[Pia Nicole Ann Chavez]
(Wag kang Assuming)Pagkatapos namin na kumain sa canteen ay kaagad kaming tumungo sa room. At gaya ng nauna namin na teacher hindi rin si Sir Ves nagklase dahil busy din ito sa preparation. Ganyan talaga kapag malapit na ang Intrams.
Nag iba din ng upuan si Andy. Ayun nandun na siya sa upuan ng ibang boys kung saan naglalaro ng cp. "Tsk!" Nasabi ni Justin habang tinitingnan na kausap nito yung ibang boys.
"Oy nag seselos?" Panunukso ko.
"Tsk nakakainis naman kasi Pia e!" Tumabi silang dalawa sa inuupuan ko. "Ang bagal ko ba?" Dugtong niya habang ginugulo buhok nito.
"Oo!" Mandy.
"Seriously?" Justin.
After 1 hour...........
"Ang tagal naman nila Cristtoff at kiel!" Sabi ko habang palinga linga sa pinto.
"Asus jowa?" Natatawang sabi ni mandy. "Tapos ito namang isa jowang jowa!" Pang aasar niya pa kay Justin na kanina pa tahimik at ang layo layo ng iniisip.
Maya maya pa ay dumating na sila Cristtoff, kiel at yung kyle na crush nitong si Mandy kasama si, Sir Ves.
"Okay, students I want all of you to be quiet while the captains start to pick their members is that's okay?" Sir Ves.
"Sure Sir!" Sagot naming lahat.
"So let's start na para matapos na agad! So Cristtoff is the Captain of the Saint Gab team, Ezekiel is the Captain of the St. Joseph team and Kyle is the Captain of the St. Therese Team. The three captains will free to pick a member and let's start first to Cristtoff " Dugtong ni Sir habang nakatangin kay Cristtoff.
"Okay!" Na sabi ni Justin habang nakatingin kay Ezekiel at kay Kyle.
"Meeeeeee Iwant to be part of your Team Cristtoff!" Eksena ni Liza habang sinusuklay pa yung buhok nito.
"Ay iba!" Napatawa si Justin.
Biglang napatingin sa kanya si pikachu. Kung sa bagay magaling si Liza sa pagkanta naka duet pa nga niya si Mandy e. Alto ka si Mandy at magaling naman sa pagpa falsetto itong si Liza. At siyaka hindi naman ako nag e' expect na ako ang first pick nitong si pikachu. Nasanay na ako na laging ako ang panghuli sa mga pinipili niya. Kung sa bagay ano nga naman kasi ang maiaambag ko sa Team tsk. ------____-----
"Pia!" Malakas na sabi ni Cristtoff habang nakatingin yung seryosong mukha nito sakin.
Wait parang nabingi yata ako ah. First time ko yatang naging first pick niya. Tapos ang dami ko pang drama e ako rin pala tong pipiliin -----____-----
"Seriously?" Dismiyado at naiinis na sabi ni Liza.
"O ano ka ngayon!" Natatawang sabi ni Mandy kay Liza.
"Shut up you pig!" Sabay taray nitong si Liza kay Mandy.
Halatang nagulat si Kiel nong marinig niya ito sa mismong bibig nitong si Pikachu.
"What?" English ni Pikachu kay Kiel.
"Andy!" Na sabi nalang ni Ezekiel habang dismiyadong dismiyado yung mukha.
"Thanks Kiel!" Sigaw lang ni Andy mula sa likuran namin.
"Oy si Pia kinikilig!" Panunukso nitong si Justin at Mandy.
"First pick wew!" Dugtong pa ni Justin.
"Sana ako rin no mapili rin ni Crush!" Sabi ni mandy habang nakatingin kay Kyle.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Teen FictionMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.