Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
(Room)*~*
Sabay kaming bumaba ni Cristtoff ng rooftop kaya yung mga mata ng mga estudyante ang lagkit ng tingin tsk bakit ba e classmate kami.
Pagdating namin sa room ay kaagad akong umupo sa upuan ko. Nandito na pala yung tatlo baka late na naman si Kiel. Sinabi ko sa kanila yung mga nangyari kanina kaya itong si mandy tinabihan talaga ako para lang makipag-usap.
"Totoo inabot niya talaga yung mga malalambot niyang mga kamay!" Namumula pa si mandy.
Tumango lang ako habang tulala. "Oy' ano yang mukhang yan ha!" Sagot ni andy mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya. "Ba't yata namumula tayo inlove ka no?" Sabay siko sakin ni andy.
" halata naman e!" Sagot naman ni mandy. "
"Oy' dalaga na si Pia!" Pang iinsulto ni justin.
"Oo nga yieee" Sagot naman ni andy.
"Tsk ako kaya kailan din magkakaroon ng kagaya ni Cristtoff no?" Sagot naman ni mandy.
"Justin left the group!" Sagot naman ni justin habang tumalikod. Wala lang trip niya lang talagang sumali sa usapan ng may usapan.
"Grabe kayo" mandy.
Napatingin ako sa upuan ni Kiel 7:30 na pero wala parin siya.
Natawa si andy.
Makalipas ang ilang oras...........
CR'
"Ang tagal tagal mo naman Pia parang iihi lang e' ano bayang ihi mo gripo!" reklamo ni mandy. " nagugutom na ako e'!" Sagot pa nito.
"Uuwi na naman tayo e' hindi ba yan makapaghihintay !" Sagot ko naman habang papalabas na ng cr.
"Mandy alam mo ba kung bakit na late na naman si Kiel?" Tanong ko.
"Ang alam ko last practice na nila ngayon sa basketball kaya extended lahat ng player namis mo na no!" Sabi nito.
"Hindi ah!"
"Ang tagal naman e" Bigla niya nalang akong hinila matapos akong lumabas ng cr. "Hoy teka' teka lang!" Sigaw ko.
Papalabas na kami ng building sa kakatakbo namin. " kala ko ba nagugutom ka ?" Pagtataka kung sabi. " etchos ko lang yun!" Sagot ni mandy.
Maraming nag aambang na mga babae kay Kyle na lumabas sa Cr syempre kasama na kami. "Wag mong sabihing?" Sabi ko kay mandy.
"Oo na ! Pero slite lang !" Nakangisi niyang sabi.
Nabigla ako sa sinabi ni mandy. Maya maya pa ay lumabas na nga ng Cr si Kyle kausap si Jasper isa niya pang barkada habang naglalakad saglit silang nahinto sa usapan ng makarinig ng hiyawan mula sa kinatatayuan namin.
" ang gwapo talaga ni Kyle!" Namumula pa yung pisngi ni mandy. Hanggang umalis na nga si Jasper at tumungo sa sasakyan na hinihintay siya. Kumaway lang ito kay Kyle na nginitian naman nito.
Lalo pa ngang kinilig ang mga babae syempre kasama na nga si mandy.
Biglang tumungo sa kinatatayuan namin si Kyle na para bang sakin lang siya nakatingin.
"O tapos? Tsk di hamak na gwapo pa si pikachu sa kanya no. Dahhh" sabi ko sa isip ko.
Bakit ba ang daming binayaan ng ganyang karisma?
Hindi parin nito inaalis ang tingin niya sakin.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng anghel' tsk aminin mo na kasi nagagandahan ka lang sakin e!" Sabi ko sa isip ko.
"excuse me!" Sabi niya.
"Huh?" Bigla akong nabitin sa sinabi niya. "Nakaharang ka kasi sa bike ko! " sabi pa nito.
Mabilis kung tiningnan ang nasa likuran ko. Oo nga nakaharang nga ako aba malay kung dito pala ako dinala ni mandy.
Nagtawanan lahat ng naka saksi.
"Tumabi ka kasi diyan paharang harang e!" girl 1.
"So stupid... pati ba naman dito dinadala niya kalampahan niya!" girl 2.
"Siya lang naman yung pabigat sa section nila.." girl 3.
Tumabi ako ng dahan dahan na parang nahihiya pa. "Sorry!" Mahina kung sabi sa kanya. Dinaanan lang ako nito papunta sa bike niya.
"Pati ba siya pinagtatawanan ako?" Sabi ko sa isip ko. Di bale hindi ka naman gwapo at mas lalong dika cute para sakin.
"Pasalamat ka crush ka nitong si Mandy kasi kung hindi tatarayan talaga kita" bigla ko nalang na sabi.
Napatingin ang lahat sakin. "Anong sabi mo?" sabi nong kyle.
Patay....
Lumapit siya sa kinatatayuan namin. "Pia' bakit mo sinabi y'on sikreto lang dapat natin y'on e.!" halatang nagulat din si Mandy sa mga sinabi ko.
"Na- nawala" mahinang sabi ko.
Ngumiti siya. "Your Pia right?" Nasabi niya.
Tumango tango ako. Teka pano niya ako nakilala. "is there a problem?" Sabi nong Jasper na bumaba din ng bike niya.
"Wala Pre" ngumiti lang yung Kyle.
Nakatingin lang sila pareho na parang inaantay yung sagot ko.
Gosh anong gagawin ko. Feeling ko wala na sa tabi ko si Mandy.
"Pia" bigla nalang may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
"Cristtoff" na sabi ko.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Napahawak siya sa bag ko. "Nandito ka lang pala halika na umuwi na tayo!"Kumunot noo ito siguro iniisip na naman nito kung anong kalampahan na naman ang ginagawa ko.
Nanlaki pa lalo ang mga mata nong mga babae. Nilapit niya yung mukha nito sa tenga ko at may binulong ito sakin. "Nag iisip ka ba?" Mahinang sabi niya. "Halika na uuwi na tayo" sabay hawak hila niya sa kabila kung kamay. Ang lambot talaga ng kamay ni Cristtoff. Tuloy lang kami sa paglalakad ng biglang mag salita itong si Kyle.
"It's been a while..!" Sabi ni Kyle.
Nahinto sa paglalakad si Cristtoff at napatingin sa kanya. Ang tipid ng mga ngiti nito at mabilis ding tumalikod. Bakit ba ang lungkot lungkot mo? Oo nakikita kitang masaya pero....ang mga mata mo....
Napatingin siya sakin. "Stop....looking at me!" yumuko si Cristtoff na para bang ayaw niyang tingnan ako sa mga mata sabay hila nito sakin palayo kinila kyle.
Nang makalayo na kami ay kaagad niyang binitawan yung bag ko. "What the hell did you do Chavez?" English niya.
"Hindi ko naman alam na nasabi ko pala yung hindi dapat" sagot ko.
Bumuntong hininga siya.
"Nakaalis na ba si Kyle?" Sabi ko kay Cristtoff.
Napatingin si Cristtoff sa likuran ko. "They're gone" matipid niya lang na sagot.
"Hay mabuti nalang" sabi ko sa isip ko.
"Manahimik ka nalang para sa susunod wala kang gawing kalampahan" pangangaral niya.
" kung di ba naman ako dinala ni Mandy don hindi ko naman masasabi yon" mahinang sabi ko.
"Halika na nga" sabay paandar niya nong bike.
"Wala akong dalang bike" sabi ko.
"Kaya nga umangkas ka na" dugtong niya.
Ngumiti ako na malapad at mabilis na umangkas sa bike niya. "Humawak ka ng mabuti" Cristtoff
Dahan dahan akong humawak sa baywang niya. Gosh sana hindi na lang siya lumingon para hindi niya makita na yung buong mukha ko na kanina pa namumula.
Pinaandar na niya tapos yung bike niya.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Подростковая литератураMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.