This special chapters are random stories from our favourite characters in Pia I Love You. I hope you like it :)Kyle being the third wheel.......
Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
Sunday ngayon kaya na kay Papa ako. Papunta kami ngayon sa Field maglalaro kasi sila papa ng golf kaya tumabay na muna ako sa tent. Marami pang nagsisidatingan na kasama ni papa naka business partner niya at isa na nga don yung kaka dating palang na kotse. Bumaba sa nasabing kotse si Cristtoff na naka golf attire pa at yung papa niya?
"Pia diyan ka na muna may game pa kasi kami hayaan mo mamaya pagkatapos nito may pupuntahan tayo" nakangiting sabi ni Papa.
Tumango tango lang ako. Gosh ngayon ko lang nakita si Cristtoff na nakasuot ng ganyan. May nagsidatingan pa na kotse. Busy si Cristtoff sa mga kausap niya na halos ka edad lang nong papa niya. Mukhang masaya pinag uusapan nila dahil nakangiti pa ito.
Tatayo na sana ako ng bigla kung mapansin na may nakaharang na pala sa harap ko. Dahan dahan kung itinaas yung ulo ko.
"Pia right?" English nong kausap ko.
Nanlaki yung mga mata ko. "Kyle?" Na sabi ko.
Natawa siya. "O bat parang naka kita ka ng multo" tumabi siya sa inuupuan ko at inayos yung sapatos niya.
"Kaya pala kilala mo ako"
Napangiti siya. "Yup kasi nakikita kita dito you don't remember me no? Kung sa bagay di naman kasi tayo nagpapansinan kahit hindi pa tayo magkakilala" kyle
Natawa ako. Nong una kinabahan ako kasi kala ko tungkol sa mga sinabi ko noon ang topic niya pero magaan rin pala siyang kasama.
"Naalala mo pa ba yung mga sinabi ko sayo noon?"
"Medyo. Masungit ka pala" biro niya.
"Hindi ah" sagot ko. "Ikaw ngatong masungit e" sabat ko.
Nag isip siya saglit. "Masungit ba ako?" Balik niya sa tanong niya.
"Oo kaya tsk hindi mo nga pinapansin si Mandy alam mo bang crush na crush ka non" dugtong ko.
"Si Mandy yung kaibigan mo?" Kyle
"Oo"
"Ang cute nga non e" Kyle
"Talaga"
"Yah nag uusap kami pag nakikita ko siyang pumupunta kay Justin ang saya nga niyang kasama" Kyle
Lumapit pa ako sa kanya. "Anong pakiramdam mo kapag kasama mo siya?"
Natawa siya. "Normal lang bakit ano ba dapat?"
"Hindi ba siya yung tipo mong babae?" Tanong ko.
"Gusto mong malaman sagot ko?" Kyle
Tumango tango ako. Nilapit niya yung mukha niya sa tenga ko "secret" sabay tayo nito.
"Ang daya mo naman"
"Halika tuturuan kitang mag golf" aya niya.
Tumakbo siya at suminyas. Kaya tumayo ako at tutungo na sana sa kinatatayuan nito ng bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako rito.
"Chavez?"
Nakakunot pa yung noo nito at halatang naiinis.
" Cristtoff ?" Nagtataka kung sabi.
Kinalas niya yung pagkakahawak niya sakin. "anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Wala sinamahan ko lang si Papa" nakangiting sagot ko.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.