Chapter 29

1K 44 0
                                    

Alex Reyes.

"Baby. Pwede bang palitan mo yang damit mo?" Naiinis na sabi sakin ni Alex.

Papunta na kase kami sa bagong bar niya para sa aming Friday night-out.

By couple ang pagpunta namin dun. Yie. May partner na ako. Dati kailangan pa nila kong sunduin para magpunta pero ngayon di na need ng aking beauty. Hihi.

"Eh eto naman palagi yung sinusuot ko pag umaalis kami ah."

"Magpapalit ka ba o hindi na tayo pupunta?" Nananakot na sabi niya.

Naka-dress ako ngayon. Hanghang half ng thigh ko yung haba tapos sleeveless siya and fit na fit sa aking sexy body.

Naka-heels din ako of course. Tas may unting make-up.

Ang hindi ko lang maintindihan dito sa kasama ko ay kung bakit pinagbibihis niya pa ko gayong nagpaganda naman ako para sa kanya. Kainis.

Nung pagkakita nga niya sakin wala man lang "You're so beautiful tonight" o kaya naman "Hello Ms. Beautiful". Diba kase ganun dapat. Tsk.

"Ayoko. Kung ayaw mo ako na lang mag-isa ang pupunta dun."

Kinuha ko ma yung purse ko at susi ng kotse.

Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin mula sa likod.

"Fine. Basta stay close to me. Okay?" Sabi naman nito.

"Opo." He kissed me on my forehead.

Forehead lang? Diba pwede sa may lips? Chos.

After 20 minutes of driving, nakarating na kami sa place.

Kakabukas pa lang nito ngayong gabi pero ang dami na agad tao. Malamang pag-aari ba naman ni Alex Santillan e.

Ang daming bumabati sa kanya.

Halos lahat ata ng nakakasalubong namin ay kilala siya.

Yung mga babae nga dun ang sarap dukutin ng mata e. Halata kaseng pinagnanasahan yung hot na kasama ko. Psh.

"Uy pare long time no see ah." Bati ng mga kasing edad niya na lalaki.

"Kelan ka pa nakabalik mula sa States ha?" Alex.

"Kahapon lang. Btw pwede pala kitang makausap sandali?" Tinignan ako ni Alex.

"Hintayin na lang kita. San ba tayo nakaupo?" Tanong ko.

"May private room tayo sa dulo baby. Hatid na kita."

"Wag na. Antayin na lang kita dun." Kiniss ko siya sa cheeks.

Naglalakad nako papunta dun sa room na tinuro niya ng may lumapit sakin na dalawang lalaki.

"Wanna dance beautiful lady?" Sabi ng isang medyo matangkad na lalaki. Mas matanda siguro siya sakin ng 2 years.

"No. Thank you." I said. Tas nagpatuloy na sa paglalakad.

"How about if I get you a drink?"

"No."

"Are you alone?"

"No."

"Where are they?"

"Nasa private room." Matipid na sabi ko.

"Wala pang tao dun e. Dito ka muna." Sabay hatak sa braso ko.

"BITIWAN MO NGA AKO!" Sigaw ko sa humatak sakin.

Napalakas na din yung sigaw ko pero walang nakarinig sakin. Dun ko lang napansin na nasa medyo dulo na pala kami. Wala ng tao dito.

"Sayang naman ang kaseksihan mo miss kung magtataray ka lang." Sabi ng lalaking kasama niya.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon