Alex Reyes.
"Alex? Uy ikaw nga! Kamusta ka na?"
Jusko. Ano bang ginagawa niya dito?
Nangako pa naman ako kay Alex na di ko na siya kakausapin.
Alam niyo na, seloso much yun.
"Uy. Hi." Bati ko ng makabawi ako sa pagkabigla.
Pano ko ba siya iiwasan?
Tsk.
"Kamusta ka na? Paupo ha." At umupo siya sa isang vacant seat. "Btw I'm John Garcia." Pagpapakilala niya kay beshy.
"Kat Santos. Bestfriend niya." Sabi naman ng huli.
"Nice to meet you. Anyway you want some cake or drinks?" Alok niya.
"No. Actually were leaving." Humarap ako kay Kat.
"Yes. May lakad pa kase kami. Pano una na kami ha. Nice meeting you nga pala." Pagpapalam ni Kat.
"Ay ganun ba? Samahan ko na kayo." Prisinta ni John.
Manhid. Di ba niya maramdaman na ayaw namin siyang kasama. Tsk.
"Lagot ka kay Alex." Rinig kong bulong ni Kat.
Di ko nga lang alam kung para sakin ba yun o para kay John.
Tumingin ako kay Kat para manghingi ng tulong.
"Ano kase e mag-grocery pa kami kase ano.. kase monthsary namin ng boyfriend ko. Alam mo na I'll cook for him." Kat.
"What a coincidence. I'll join you na lang. I need to buy some stuff din kase. Shall we?" Pag-aaya niya.
Kaya wala na din akong nagawa. Kairita.
Di ako dunidikit sa kanya. Si best lang ang katabi ko.
"Sino ba yan best?" Tanong sakin ni Kat sa mahinang boses.
"Si John. Na-meet ko siya sa Jollibee one time." Bulong ko din.
"One time? Eh bakit sobrang feeling close naman niyan. Kainis ha."
"Ewan ko. Bayaan mo na. Baka humiwalay na din satin yan."
Nakapag-grocery na kami at lahat pero siya? Ayun di pa din humihiwalay.
"Let's eat first." Aya niya. "My treat."
"Sorry John but we have to go." I said.
Yes. I HAVE TO GO.
"Sige na please. Saglit lang. Please Alex? Please Kat?" Pagmamakaawa niya.
"Nako. Mabilis lang ha." Pagpayag ni Kat pero bakas na bakas ang pagka-irita.
The feeling is mutual best.
Sa fast-food na lang kami nagpunta dahil wala namang mga restaurant dito sa mall.
Jollibee to be exact.
Jollibee again.
Siya na ang umorder ng food.
"Best friends lang ba talaga kayo nun?" Untag sakin ni Kat.
"Ewan ko nga kung friends na e."
"Ang kulit niya ha. Nakakainis na."
"Sorry best."
"Basta best pag yan kung saan saan na naman mag-aaya after kumain aawayin ko na talaga."
"Tulungan pa kita best." At sabay pa kaming tumawa.
Sakto namang dumating na din siya.
"Kain na tayo!" Masayang sabi niya.
Ang saya naman niya ata masyado.
"H-hm Alex di mo ba alam kung nasan tayo?" Sabi niya.
Tumaas yung kilay ko.
"Nasa Jollibee." Mataray na sagot ko.
"Wala ka bang naaalala sa Jollibee?" Pangungulit niya pa.
Ano bang meron?
"Ano bang dapat niyang maalala?" Singit ni Kat. "Sige lemme think. Dito ginanap yung 3rf birthday niya. Ito yung favorite niyang kainan pag wala siyang kasama. Ano pa ba?"
Natawa ko kay best. Halata mo na kaseng iritado siya e.
"Hindi yun. Bukod pa dun Alex?" Sabi na naman niya.
"Wala nga akong maalala." I said with an irritated voice.
"Diba dito tayo unang nagkakilala?" Pagpapaalala niya.
"And so?" Iritang tanong ko.
"Don't you think it's destiny?"
"Destiny? Oh come on. You're funny. Ha. Ha. Ha." Kainis na ah. Problema niya ba.
"Alex. Can I court you?" Biglang tanong niya.
Court me? He's just kidding right?
BINABASA MO ANG
My Mr. Right
RomanceKapag sinabi mong Mr. Right anong definition niyan? Para sakin kase pag Mr. Right, close to the word "perfect". Kumbaga siya na yung perfect ideal man ko, Yung mga pinapangarap kong katangian ng gusto ko sa magiging boyfriend at asawa ko ay nasa kan...