Chapter 15

1.1K 52 0
                                    

Alex Santillan.

Sabi ko sa sarili ko, gagawa nako ng move kase minsan lang ako makaramdam ng ganito.

Alam ko sa sarili ko na hindi lang siya basta babae na gusto kong maging ka-fling. Basta iba yung nararamdaman ko para sa kanya e.

Kaya eto ako ngayon sa villa. Minamanduhan lahat ng mga decorations.

Andito din si Kylie. Gusto niya kase siya ang in-charge. Andito din ang nga bff ni Alex at ang kani-kanilang mga boyfriends.

Nagpatulong na din ako sa kanila kase nga gusto ko na maging perfect tong moment na to for us.

Inexplain ko sa kanila yung mangyayare para mamaya.

4 pm na rin pala buti na lang nakatapos na ko sa pagluluto. Iinit na lang nila to mamaya.

"Girls iwan na namin kayo ha." Sabi ko sa kanila. "Bibitbitin ko muna yung mga boyfriends niyo." At ayun kanya-kanyang kiss pa sila. Edi sila ng sweet.

"Tama na daw yan. Naiinggit si Kuya Alex o." Pang-aasar ni Kylie sakin.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Galit na si kuya. Tsk. Tara na kaya? Iwan na natin sila?" Hinatak niya pa sila Kat paalis.

Wait? Aalis sila? Pero di pa tapos to.

"Halaa. Wait lang. Di ako galit!" Hinahabol ko pa sila.

Di pwede. Di sila pwedeng umalis. Di ko kaya tong mag-isa tapusin.

"Sorry na. I need your help guys."

Pagkasabi ko nun bigla silang bumalik at tumawa ng tumawa.

"Haha. Okay. Seryoso pala talaga si Alex kay Alex e." Sabi ni Kat.

"Oo nga. Nakita mo yung face niya nung akala niya iiwan natin siya. Haha." Tawa ng tawa yung twin sisters.

"Haha. Sige na kuya. Alis na kayo." Pagtataboy ni Kylie.

Umalis na nga kaming apat. Sa sasakyan ko sila sumakay.

Si Jomar yung nag-drive.

Sa office nila Alex kami dumiretso. Tinext ko kase siya na susunduin ko siya.

It's part of our plan.

Umakyat na nga ako sa taas. Yung tatlo naman maghihintay na lang yun sa baba samin.

"Hi. Ang tagal mo naman. Gutom nako. Libre kita?" Bungad niya sakin.

"Osige ba. Saan ba yung pinakamahal na restaurant dito?" Tanong ko sa kanya kaya hinampas niya ko sa braso.

"Heh. May karinderya diyan sa likod noh. Dun kita ililibre." Sabi niya.

"Sige okay lang basta ikaw ang kasama ko." Sabay kindat ko sa kanya.

Namula na naman yung pisngi niya. Hobby na ata niya yan e. Pero ang ganda niya tignan.

"Oh nagwapuhan ka na naman sakin? Haha. Tara na?" Aya ko sa kanya.

Ng palabas na kami nagmiss-call muna ko kay Troy. Yun kase yung magiging sign namin e.

Nagtext naman siya agad.

Ready na kami.

Nagtext din si Jean sakin.

Ready na kami dito. Goodluck.

Okay. All set na lahat.

Sana lang maging successful to mamaya.

Nasa elevator na kami ngayon pababa sa basement.

"Alam mo ba may feeling ako na sobrang malapit sakin yung kumuha ng pera sa kompanya. Kaso di ko pa matukoy kung sino." Panimula niya.

"May mga pinaghihinalaan ka ba?" Tanong.

"Wala nga e. Lahat naman kase sila mababait. Yung alam mong di kayang gumawa ng ganun? Ang hiram mambintang."

Nandito na kami ngayon sa basement.

Nakita ko na ang aking dalawang men in black. For sure sila Andrei at Troy to. Si Jomar kase ang magda-drive e.

Nakikipagkwentuhan pa din ako kay Alex para di siya makahalata pero naramdaman ko na na palalapit na sila.

"Wag kayong kikilos kung ayaw niyong mabutas yang tagiliran niyo." Nakita kong may pen na tinutok si Andrei kay Alex.

Naramdaman ko yung pagkapit ni Alex sa braso ko.

"A-alex! Natatakot ako." Sabi niya sakin ng nanghihina.

"You'll be fine. We'll be fine." At hinawakan ko siya sa kamay bago kami tuluyang makasakay sa sasakyan ko.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon