Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.SHabang nag uusap sila Cristtoff e naglilibot libot muna ako ng bahay nila. Pumunta ako sa garden. Naghanap ako ng pagkain sa fridge kahit nga siguro alikabok sinuyod kuna. Ayoko kasing iwanan tong dalawa mahirap na baka may gawin silang di maganda.
Pero ano bang pake ko kung may gawin sila hindi naman niya ako girlfriend at kaklase lang talaga ang turing niya sakin. Umupo muna ako sa lamesa at palihim na pinakikinggan sila. "Ano kayang pinag uusapan ng mga to?" Mahinang sabi ko.
Nasa sala room sila. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko yung upuan malapit sa pinto para marinig usapan nila. Chismosa na kung chismosa ibansag niyo sakin pero ganito ako magmahal sorry naman. Hindi nga niya napansin na dumaan ako sa likuran lang nila e. ------_____------
"It's about your future since same school lang din tayo sa college and narinig ko kay Dad na ikaw na ang hahawak sa isa sa mag branch ng Wine Company ng dad mo sa Italy kapag tumutong kana sa legal age! Ano tuloy na ba tayo sa Italy?" Sabi ni Liza habang tinitingnan si Cristtoff na ginagawa yung design ng T-shirt namin.
"Italy?" Halatang nagulat si Pikachu sa mga sinabi nito.
"Aalis siya pagkatapos naming mag graduate!"mahinang sabi ko. Bigla akong nalungkot si Justin din kasi aalis din pati ba naman siya?"
"Yah kasi kung aalis ka sasama din ako! Pero wait hindi ba sinabi sayo ni Tito?" Liza.
"Hin-di e!" Pikachu. Hininto niya muna yung ginagawa niya. Ang layo layo ng Italy ano lilipad ako para makita lang siya.
"Wala akong hilig sa business alam mo yan. Nong minsan nga akong sinama ni papa sa gulf tinulugan ko sila sa loob ng kotse tapos sasabihin mo sakin na ako ang magmamanage nong business nila!" Natatawang sabi ni Pikachu.
"Well since high school close na si Dad at si Tito so wala silang matatago satin!" Liza.
"Tsk ayokong mag aral ng business period." Sabay balik ni pikachu sa ginagawa niya.
"Gusto kung maging Engineer pero mas gusto nila mag aral ako sa Law school gosh buti nalang talaga mag eengineer ka!" Bumuntong hininga siya. Ako gusto kung mag aral ng medicine pero takot ako sa dugo. May fashion ako sa violin pero bawal naman. Nakakalungkot isipin pero yun yung totoo.
"Ano kaya yung magandang color combination sa T-shirt natin!" Dugtong nitong si Liza.
"I suggest gumamit tayo ng analogous!" Pikachu.
"Yah that's great! Tell me Tope ano ba sayo si Pia?" Biglang naging seryoso yung mukha ni Liza.
Dumungaw ako sa pinto para makita at marinig yung usapan nila Pikachu.
"She's!" Biglang ngumiti si Pikachu habang nakatingin kay Liza.
Yung tingin niyang yun ang nagpasakit ng damdamin ko. Ang hirap palang magkagusto sa taong di naman ikaw ang gusto. ----____----
Gusto ko ng umuwi pero nanatiling estatwa ako sa kinauupuan ko.
"Nothing!" Sabay balik ni Pikachu sa ginagawa niya.
"Nothing? I don't believe you!" Sabay taas kilay ni liza.
Bigla nalang tumulo yung mga luha ko. Ano ba kasing ginagawa ko dito. Sana pala umuwi nalang ako. Ang sakit pala sa pakiramdam na masaktan ng taong gusto mo. Pinunasan ko yung mga luha ko at tumayo para ibalik yung upuan sa mesa.
At naging blangko na yung utak ko. Kaya ang sumunod kung ginawa ay ang maglakad palabas ng pinto ng bahay nila.
Ramdam kung sinusundan nila ako ng tingin kaya tinalikuran ko lang sila. "Pia uuwi kana?" Tope.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
TienerfictieMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.