Chapter 2

1.9K 64 0
                                    

At siyempre dahil ako ang kaisa-isang single sa grupo namin, ako ang nag-drive. Sasakyan ko din kase ang ginamit e. Ang mga bruha walang dalang sasakyan dahilk ihahatid naman daw sila ng mga boyfriend nila.

Sana ako din may boyfriend. Hay.

Ako na lang kase ang No Boyfriend Since Birth sa kanila.

May list kase ako ng mga katangian na gusto ko sa magiging boyfriend ko.

Actually may nakilala na akong pumasok sa aking list bilang si Mr. Right pero taken na sila e. You'll meet them later.

"OMG! We're here!!" Narinig kong tili ng kambal.

"San ako magpa-park?" I asked them. Ngayon lang kase kami nagpunta sa bar na to e. Kaya naka-stop lang yung sasakyan sa may entrance.

"Hindi ko alam best e. Hanap ka na lang." Sabi niya bago sila bumaba.

The heck. Nananahimik ako sa bahay ko ng bigla nilang ayain tapos iiwan na lang ako basta-basta?

Driver lang ba ang need nila?

Psh.

Naiinis akong nag-hanap ng parking then pumasok na agad sa loob after I found one.

Dire-diretso akong pumasok sa loob.

Ang daming tao. Napakausok. Maingay. Madaming umiinom at nagsasayaw.

Iginala ko ang mga mata ko pero di kosila makita.

Asan na ba sila?

"Hey miss. You want me to accompany you?" Nakangiting sabi sakin ng isang lalaki.

Sa totoo lang gwapo siya. Maganda yung mga mata niya. May matangos na ilong. Mamula-mulang pisngi. At mukhang malambot na lips pero medyo bad boy yung itsura kaya a big big NO.

Gusto ko kase yung malinis tignan e. Yung kapag tiningnan mo pa lang parang ang bango-bango na? Basta yung ganun.

Kaya hindi ko na lang siya pinansin. Nagdire-diretso ako sa loob pero sumunod siya.

"Ang sungit mo naman miss. Nakikipagkaibigan lang e." Habol niya.

"I don't need you because I have my friends with me." I said.

"Mga dwende ba yung friends mo?" Napakunot yung noo ko. "Hindi ko kase sila makita o." Sabay tingin sa gilid ko.

"ALEX!" Biglang sigaw ni Jean sa may gilid ko.

"Yes?" Nakangiting baling nung lalaking makulit kanina kay Jean.

"Ano ba? Ikaw ba yung tinatawag niya ha? Alex nga daw diba? And that's me." Sigaw ko sa kanya.

Dahilan para mapatingin sa amin yung ibang tao.

Maya-maya may lumapit sa aming bouncer.

"Sir Alex may poroblema po ba?" Tanong niya.

Ngumiti ng makahulugan sakin si Mr. Kulit bago sumagot.

"Wala naman. Sige na bumalik ka na sa pwesto mo." Then umalis na yung bouncer.

Di pa din ako makapagsalita. Ano ba yun? Trip o same name talaga kami?

"Cat got your tongue? Don't worry you're still beautiful without you tongue. HAHA."and with that, he left.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon