Chapter 33

908 40 0
                                    

Kat Santos

"Best! Huhuhu. Best. Alam mo ba 3 days ng di tumatawag si Alex. Ano na kayang nangyare dun? Baka mamaya nagkasakit na siya o kaya naman nambabae na? Best. Anong gagawin ko. Huhuhuhu." Hysterical na sabi ni Alex sakin.

"Baka busy lang best." Busy sa pag-aayos ng kasal niya.

Yizz. Alam namin ang plano.

Actually, kasama talaga sa plano tong di niya pagpaparamdam kay Alex.

Pero samin naman everyday niya kaming inuupdate sa mga nagaganap sa kanya.

Sabi nga niya naayos na din niya yung sa company nila.

Tapos about naman sa proposal, pag-uwi niya tuloy na tuloy na daw yun.

Nakabili na nga daw siya ng engagement at wedding ring e.

I'm so happy for my beshy. Hihi. Pero siyempre quiet muna ako noh.

"Best naman! Ganun ba siya ka-busy para di man lang ako matext ng kahit isang beses? Grabe siya ah! Huhu. Ayoko na sa kanya." Napalakas pa yung iyak niya kaya napatingin samin yung ibang tao.

Nandito kase kami sa loob ng coffee shop na pagmamay-ari din future groom niya.

"Ang ingay mo naman best." Pagpapatahan ko sa kanya. "Tama na nga emote, di mo pa naman alam nangyayare dun sa tao e."

"Baka mamaya iyak ako ng iyak dito tapos siya nagpapakasarap dun sa ibang bansa." Sabi niya.

Kung alam mo lang best. Tsk.

"Bahala nga siya. Kung ayaw na niya sakin wag niya." Sabi pa nito. Sus.

"Hahayaan mo ba namang mangyare yun if ever?" Panghahamon ko sa kanya.

"O-o naman!"

"Talaga best? Okay lang sayo na may iba siyang kasamang babae. Na may iba na siya aakbayan. Na may-" Naputol ang sinasabi ko ng biglang tumayo ito at hinampas ang table.

"NO WAY! AKO LANG DAPAT NOH!" Sigaw niya.

Dahilan kung bakit lahat ng atensiyon ay nasa amin na. Tsk. Ingay kase e.

Ngumiti siya sa mga tao at nag-peace sign.

"Alex? Uy ikaw nga! Kamusta ka na?" Sabi ng isang gwapong lalaki na pumukaw ng atensiyon nitong best ko.

Nakatitig lang si Alex sa kanya.

Omg. I smell something fishy huh.

Tsk.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon