Chapter 57

927 32 1
                                    

Dumiretso kami sa oby ng sabihin ko sa kanya na feeling ko buntis ako.

Hindi ko alam kung galit ba siya or what.

Hindi siya nagsalita o kung anupaman. Basta hinawakan niya lang ng mahigpit yung kamay ko.

Hindi yung higpit na nakakasakit, kundi yung nakakaunawa.

Ang dami kong iniisip.

Yung nararamdaman niya.

Yung mararamdaman ng pamilya namin.

Yung sasabihin ng ibang tao.

Ayokong pag-usapan nila ko.

Ayokong sabihin nila ng kaladkarin akong babae.

Ayoko ng ganun.

"Everything will be alright okay?" Sa wakas ay nagsalita na siya bago ako hinalikan sa noo.

Naghintay pa kami ng unti after ng mga test na ginawa sakin.

"Congratulations Mr. and Mrs. Santillan!" Masayang bati ng doctora samin.

Dapat bakong maging masaya?

Pero hindi naman anak ni Alez tong dinadala ko e.

Binigyan niya pa kami ng vitamins at sinabihan ng mga dapat at hindi dapat gawin.

Wala akong kibo hanggang sa makarating kami sa kotse.

"Hey. Okay lang ba yung baby ko?" Tanong niya habang nakayakap sakin.

"A-alex.. sorry. Alam ko mahirap tanggapin to lalo na bunga ito ng pagkakamali ko. Tapos hindi pa ikaw yung ama nila. Maiintindihan ko kung ayawan mo na ko. Kung hindi mo na ituloy yung pagpapakasal sakin. Kung-" Naputol yung sinasabi ko ng isang halik.

Malalim at punong-puno ng pagmamahal na halik. Ito na yata ang pinakamatagal na halik namin kaya hihinga-hinga kami pareho ng nagbitaw.

"Marry me." Biglaang sabi niya.

"Eh diba nga pumayag na kong magpakasal sayo. Kaya nga inaasikaso na natin yung wedding diba?" Sabi ko naman. Ang gulo ng lalaking to.

"No. I mean marry me. NOW." Sabi niya bago ako hinatak. Saan na naman kami pupunta?

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon