Chapter 23

995 50 2
                                    

Alex Santillan.

Ang saya ko pa naman kanina ng macancel yung meeting.

Alam ko kase na nagtatampo yung baby ko dahil di kami sabay mag-lunch.

Pero siyempre bilang professional na tao, ang trabaho ay trabaho.

Kaya laking pasasalamat ko ng tumawag yung ka-meeting ko na di siya makakapunta dahil may emergency daw.

Agad akong dumiretso sa office niya pero wala siya.

Ang sabi ng guard e nakita daw niya na papunta si Alex sa Jollibee kaya pumunta na agad ako dun.

Dinala ko yung sasakyan ko. Buti na lang nakahanap ako ng magandang parking.

Pababa na sana ko ng sasakyan ng makita ko siya.

Nakaupo siya sa may window side at hindi siya nag-iisa.

Hindi ko masabing meeting ito dahil unang-una nasa Jollibee sila.

Maingay sa loob for sure kaya pano sila makakapag-usap ng maayos diba?

Pangalawa, wala naman silang bitbit na files or anything.

Puro pagkain lang yung nasa lamesa.

Nagkukwentuhan lang sila.

Tapos nasamid si Alex. Yung lalaking kasama niya at todo asikaso sa kanya.

Binigyan siya ng tubig nito at tinap pa yung likod niya.

Makaraan nun ay kitang-kita ko na yung pagtawa ni Alex.

Alam mo yung parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala.

Ang saya-saya ni Alex ngayon.

Hindi ko pa siya nakikitang ganyan kasaya kapag magkasama kami.

Nagseselos ako.

Oo, alam ko hindi pa kami pero mapipigilan ko ba tong puso ko kung nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon.

Kaya tinawagan ko si Alex. Baka naman mali lang ako ng pagkakaintindi sa nangyayare.

Umaasa ako na maliliwanagan ako. Pero nagsinungaling lang siya sakin.

Kitang-kita ko pa yung pagkagulat sa mukha niya ng nakita niya ko sa labas.

Masakit. Kaya eto ako ngayon sa bar.

Umiinom na parang wala ng bukas.

Uminom lang ako ng uminom.

Ng mga bandang alas kwatro na ay naisipan ko ng umuwi.

Kaya ko pa naman mag-drive e.

Pagpasok ko sa condo ay nagulat ako sa naabutan ko.

Si Alex. Natutulog sa sofa.

Binigyan ko nga pala siya ng susi dito dati. Ewan ko nga din kung bakit e.

Umupo ako sa may gilid niya dahilan para magising siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.

"Lasing ka ba?" Tanong niya.

Hahawakan niya sana yung mukha ko pero iniwas ko.

"H-hm ano. S-sorry sa kanina." Nauutal na sabi niya. Tapos kinwento niya yung buong nangyare.

"Pero ang saya mo kanina." Naramdaman ko naman yung kirot ng maalala ko yung masayang mukha niya kanina.

"Ano ka ba. Nagjojoke kase yung tao kaya tumatawa ako."

"I've never seen you that happy Alex." I said. "Aren't you happy with me?" Pumipiyok na tanong ko.

I feel like crying. Ganito ata talaga. Kahit lalaki ka basta seryoso yung pagmamahal mo, makakaramdam ka ng kahinaan.

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"He's nothing okay?" Pangungumbinsi niya sakin. "You're just jealous."

"Sorry. I know I don't have the right to be jealous. Sorry."

"Okay. From now on, you all have the right to be jealous." Then she kissed me on my lips.

I answered her soft kisses.

God. I really love this girl. Sa isang halik lang niya nawala na lahat ng pagtatampong nararamdaman ko.

Ako na ang kusang bumitiw sa halik dahil baka kung san pa mapunta to.

"Lasang alak. Nakakalasing tuloy. Haha." Sabi ni Alex.

Kaya kiniss ko siya ulit. Isang mabilis na halik lang. Tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you." I sincerely said.

"I love you too." She answered.

Wait. Did she just say I love you too?

"You mean simasagot mo na ko?" Tuwang-tuwang tanong ko.

"Yes! Kanina ko pa sinabi diba? Akala ko naman nagets mo. Haha. I love you." Sabi niya ulit.

"I love you too baby. With all my heart." I kissed her head.

"Dapat nga eeffort din ako kagaya mo pag sinagot kita eh kaso nagtampururot ka na diyan."

"Ang saya-saya ko ngayon. Thank you and I love you." I hugged her tight.


Today is January 30. One of the most memorable date of my life.


Vote and comment po. :)

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon