Chapter 21

1K 53 0
                                    

Alex Reyes.

Nakayakap na ko sa kanya habang nagsasayaw kami.

Ng matapos yung kanta hindi niya pa din ako binibitawan.

"Look up baby." Naguguluhan man pero sumunod pa din ako sa kanya.

Tapos may mga fireworks.

Madaming-madaming fireworks.

Iba't-iba ng design.

Sobrang makukulay.

Umabot ng 5 minutes yung fireworks.

Ang sakit na nga ng leeg ko e.

Nakakangawit.

Tuwang-tuwa ako. Favorite ko kase talaga ang fireworks noh.

Titingin na sana ako sa kanya ng may fireworks pa ulit.

"May pahabol pa ah?" Tumatawa ko habang inaasar siya.

Pero unti-unting nawala ang mga ngiti ko ng ma-realize ko kung ano ang nakasulat gamit ang foreworks.

CAN I COURT YOU ALEX?

5 words na ikinagulat ko ng bonggang-bongga.

Naluha na naman ako.

Sino ba kaseng hindi?

Akala ko naman kase tatanungin na niya ko ng CAN YOU BE MY GIRL ALEX? e. Hindi pala.

JOKE.

Naiiyak ako kase ang effort niya. Alam mo yung ramdam ko na mahal niya talaga ko.

Basta. Tsaka sa lahat naman ng manliligaw siya lang ata tong ganto ka-effort.

Paano pa kaya kapag aayain na niya konh magpakasal?

Chos.

"Oo na yan siyempre!"

Biglang sumigaw si Kat.

Andito din sila? And take note silang lahat ha.

"Don't tell me na magpapakipot ka pa talaga ha?" Biglang sabat ni Joan.

"Sayang naman yung pagdukot namin sayo!" Tatawa-tawang sabi ni Troy.

"Aba't kayo pala yung mga nagpaiyak sakin!" Naalala ko na naman yun kaya umiinit yung dugo ko.

Biglang may yumakap sakin.

"I'm sorry okay?" He kissed me on my forehead.

Nginitian ko na lang siya.

Hindi naman kase talaga ko galit e. Naiinis ako, oo. Pero mas natatabunan kase yun ng kaaiyahan.

"Pwede ko bang malaman kung oo o hindi?" Biglang sabi niya sakin.

"Sorry." Nakita ko na parang nalungkot yung mukha niya.

"Sorry? Ibig sabihin di ka pumapayag?" Pagkumpirma niya.

"Oo. Sorry kase hindi ako pumapayag."

Di siya sumagot. Pinilit niyang ngumiti pero halatang-halata yung lungkot.

Ugh. I'm starting to fall for this man.

"Aw. Basted agad?"

"Grabe ka ate. Hindi mo alam yung hirap namin ha."

"Ano ba yan sis bakit ayaw mo pa."

"Jusko kung sakin gawin yan, kahit ata may asawa ako iiwan ko e." Kat.

At nagtawanan silang lahat pero si Jomar ayun sumimangot na. Haha.

Tumatawa pala lahat except kay Jomar at...

Alex.

"CR lang ako." Sabi niya.

Akmang tatalikod na siya ng hinatak ko.

"Hindi naman talaga ko pumapayag e. Hindi ako pumapayag na hindi mo ko ligawan." Ako naman ang kumindat sa kanya.

Nakita kong nanlaki ang mata niya.

At bigla ba naman akong binuhat. Jusmiyo.

"Hoy hoy hoy pumapayag pa lang ako na ligawan mo, hindi pa kita sinasagot." Pagsaway ko sa kanya na siya namang pagbaba niya sakin.

Niyakap niya lang ako at bumulong.

"Di mo lang alam kung gaano mo ko napasaya. I love you."

Hindi mo lang din alam kung gaano ako kasaya.

I'm starting to fall in love to you too. :)

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon