Chapter 45

915 40 0
                                    

Alex Santillan.

Ano bang dapat kong gawin?

Alam ko nasaktan ko siya pero bakit ayaw niya kong bigyan ng pagkakataong magpaliwanag?

Galit ako sa sarili ko kung bakit di ko hinayaang mangyare yun.

Pero nabigla lang din naman ako diba.

Tinulak ko nga siya e.

Damn Xienna.

Ng umalis siya sa party kagabi, sinundan ko siya sa bahay nila Kat.

Nagmakaawa at nagpaliwanag ako kay Kat para makausap si Alex.

Pumayag siya kaya nagmadali akong umakyat.

Bukas yung pinto.

Rinig na rinig ko ang pag-hikbi niya.

I'm sorry baby.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Nagulat ata siya kaya napatingin siya sakin.

At mas nagulat siya ng makitang ako ang gumawa nun.

Tumayo siya bigla at nagtatakbo patungo sa cr.

"Baby." Katok ko. "Let's talk please.."

"No! STOP CALLING ME BABY!" Galit na sigaw niya mula sa loob.

"But baby let me explain everything first." I said.

"EXPLAIN WHAT ALEX? ANO HA? GAGAWIN MO PA KONG TANGA? AYUN NA DIBA KITANG-KITA KO NA. KAYA BA AYAW MO NG UMUWI DITO? KASE ANDUN NA SIYA? HA ALEX? DAMN IT! SANA SINABI MO. PARA HINDI NA KITA HININTAY!" Galit na galit na sabi niya.

"Baby wala nga yun! Hindi ko naman ginusto yun." Pagpapaliwanag ko.

"HAH! HINDI MO GINUSTO? TALAGA ALEX? BAKIT HINDI MO MAN LANG SIYA TINULAK? HA? SABIHIN MO NGA!"

"I pushed her okay? Ni-cut lang ata sa video." I know she's hurt. I am hurt too! Ugh.

"YOU CAN'T FOOL ME ALEX." Sabi niya.

"I'm telling the truth Alex! I'm telling the freakin' truth damn it." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Galit ako. Galit na galit sa sarili ko.

"IKAW PANG GALIT NGAYON HA? GO AWAY LIAR! HINDI KITA KAILANGAN. HINDI KO KAILANGAN NG MANLOLOKONG KAGAYA MO! AYOKO SA MGA SINUNGALING. MANLOLOKO KA. LIAR! DAPAT DI KA NA BUMALIK! GO TO HELL ALEX! GO TO HELL!" With that I left.

Yes. I left her. Her words are killing me. Damn it.

Kaya eto ako ngayon sa condo ko.

Nagpapakalasing.

Nagwawala.

Umiiyak.

At higit sa lahat nasasaktan.

Bakit hindi pwedeng happy ending na lang lahat?

Bakit kailangan pang may masaktan?

Hindi ba pwedeng pag nag-i love you too na si girl sayo ay forever masaya na kayo?

Dati naniwala ako sa forever dahil kay Xienna.

Nasaktan ako.

Pero eto ako ngayon, naniniwala na naman sa forever dahil nakita ko na ang babaeng gusto kong makasama.

Pero ano?

Mawawala din ata siya sakin....

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon