Pia Nicole Ann Chavez P.O.V.S
Matapos ang bakasyon namin sa resort ay balik normal na naman ang klase. Parang kaylan lang nong magkaroon kami ng Intrams. Malapit na naman ang finals at firstweek palang ng december pinatawag ulit ako sa faculty para warningan sa grades ko.
Alam kung nag-aalala din si Ma'am Katakutan sa grades ko' kahit pa sabihin na nating naka ilang beses na niya akong paluin ng test paper. Nasanay narin ako pero kailangan ko ding magpursige para sa future namin ni Cristtoff ^_^
joke....
Naisip kung kumuha ng education para kahit may trabaho ako mababantayan ko parin si mama. Pero gusto kung ipagpatuloy parin ang pagviviolin kahit libangan ko nalang.
Papalabas na ako ng faculty room ng biglang masagi ng balikat ko yung papasok palang noon na si Cristtoff.
Nakasalubong pa yung kilay niya.
Anong problema nito. "Tsk tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Reklamo ko.
Hinarap niya ako. "So kasalanan ko pa?" Sagot niya.
"Nakita mo namang may tao." Dugtong ko.
"Ang liit mo kasi ' pano kita makikita tsk." Cristtoff.
Tinapik ko yung balikat niya. "Ang sakit mo na namang magsalita nong isang araw lang parang anghel ka tas ngayon sinapian ka na naman." Medyo natawa tuloy ako sa mga sinabi ko.
Tinalikuran niya lang ako. "Ayusin mo ngayang buhok para kang sinabunutan ng sampung pusa." Sabi niya lang.
Nakakainis na pikachu to.
Padabog akong lumabas ng faculty room at kaagad na ding tumungo sa classroom para maghanda sa klase namin. Pagkarating ko ay umupo na muna ako sa upuan ni Kiel. Nakaupo naman si Kiel sa upuan ni Mandy.
"O' anong balita sa grades mo?" Linapit ni Kiel yung upuan niya sakin.
"Gaya ng dati??" Mandy.
Tumango ako. "Okay lang yan hayaan mo tutulungan kita sa ibang subjects." Andy.
"Ang bait mo talaga Andy." Ngumiti ako.
"Walang problema ano pang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi kita tutulungan." Inakbayan ako ni Andy.
"Ako din tutulungan naman kita sa media wag mo nang problemahin yon basic lang yun sakin." Justin.
"Siguro kami ni Kiel makikisabay nalang kay Pia ahahaha." Mandy.
Tumawa lang si Kiel.
"Pre....!" Tawag ni Justin kay Cristtoff na kausap si Calvin.
Pumunta sa kinauupuan nila si Justin at may kung ano silang pinag-usapan.
"Magandang idea yan kasi marami din satin ang nahihirapan sa ibang subjects." Calvin.
"So kaninong bahay tayo bukas since holiday naman." Justin.
Tahimik lang si Cristtoff habang nagbabasa ng libro.
"Guys ano sa tingin niyo yung pinag-uusapan ng tatlo?" Mandy.
"Not sure pero baka mamasyal tayo bukas." Kiel.
Tinapik ni Mandy yung balikat ni Kiel. "Ikaw basta walang pasok puro lakwatsya nasa isip mo." Mandy.
"Sorry naman." Kiel.
"Ba't di nalang kaya sa bahay niyo Tope?" Justin
Naubo si Cristtoff. "Oo nga Tope medyo malaki kasi yung bahay niyo hehe." Calvin.
YOU ARE READING
Pia, I Love You
Novela JuvenilMay mga taong dumaraan lang sa buhay natin para baguhin tayo at may may mga taong dumarating para mahalin tayo.