Nasa shower ako nong marinig ko ang malakas na pag doorbell mula sa labas ng gate. "Kainis naman ang aga-aga naman yatang dumating yung pina deliver kung sapatos." Sabi ko habang padabog na kinuha yung towel ko. Ibinalot ko ito sa katawan ko at nagsuot nalang muna ng sando. Ngayon kasi darating yung inorder kung sapatos online kaya nagmamadali akong nagsuot ng short at kaagad na tumungo papunta sa nakasaradong gate ng bahay namin. Hindi na tuloy ako na kapag towel ng husto kaya basang basa parin yung buhok ko.

"Teka lang....." sabi ko habang binubuksan na yung gate.

"So.....disgusting..." biglang sabi ng isang boses babae mula sa kakabukas ko lang na gate.

"Liza???" Na sabi ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. "Anong ginagawa mo dito??" Nagtatakang tanong ko.

Disgusting daw sa gwapo kung to sasabihan niya ako ng ganyan. Umagang umaga pinapainit na ng babaeng to yung dugo ko.

"Pumunta ako dito dahil may group study tayo ngayon di ba?" Pagtataray niyang sagot.

"So??"

"Anong so??? Hindi mo ba ako papasukin ang dumi dumi kaya ng hangin dito sa labas.." reklamo niya pa.

"Ang weird din pala ng babaeng to." mahinang sabi ko.

"May sinasabi ka?" Masungit na sabi nito.

Ano bang masamang hangin ang nagtulak sa babaeng to na pumunta sa bahay ko. "Hindi mo naman kasi sakin sinabi na gusto mo pala akong makasabay edi sana ako nalang ang sumundo sayo." Nagpipigil sa tawang sabi ko.

"Who said that?? Ayoko ring makasama ka e" sagot niya.

Bruha talaga ang babaeng to. At anong sinasabi niyang madumi ang hangin dito?? Siya ngatong masamang hangin.

"Pumasok ka na baka mamaya manakawan ka pa ako pang sisihin mo." Sabi ko.

"Kita muna. May mga nakatira pala ditong magnanakaw tapos dito pa tayo magkakaroon ng group study." Sabat niya.

"Manakawan ka sana." Sabi ko.

"Anong sabi mo??" Hinampas niya ako nong wallet niya.

"At ano bang pinagsasabi mo na group study?? Dito sa bahay ko??? Tsk mag-isip ka nga ganun na ba ako katalino para dito kayo mag group study." Masungit din na sabi ko.

"What do you mean?" English niya.

"Maliit lang yung bahay ko para sa buong section. Bakit di ba nila sinabi sayo na kay Tope tayo mag gogroup study??"

"Those freak...." nanggigil na sabi niya. "They trick me....." dugtong niya pa.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa. "Since nandito ka narin lang edi hintayin mo na lang ako." Sabi ko.

"Ayoko nga. Sino ka sa akala mo para hintayin kita." Liza.

"Sige ikaw bahala. Balita ko maraming mga magnanakaw diyan sa daan baka alam muna.....walang magtatanggol sayo..." pagpaparinig ko.

Bigla nalang siyang napahawak sa braso ko kaya medyo nabigla ako sa ginawa niya. Ngayon ko lang nalaman na madali din palang takutin itong si Liza.

"Castro???" Sigaw niya.

"What??" Sabi ko habang tumatawa.

"Pumasok na tayo." Dugtong niya.

"Bitawan mo muna ako pwede??" Sabi ko habang tinitingnan yung kamay niya na nakahawak pa sa braso ko.

Mabilis niyang inalis yung kamay niya at sumunod na sakin na pumasok sa loob ng bahay. "Maghintay ka na muna sa sala magbibihis lang ako."

Nilibot niya yung tingin niya.

Pia, I Love You Where stories live. Discover now