Cristtoff Alexander Paige P.O.V.S
*~*
《Morning》Kakagising ko palang nong marinig ko ang malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto ko. Nanggaling ang boses na yun sa nakasaradong bintana ng kwarto ko. Bumangon ako at naglakad papunta sa nakasaradong bintana at dahan dahan ko itong binuksan.
"Morning." Sabi ng isang boses mula sa labas. Napatingin ako rito at doon ko napagtanto na halos lahat ng classmate ko ang nakatingin sakin. Yung iba nasa garden pa. "Am.....anong meron?" nagtatakang tanong ko.
"Alam muna." Nakangising sagot ni Justin. Inaakbayan niya pa si Calvin na kanina pa kumakain ng sandwich samantalang si Andy nakatuon naman ang pansin sa suot suot kung pantulog. Hindi ko naman yata alam na ganito kaaga silang pupunta rito.
"Am.....sige hintayin niyo nalang ako sa baba." Sabi ko habang mabilis na sinarado yung bintana ko. Ang weird pa naman ng mga tingin ni Andy.
Mabuti nalang at nandito si Mama kaya maaasikaso nito yung mga kaklase ko sa baba. Kaagad akong nag shower at nagpalit ng damit.
Makalipas ng ilang minuto......
Pababa na ako ng hagdan nong makasalubong ko si Mama. "Morning." Nakangiting sabi ni Mama. Ngumiti lang ako ng matipid.
"Breakfast is ready. Mag order nalang kayo ng pagkain niyo for lunch okay .. I have some meetings na pupuntahan pa." Dugtong ni Mama habang tinitingnan yung relo nito.
"What time po kayo uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Uuwi ako ng Dinner." Sabay pisil ni mama sa pisngi ko.
Hindi ko tuloy namalayang hindi lang pala kami yung tao dito sa bahay kaya lahat ng mga kaklase ko ang nakasaksi sa ginawa ni mama. "So sweet ...." na sabi ni Calvin.
Ngumiti lang si Mama.
"Pano I have to go na."sabi ni mama habang naglakad na palabas ng pinto.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Ng masiguradong nakaalis na siya ay kaagad na akong bumaba at tumungo sa kitchen para magtimpla ng tea. Lumapit naman itong si Justin at Calvin. "Pre close din pala kayo ng mama mo?" Inakbayan pa ako nitong si Justin.
Hindi ako sumagot at sa halip ay inalis yung kamay niya sa balikat ko. "Ahahaha kami rin nga ni Mama e." Dugtong pa ni Calvin.
"Pano hindi kayo magiging close e' baby girl ka niya." Sabay tawa nitong si Justin kay Calvin.
"Tsk tumigil ka nga diyan." Nasabi lang ni Calvin.
"Ang tagal naman ni Pia sabi niya papunta na yon pero halos 30 minutes late na siya." Justin.
Natigil ako sa ginagawa ko na kaagad namang napansin nitong si Justin. "Oy' namimis mo no?? Wag kang mag-alala pa dating na yon." Pinisil pisil pa nitong si Justin yung tagiliran ko. Napabuntong hininga ako.
Iniwan ko nalang silang pareho at umupo na muna ako malapit sa mesa kung saan nakahanda na yung breakfast ko. Nag sandwich nalang ako dahil ang daming mga matang nakatingin sakin at napansin ko ring may nagpipicture sakin habang kumakain dahil tumatama pa sa mata ko yung flash ng camera nito.
Hindi ko lubos maisip na buong section namin ang nandito sa bahay. Maya maya pa ay bigla nalang may tumawag sa phone ko kaya kaagad ko itong sinagot.
"Totoo bang may group study kayong gagawin sa bahay niyo ngayon??" Si liza lang pala ang tumawag.
"Those Freaks balak pa talaga akong iligaw...." sigaw niya pa sa kabilang linya.
Napatingin ako kay Justin at Calvin na nagpipigil pa talaga sa tawa.
"Why?? What happened??" Tanong ko.
"Sinabi ba naman nilang kay Kiel daw tayo magkakaroon ng group study." Sigaw parin ni Liza. "Nagmukha akong stupid don....nakakainis lagot talaga sakin yang calvin at justin na yan." Pagbabanta niya pa sa kabilang linya.
Hindi na nga napigil pa nong dalawa na matawa. "Narinig mo yung boses niya ahahaha....para siyang nanay!" Sabi pa ni Calvin habang hinahawakan pa yung tiyan nito.
"Hindi ko naman kasi lubos maisip na pupuntahan niya talaga yung bahay ni Kiel. Poor Kiel....." Dugtong din ni Justin habang tumatawa pa.
"Diyan na nga kayo." Sabay talikod ko.
"Oy...Pre hintay!" Narinig kung sigaw nilang pareho.
Papunta sana ako sa kwarto ko para kumuha ng mga notes ko ng bigla kung mapansin ang papasok palang sa pinto na si Pia. Nakalugay ang buhok nito at nakasuot ng dress na hanggang tuhod. Bagay na bagay sa kanya ang puting kulay nito at ang suot suot din nitong sapatos. Naka pin din ang bangs nito kayang kitang kita ang kabuuan ng mukha nito.
"Si......si Pia ba yan?" Na sabi ni Andy habang tinitingnan ang naglalakad na si Pia papunta sa kinatatayuan ko. Kasama nito si Mandy na nasa likuran niya lang.
"Go....good morning." medyo nahihiya pang sabi ni Chavez.
Hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya. Siguro dahil naninibago ako sa suot nito. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya. Inilayo ko yung tingin ko sa kanya.
"Dinaanan ko kasi si Lola kaya medyo....nahuli ako. Pero hindi pa naman di ba kayo nakakapagstart?" nakangiting tanong niya.
"Hindi pa naman." Matipid na sagot ko.
"Tamang tama may cupcake nga pala akong ginawa pang thank you ko narin sayo." Inabot niya sakin yung white na paper bag na hawak hawak niya. "I don't like sweets." Pag-aamin ko.
Hindi niya ba naalala na kahit noon pang mga bata kami. Kaya nga tinatanggihan ko yung mga ibinibigay sakin dahil hindi naman talaga ako mahilig sa matatamis.
"Wag kang mag-alala hindi to matamis. Medyo maanghang lang...." napangisi siya.
Ngumiti ako ng matipid pero syempre hindi ko ipinahalata sa kanya. Kinuha ko na yon sa mga kamay niya.
"Sige kukunin ko na muna yung notes ko." Pagpapaalam ko sa kanila.
Umupo lang sa sofa si Chavez kausap si Andy at Mandy. Hindi ko pa yata nakikita si Kiel at Liza. Posible bang magkasama sila ngayon? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung lahat ng notes ko at kaagad ding bumaba. Inilipag ko na muna sa desk ko yung bigay ni Chavez na cupcakes.
Inilagay ko lahat ng notes ko sa table na malapit sa sofa at kaagad naman silang lahat na lumapit sakin. "This is my notes from our previous topics so kayo ng bahalang kumopya ng mga importanteng details diyan and kung may mga questions kayo na hindi niyo maintindihan just don't hesitate to ask me or kahit kay Andy at Justin." Sabi ko.
"Yup....tama si Cristtoff magtulungan tayo para lahat tayo makapasa at maka graduate." Nakangiting sagot din ni Andy.
"Napakabait talaga ng asawa ko." Sabay akbay ni Justin sa kanya.
"Syempre naman. Magiging ninang at ninong sila sa kasal natin kaya dapat lang." Andy.
Natawa lang si Pia.
"e' kayo Tope kaylan niyo aaminin saming kayo na?" Justin.
Bigla akong naubo sa mga sinabi niya. "Oyyyyyyy...." panunukso nilang lahat.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.