Chapter 54

943 38 0
                                    

Lumapit nga ako sa kanya.

Nakita kong tumitig siya sa akin.

Ngumiti naman ako.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya na tumingin sa parents niya. Gusto niya sigurong malaman kung sino ako.

"I'm Alex." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Nagulat siguro siya kase same name kami. "Alex Cassandra Reyes."

"H-hi Alex?" Nag-aalangang sabi niya.

"Grabe ka noh. Kinalimutan mo ko." Kunwa'y nagtatampong sabi ko.

Nakatitig lahat ng tao sakin.

Yung mga mata nila iisa lang ang gustong itanong.

Okay ka lang ba?

Ngumiti ako sa kanila.

Gusto ko kase ako naman ang maging matatag para sa amin.

Kung iiyak lang ako ng iiyak sa isang sulok, tuluyan na siyang maaagaw sakin.

"Pano tayo nagkakilala? Mag-kwento ka nga." Rinig kong sabi ni Alex.

"Sure! Friday night out namin yun magbabarkada e. Tapos kakilala ka pala nila Troy, so sa bar mo kami nagpunta." Huminga muna ko bago magpatuloy.

Nahihirapan kase akong alalahanin lahat ng nangyare samin. Ng mag-isa.

"Tapos ano? Ako ba ang unang lumapit?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Nagandahan siguro ako sayo." Namula yung pisngi ko sa sinabi niya.

Bolerong may amnesia. Haha.

"Ang ganda mo lalo pag nagbu-blush." Dahil sa sinabi niya ramdam kong mas nangamatis na yung buong mukha ko.

"Achuchu. Diyan nagsisimula yan e." Rinig kong pang-aasar ng mga kaibigan ko.

Napatingin tuloy ako sa kanila. Nakita ko din na nakangiti din ang magulang namin.

Alam ko kahit ganito ang nangyare, masaya sila para sa amin.

"Itutuloy ko na nga lang yung kwento ko." Sabi ko ng makabawi ako. "Basta aso't-pusa tayo nun. Haha. Pero dahil sa kakapalan ko, nanghingi ako ng favor sayo. I asked you to be my boyfriend."

Rinig kong napasinghap si mommy. Huhu. Let me explain. Please. Hahaha.

"Kunwari ka pa. Gusto mo lang pala ko e." Mayabang na sabi niya.

Nako kung hindi lang to nakahiga sa hospital bed at hindi makaalala, sinapak ko na to e.

"Ang yabang mo no." Psh. "Ginawa ko lang yun para maiwasan yung isang makulit na manliligaw ko." Pagpapaliwanag ko.

"Yun lang talaga?" Tanong niya. "I mean wala ka talagang gusto sakin?" Aba't ang yabang talaga ha.

"Wala nga sabi!" Sigaw ko. "Ayoko ng magkwento."

"Eto naman di mabiro. Pano ba tayo naging magkaibigan eh pikon ka?" Sabi niya pa.

"HINDI AKO PIKON!"

"Halata nga e. Magkwento ka na." Saad niya.

"No." Matigas na sabi ko.

"Oh sige ako na lang ang magku-kwento." Sabi niya.

Tumingin lang ako sa kanya.

Ano naman yung kwento niya?

Kung pano sila nagkakilala ni Xiemna?

Kung paano siya nanligaw at sinagot?

Kung san sila nag-date?

Kung gano niya kamahal yun?

"May napanaginipan akong babae. Maliit siya." Tumawa siya ng bahagya. Naningkit ang mata ko. Ako ba yun? "Pero maganda." Ako nga yun. Haha.

Sino naman kaya yung napanaginipan ng lalaking to? Tsk.

"Sino naman?" Tanong ko.

"Di ko nga makita yung mukha e. Pero alam mo sa panaginip ko dapat ikakasal na kami kaso tumakbo siya e. Bakit kaya?" Malungkot na sabi niya.

Pinigilan ko ang pag-iyak ko.

"Baka si Xienna yung nasa panaginip mo?" Tanong ko kahit na ayokong sabihin to.

"Parang hindi naman siya e. Basta ang layo ng height ng babae sa panaginip ko sa height ni Xienna." Sabi niya pa.

Gusto ko ng umiyak sa harap niya pero hindi dapat.

"Alam mo ba sa panaginip ko, ayaw na daw sakin nung babae kase ang sama-sama ko daw. Ano kayang nagawa kong mali no?" Malungkot ang boses niya habang nagsasalita.

At dun sa huling sinabi niya ay tuluyan ng bumuhosbang mga luha ko.

Hindi ko na kayang magpanggap na parang wala lang sakin to.

"I'm sorry Alex. Sorry. I'm really sorry. I know di mo ito maiintindihan sa ngayon but I want you to know how sorry I am." Tumigil ako sandali para huminga ng malalim. Nahihirapan na kase akong magsalita.

"Sorry kung hindi kita binigyan ng pagkakataon para mag-explain. Sorry kung naunahan agad ako ng galit. Sorry kung dahil sa isang picture lang hinayaan kong masira at mawala kung anong meron tayo." Pagpapatuloy ko.

"Sana gumaling ka na. Kase diba marami pa tayong pangarap. Sana paggaling mo, kapag naalala mo na kung sino ako." Bahagya akong tumigil dahil sa pagpiyok ng boses ko. "Sana ako pa din. Ako pa din yung gusto mongbmakasama."

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Wala na kong pakialam kung madami pang tao dito sa room niya. Ang importante sakin ay ang malaman na niya yung nararamdaman ko.

"Mahal kita Alex. I love you so so much." I said.

"I love you too. I love you too Alex Cassandra Reyes-Santillan."

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon