Alex Reyes.
Nilagay ko yung notebook na yun sa bag ko bago nagmadaling mag-ayos at bumaba.
Nakita ko siyang maghuhugas ng pinggan dun sa may sink.
"Uyy! Ano ka ba bat ka pa naghuhugas diyan?" Sita ko sa kanya bago siya hinila.
Nakita kong basang-basa yung polo niya kase di naman siya gumamit ng apron.
Tsk. Pasaway.
"Halaa. Basang-basa ka na o."
"May damit naman ako sa kotse. Magpapalit na lang ako." Nakangiting sabi niya. Hay. Gwapo. Tsk.
"Ready ka na? Let's go?" Aya niya sakin.
Giniya na niya ko palabas ng sariling kong bahay.
Haha. Alam mo yung para siya mismo yung nakatira dito?
Siya na rin yung nag-lock ng door.
Pinagbuksan niya po ko car door tas isinakay ng maayos. At take note ha, siya pa mismo yung nagsuot ng seatbelt ko kaya nagulat ako.
Sobrang lapit ng mukha niya sakin.
Kitamg-kita ko ng malapitan kung gaano siya talaga kagwapo.
Ang bango-bango niya pa.
Naramdaman ko yung hininga niya sa may tenga ko. Napaigtad ako bigla dahilan para mapalapit lalo ako sa kanya.
At dun...
Dun dumikit yung labi ko sa pisngi niya.
Ramdam na ramdam ko na naman yung mga gumagalaw sa tiyan ko dahil sa nangyayare sakin ngayon.
"Haha. Ikaw ah tsansing ka." Narinig kong pang-aasar niya.
Namula na naman yung pisngi.
"Ang cute-cute mo talaga." Sabay pisil sa pisngi ko tsaka siya tumawa.
Umikot na siya para makasakay na din.
Papaandarin na niya yung sasakyan ng pigilan ko.
"Your shirt is still wet." I said.
"Gusto mo ikaw na lang magbihis sakin." Then he winked.
Jusmiyo. Yung puso ko parang nagtatalon. Yung mga alaga ko sa tiyan nagwawala na naman.
"Asa ka no." Sabi ko ng makabawi ako.
Kinuha na niya yung polo na naka-hang sa likod.
Bigla siyang naghubad sa harap ko kaya napapikit ako bg sobra na ikinatawa naman niya ng malakas.
"Hey my body is not that bad." He said with an amused voice.
"Heh! Magbihis ka na nga lang!" Angil ko.
Ayun di siya sumagot siguro nga nagbihis na.
"Okay na." Tumatawa pa rin niyang sabi. Dun lang ako nagdilat ng mata at buti nga ay bihis na talaga siya.
"Alis na tayo ha." He said din pinatakbo na yung sasakyan.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano hanggang sa makadating na kami sa coffee shop niya.
Marami ang tao dun. May mga pulis at yung mga tauhan niya.
Narinig ko pang sabi nila na nasa half a million daw yung natangay na pera. Tapos yung mga gamit pa na umaabot ng 2 million. May hinala silang inside job ito.
Mabuti na lang walang nasaktan sa kanila.
Kinausap niya muna yung mga pulis. Tapos pinauwi na niya yung mga tauhan niya. Ililipat daw muna niya sila sa ibang branch para hindi sila mawalan ng trabaho.
BINABASA MO ANG
My Mr. Right
RomanceKapag sinabi mong Mr. Right anong definition niyan? Para sakin kase pag Mr. Right, close to the word "perfect". Kumbaga siya na yung perfect ideal man ko, Yung mga pinapangarap kong katangian ng gusto ko sa magiging boyfriend at asawa ko ay nasa kan...