Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
~•~
Nagsiuwian na yung iba naming mga kaklase at kunti nalang kami na nasa bahay ni Cristtoff. Halatang napagod na si Cristtoff sa kanina pang mga tanong ng iba kung mga kaklase pero kahit pagod na siya ay tinulungan niya parin ako sa pagsolve ng mga math problems na hindi ko maintindihan.
Nakikinig lang ako sa mga instructions at corrections niya sa ginawa kung solving kanina. Nakatulog na nga si Kiel sa kabilang table kung saan kasama niya si Andy na tinuturuan siya kanina sa ibang subject.
Pagkatapos ng mga instructions ni Cristtoff ay kaagad ko ng tinapos yung mga natitira pang questions.
Makalipas ang ilang oras....
Sa wakas ay natapos narin ako sa pagsagot at pagsusulat ng mga kulang kung notes kaya nagpaalam narin akong umiwi kay Cristtoff. May lakad din kasi si Cristtoff mamayang hapon kaya sumabay narin sila andy at kiel sakin na umiwi. Ngumiti lang si Cristtoff at sabay kaming hinatid sa labas ng gate ng bahay nito. Medyo nauna kasing umuwi si Justin at Mandy kaya kay Kiel nalang sumabay sa pag-uwi si andy.
"Bye!" Sabi ni andy habang kumakaway kay Cristtoff.
Kumaway narin kaming pareho ni Kiel na kasalukuyan ng papasok sa bahay nito.
"Di ba may lakad ngayon si Tope?" Sabi sakin ni Andy habang naglalakad. Nakasunod lang si Kiel na nakasakay sa bike nito.
Tumango ako. "San kaya siya pupunta?" Andy.
"Sabi niya may business meeting daw yung Dad niya at kailangan niyang sumama." Sabi ko.
Siniko ako ni Mandy. "Grabe sinabi niya talaga sayo yon. Ang sweet talaga ni Cristtoff hasyyst kakainggit tuloy di ba kiel?" Pagpaparinig ni Mandy kay Kiel na nasa likuran lang namin.
Binilisan ni Kiel yung pagbabike para makaabot samin. "Ang sabihin mo ikaw lang wag mo akong isama no. Tsk pano kasi ang hina hina mong umamin kay Kyle." Pagsusungit ni Kiel. "At siyaka alam niyo ba kung bakit ako badtrip ngayong araw? Tsk yang liza na yan ang aga aga pang binulabog ako sa bahay." Dugtong ni Kiel.
"Malamang may kinalaman diyan si Justin." Napailing na sabi ni Andy.
"Sinabi mo pa." Kiel.
"Bakit anong nangyari Kiel?" Sabi ko kay Kiel.
"Sinabi ba naman ng magaling na justin na yan na sa bahay ko gaganapin yung review kaya ayon ako pinag initan ng bruhang liza na yun." Kiel.
Natawa si Mandy sa expression ng mukha ni Kiel.
"So pano dito na tayo maghihiwalay." Sabi ni Andy habang tinitingnan yung dalawang daan.
"Sigesige aalis na kami mag-iingat kayong pareho" sabi Mandy habang hinihila na si Andy.
Kumaway lang samin si Andy at mabilis na ding sumunod kay Mandy. Naiwan kaming magkasama ni Kiel. "Sumakay ka na Pia ihahatid na kita pauwi." Alok ni Kiel.
Tumango ako at kaagad ng sumakay sa likod. "Humawak ng mabuti." Bilin ni Kiel.
"Opo." Sagot ko na nakangiti.
Naramdaman kung ngumiti rin siya. Sinimulan niya na ngang paandarin yung bike.
Makalipas ang ilang minuto.....
Malapit na kami sa bahay ng biglang may tumawag sakin. Kaya huminto na muna si Kiel sa pagbabike. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko at kaagad itong sinagot.
"Hello." Sabi ko.
Si mama yung tumawag.
"Hello Pia ikaw bato?" Sabi ng isang boses ng babae sa phone ni Mama.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.