Chapter 19

1.1K 56 2
                                    

Alex Reyes.

Parang sasabog na yung puso ko.

Kanina lang takot na takot ako at kabado dahil akala ko may dumukot na talaga kami.

Tapos ngayon naman sa sobrang kasiyahan. Overwhelming yung feeling. Halo-halo yung nararamdaman kong emotions.

First time nangyare sakin to noh.

Kahit na may mga nanliligaw sakin dati, hindi naman ganito ka-grabe kung umeffort.

Sila tipong bigay lang ng chocolates and flowers.

Eh eto? Huhu. Grabe.

Tapos na siyang kumanta at dahan-dahang lumalapit sakin.

Grabe ang gwapo niya talaga.

Para siyang nagmo-model habang palapit.

"A-alex." Nauutal na tawag ko.

"Nagustuhan mo ba?" Sabi niya habang nakangiti.

Nag-nod lang ako kase parang maiiyak ako pag tinangka ko pang magsalita.

Niyakap niya ko tapos inalalayang makaupo.

Ngayon ko lang napagmasdan yung buong lugar kase kanina nakatitig lang talaga ko sa kanya e.

Makikita mo talaga na may effort yung pagkakaayos.

Hindi lang siya basta nilagyan ng upuan at lamesa.

May heart-shaped pa nga kung saan nakalagay yung table for two e.

Made of petals siya tapos sobrang dami ng balloons.

Siguro hunderds yung nagamit na balloon para dito.

Ang ganda.

"Para san ba lahat ng to Alex?" Naguguluhanh tanong ko pa din.

Sa pagkakaalam ko kase ako ang manlilibre ng dinner sa kanya e. Eh ano to?

Kahit ata ilibre ko siya ng dinner sa pinakamamahalinh restaurant hindi pa rin mapapantayan to e.

"Malalaman mo din mamaya." Nakangiting sabi na naman niya.

Jusko. Makalaglag puso naman kung ngumiti to. Kainis.

Ang sasarap ng food na nasa table.

Sinimulan na naming kumain.

"W-wow! Ang sarap naman nito Alex! Sinong chef ang nagluto?" Tuwang-tuwang tanong ko.

Para makaoagpaluto naman minsan.

"Hindi siya chef e." Sagot niya.

"Eh ano? Baka kasama niyo sa bahay? Pahiram naman siya minsan o."

"Hindi namin siya kasama sa bahay pero pwede mo siyanh hiramin." Tuwang-tuwang sabi niya.

"Eh sino nga?" Pangungulit ko pa.

"Secret."

"Sige na."

"Ayaw ko. Haha."

"Damot. Hihiramin lang e."

"Talaga? Hihiramin mo?" Namimilog yung mata na tanong niya.

"Oo nga. Sino nga kase?"

"Ako." Sabay kindat niya.

Talaga? Ganito ba talaga siya kasarap magluto? OMG.

"Sabi ko na e. Di ka maniniwala." Nagtatampong sabi niya.

"Naniniwala ako noh. Naiinggit lang ako kase ang sarap mong magluto e ako? Prito lang kaya ko." Nahihiyang sabi ko.

"Hayaan mo pag mag-asawa na tayo, ako palagi ang magluluto." Namula na naman yung pisngi ko.

Jusko. Mag-asawa? Kami?

Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain.

Pero may naalala ko bigla.

"Hoy ikaw!" Sabay hampas sa kanya. "Grabe ka. Alam mo bang takot na takot ako kanina tapos pakana mo pala lahat ng to! Ang sama mo!"

Pero siya ayun tawa lang ng tawa.

"GRABE KA TALAGA! PANO KUNG NAPANO AKO DUN."

"Kasama mo naman ako diba? Tsaka hindi ko naman hahayaan na may mangyare sayong masama. Okay?" Sincere na sabi niya.

Alam ko naman yun kaso nakakainis pa din e.

"Naiyak na nga ako kanina sa takot."

"Gusto ko na nga sanang itigil nung umiyak ka e. Sorry na."

"Heh! Sino ba kaseng may pakana nun ha?" Naiinis pa din ako.

"Yung.. Yung kapatid mo."

"Si Kylie?"

"May iba ka pa bang kapatid?" Ay pilosopo.

"Haha. Oo si Kylie nga. Ayaw ko nga sanang pumayag kaso mapilit." Pagpapatuloy niya.

Lagot sakin si Kylie pag nagkita kami.

Kakadaldal namin, di na namin namalayan na tapos na pala kaming kumain.

Nagkulitan lang kaming dalawa.

Pinagtatawanan niya kase yung itsura ko kanina.

Pinicturan pala ko ng lalaking to kanina. Kainis.

Ang panget ko pa sa mga kuha niya. Huhu.

Kaya bilang ganti, puro kurot ang inabot niya sakin. Bwahahahaha.

Pero maya-maya ay naging seryoso na siya.

Tumayo siya at lumapit sakin.

"Can I have this dance?" Shemay ang gwapo lang. Kainis.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon