Chapter 48

935 36 0
                                    

Alex Reyes.

For the past few days si John ang lagi kong kasama.

Sinusundo niya ko sa bahay ko papunta sa opisina.

Hinahatid niya ko sa bahay after namin mag-dinner.

Kasabay ko din siya pag lunch time.

In short, ginagawa niya lahat ng mga ginagawa ni Alex dati.

Ginagawa niya lahat ng mga boyfriend duties.

Masasabi ko din na nakakalimutan ko yung mga problema ko kapag kasama ko siya.

Palabiro kase siya kaya masaya siyang kasama.

And isa pa mabait talaga siya. Siguro yung nagawa niya dati, bugso lang ng damdamin. Ewan ko ba.

Pero yung nagawa niya dati, wala na sakin ngayon.

Kumbaga nag-umpisa kami sa umpisa.

Para bang first time lang namin magkita nung day na nag-sorry siya sakin.

"Let's go?" Aya niya sakin.

Magba-bar hopping kase kami ngayon.

It's our friday night pero nagsabi nako sa friends ko na hindi muna ko makakasama.

Naiintindihan naman nila ko.

Hindi ko nga lang sinabi na kasama ko si John ngayon.

Actually wala pang may alam sa kanila na nagkabati na kami.

"Tara na." Binitbit niya yung nga files na dala ko.

Pati bag ko nga rin kinuha na niya.

Inalalayan niya ko sa paglalakad.

"Kamusta trabaho mo?" Tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa sasakyan niya.

"Nuxx. Parang girlfriend lang kita kung makatanong ka ah." Namula naman yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Achuchu. Nagbu-blush siya." Dagdag pa niya kaya hinampas ko na siya.

"Haha. Joke lang. Okay lang naman. Sayo miss?" Tanong niya.

"Okay lang. Medyo stressed pero kaya pa naman." Sagot ko.

"Dahil stressed ka, magrerelax tayo tonight." Sabi niya sabay kindat.

Huhu. How I miss Alex.

Sa totoo lang, wala nakong balita sa kanya.

Baka napagod at nagsawa na din yun.

Pero ang sakit pa rin alam mo yun?

Ganun lang ba siya kadaling sumuko?

Ang sakit-sakit pa din kase mahal na mahal ko pa din siya.

Hindi na nga ata magbabago yun e.

Forever na siyang nakatatak sa puso ko.

Para bang nilagyan na niya ng tattoo na kahit alisin mo, may matitira pa ding bakas.

"Andito na tayo!" Nagulat ako. Spaced-out na pala ko.

Pinagbuksan na niya ko ng pintuan.

Kumuha na agad kami ng table at umorder ng drinks.

"Yung hard ha." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong niya.

Tumango ako ng sunod-sunod.

Nag-aalangan man pero napasunod ko siya.

Pagkalapag pa lang sa mga order namin, ininom ko na agad yung isang bote!

"Ahh!" Ang init ng likidong dumaloy sa lalamunan ko.

"Di mo naman ata kaya e." Sabi niya na nang-aasar.

"Ako? Hindi kaya? Hah! Paramihan pa tayo e!" Pagyayabang ko.

"Tara ba!" Pagpayag niya.

Tinawag ko yung waiter at umorder pa ng mas maraming drinks.

"Pangatlo ko na to? Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

"Apat na." Sagot naman niya.

Apat na ba?

Matatalo ako?

Noooo!

Kumuha pa ulit ako ng isa oang bote at ininom ito ng tuloy-tuloy!

"Bottoms-up! Pano ba yan?" Sabi ko sa kanya.

"Eh di ako din!" Uminom pa nga siya ng ikalimang bote niya.

At siyempre, hindi ako nagpatalo.

Uminom pa kami ng uminom hanggang makaabot sa walong bote.

Naramdaman ko ng bunabaliktad ang sikmura ko.

Napadami na nga ata ang inom ko.

"Hik ano kaya hik mo pa hik ha?" Sabi ko.

"Lasing ka na e. Iuuwi na kita." Narinig kong sabi niya.

"Uuwi na? Hik talo ka pala e."

"Oo na. Ako na ang talo. Kaya uuwi na tayo." Sabi niya bago ko binuhat.

"Hik. Talo shi John." Paulit-ulit na sabi ko hanggang sa makaidlip ako.

Nagising na lang ako ng maramdaman ko yung malambot na kama sa likod ko.

Tapos may nakita akong lalaking tinatanggal yung shoes ko.

Blurred na yung paningin ko.

Hindi ko siya masyadong makita ng maayos.

Pero ang natatandaan ko, ang ginagawa nito sakin pag nalalasing ako ay si Alex.

Diba?

Inayos niya din yung pagkakahiga ko sa unan.

Tinaas ko ang kamay ko at nilapit sa pisngi niya.

Si ko pa din siya maaninag.

Pi-nat niya yung ulo ko.

"A-alex..." Bago pa siya makapagsalita ay hinalikan ko na siya.

Yes I kissed him.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon