Kylie Reyes.
Hi! Natatandaan niyo pa ba ko? Ako yung magandang kapatid ni Ate Alex na pinagselosan niya. Hihi.
Akala ko talaga sila na ni kuya Alex e.
Kaya nalungkot ako ng nalaman kong hindi pala. Pero sabi sakin ni mommy wag daw akong mag-alala dahil nase-sense daw niya na may something sila pero di pa nag-aaminan. Haha.
Andito pala ako sa mall ngayon. Tinawagan kase ako ni Kuya Alex e. May plano daw kami.
Flashback
Ang aga-aga naman ng caller na to. Tsk.
Naiinis na kinuha ko yung phone sa bedside table.
Number lang. Di ko sinagot pero makulit e. Tawag ng tawag.
"Hello." Inaantok na sagot ko.
"Kylie! Hi. Nagising ba kita?" Masayang bati niya sa kanilang linya. Hm. Familiar voice.
"Shino to?"
"Grabe ka ang bilis makalimot. Haha. Si kuya Alex mo to. Remember?"
"Oh kuya Alex! Yes yes? Napatawag ka? Tsaka san mo nakuha yung number ko?"
"I have my sources. Haha. Anyway, you free today?" He asked.
Bakit?
OMG.
"Don't tell me your asking me out kuya? Jusko. Lagot ako kay ate nito. Alam ko namang maganda ako. Pero alam mo naman ang kay ate ay kay ate. Ang kay Kylie ay kay ate pa rin. Joke. Ang kay Kylie ay Kylie. Gets kuya? Kaya hindi tayo pwedeng mag-date." Hysterical na sabi ko. Pero siya? Ayun tawa na ng tawa sa kabilang linya.
"Bakit ka ba tawa ng tawa kuya? Tama naman yung sinabi ko ah." Naiinis na sagot ko.
"Sorry. Sorry. Pero I'm not asking you out kase Kylie." Pinipigilan na niya ang kanyang tawa. "I'll ask you to do me a favor sana. "
"What is it?" Nilagyan ko ng unting pagtataray yung boses ko para matakpan yung pagkapahiya ko.
"It's about me and your ate. I'll explain later. Okay ba sayo?"
"Sure. Maliligo lang ako. San ba tayo magkikita?"
Sinabi na niya yung address ng mall. Sabi nga niya susunduin na lang daw ako pero sabi ko magpapahatid na lang kako ako sa driver.
End of flashback
Kaya ayan.
Nagtext na siya sakin nandun daw siya sa isang restaurant.
Pumasok naman na ko at kinawayan niya ko agad para makita ko.
"Hi kuya!" Masiglang bati ko.
"Thanks for coming Kylie. Let's eat first?" Masayang sabi niya.
Baka excited lang. Ako din naman e. Haha.
Ayun umorder na siya tas maya-maya lang sinerve na yung food namin.
Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano.
Pero nung mga half na yung food namin nagtanong nako.
"So kuya, gusto mo si ate?" Kinikilig na tanong ko.
"Yes. I like her. A lot." Dire-diretsong sabi ni kuya.
Hay. Ang swerte ni Ate! Sana magkaroon din lalaking katulad ni kuya na magmamahal sakin.
"Yiee. Sabi ko na e. May gusto ka kay ate. Anyway, what's our plan?" Excited na talaga ko.
"Hm. I'm planning to court her. I'll ask her over dinner sana. Kaso parang ayoko ng typical na dinner lang e." Sabi niya.
"Any thoughts on your mind?" I asked.
"Sa totoo lang wala pa kong idea e."
"Hm. Wait. San mo ba balak?"
"Sa Batangas sana. May villa ako dun." Sagot niya.
"Okay. So dinner sa villa niyo. Kanino ka magpapaluto? May cook kami sa bahay na-" Naputol yung sinasabi ko ng sumungit siya.
"Ako magluluto para sa ate mo." With matching kindat pa yan ha.
"Weh. Baka naman pag nagluto ka, ayawan ka na lang nun bigla." Pang-aasar ko.
Kaya niyang magluto? Talo pa kami ni ate a.
"So anong iluluto mo para kelan nga pala to kuya?" Nakalimutan ko pala kase itanong.
Sana bukas na lang. Wala kaming pasok e. May something yung teachers namin.
"Tomorrow night." Sabay subo ng food. "So ayun nga secret na yung lulutuin ko. Haha."
"Nako kuya ha. Baka naman pritong itlog lang ang iluto mo para bukas? Nako talaga."
"Excuse me ha future ano nga ba kita?" Sabay tawa. "Magaling ata tong magluto noh. Wala ka bang bilib sa future bawaw mo? Tama ba? Haha."
Kibit balikat lang ang sinagot ko. Hindi ko din kase talaga alam kung anong tawag e.
"Osiya. Pano mo na nga siya aayain? As in pupunta ka lang dun sa office or sa bahay niya tas sasabihin mo "Let's have a dinner." Tas ayun na. Alis na kayo agad-agad? Panget naman nun. Siyempre dapat unique." Litanyan ko sa kanya. "Mag-isip ka na kuya."
"Sus kaya nga ako nagpatulong sayo e. Tulungan mo kaya ako?"
Subo lang ako ng subo ng pagkain. Tapos kinain ko na yung dessert.
Kain lang ako ng kain habang iniikot ko yung mata ko sa paligid.
May nakita akong mga bata na naka-mask. Ang cute-cute nila.
Wait.
Mask?
Yes. Mask!
"Kuya alam ko na. Hihi."
Binulong ko sa kanya yung naisip kong plan. Ayaw niya pa nga sana e. Kaso siyempre may makaka-hindi ba kay Kylie Reyes? Wala naman diba?
Nag-promise ako sa kanya na ako ang bahala sa pagde-decorate ng place bukas.
Nagpaalam din ako kila mommy about sa plan nila.
Tuwang-tuwa nga silang dalawa e. Gusto sana nilang sumama kaso may lakad sila bukas e. Kaya ayun. Picturan ko na lang daw para atleast alam nila ang ganap. Haha.
Nag-ready na ko. Maaga kase akong ipapahatid ni kuya dun e. So excited. Mini bakasyon ko na din ito.
BINABASA MO ANG
My Mr. Right
RomanceKapag sinabi mong Mr. Right anong definition niyan? Para sakin kase pag Mr. Right, close to the word "perfect". Kumbaga siya na yung perfect ideal man ko, Yung mga pinapangarap kong katangian ng gusto ko sa magiging boyfriend at asawa ko ay nasa kan...