Nakatayo na ko sa labas ng saradong pinto kung saan gaganapin ang shooting.
Kinakabahan ako.
Ganito ba pag model? Kakahbahan palagi?
Madami kayang tao?
Ano kayang ipapagawa sakin?
Pipicturturan lang naman yung gown diba?
Pero siyempre kailangan din maganda ko sun dahil ako yung nagmo-model ng damit.
Tapos pano ba ang ngiti ng model?
Nag-practice ako. Kung anu-anong pagngiti ang ginawa ko.
Naglakad-lakad din ako ng parang ikakasal.
Ginagaya ko kase yung Tsunami Walk e.
Ganun ba dapat? Huhu. Pano ba?
Practice pa ako ng practice. Kaso sa hindi inaasahang pagkakataon, natumba ako.
Kung kelan isang hakbang na lang ulit ako sa kinakatayuan ko kanina.
Iniinda ko yung nasaktan kong paa. Ang taas kaya ng heels na suot ko.
Kaso...
Kaso biglang bumukas ang pintuan.
At ako? Ganun pa din ang posisyon ko.
Narinig kong nagulat ang mga tao.
Kaya napatingin ako sa harap ko.
Ang laki ng room na to!
Pata siyang simbahan.
May mahaba ding pasilyo at altar.
Tapos ayos na ayos ang nga upuan.
May red carpet.
Yung ayos din niya pang-kasal talaga.
Wow.
Ang ganda! Parang gusto ko pa ulit mag-model. Hihi.
"Uyy girl! Anong ginagawa mo diyan?" Narinig ko yung bading sa gilid ko. "Get up! Simula ka o." Tinulungan niya kong makatayo.
"Ano bang kapalit nito?" Bulong ko sa kanya.
"Lifetime happiness." Kinidatan pa niya ko.
Ano yun may chocolates at ice cream ako everyday??? Yehey!!!
"Peace." Nag-peace sign pa ko sa mga tao.
"Game na po ulit." Sigaw ko. Pero napatingin ako sa may gitnang part ng aisle.
I saw my mommy and daddy, standing there. And waiting for me.
"Mommy! Daddy! Kasali din kayo sa shooting??" Takang tanong ko. Pero imbis na sumagot tinawanan lang nila ako, pati lahat ng tao sa loob.
Maya-maya ay nagsalita si Kat?
Anong ginagawa naman niya dito?
"Pag narinig mo na yung tugtog, lakad ka na okay?" Kat.
"Ikaw ba yung event organizer nitong shooting?" Tanong ko.
At muli, isang malakas na tawanan lang ang aking natanggap.
Wow. Ano bang meron?
![](https://img.wattpad.com/cover/31565427-288-k9a0c6c.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mr. Right
RomanceKapag sinabi mong Mr. Right anong definition niyan? Para sakin kase pag Mr. Right, close to the word "perfect". Kumbaga siya na yung perfect ideal man ko, Yung mga pinapangarap kong katangian ng gusto ko sa magiging boyfriend at asawa ko ay nasa kan...