Chapter 22

1.1K 49 0
                                    

Alex Reyes.

Dalawang buwan na din ang nakalipas simula nung tinanong ako ni Alex kung pwede niya kong ligawan.

Madami na ang nagbago samin.

Nagbago in a good way ha.

Mas naging sweet siya sakin.

San kayo everyday ako may flowers and chocolates sa office. Basta everytime na papasok ako, andun na yun.

Tapos kapag hindi siya busy, siya pa mismo yung nagluluto ng breakfast ko.

Walang mintis din ang pagdi-dinner namin.

Minsan kakain kami sa bahay na siya ang nagluluto pero madalas na sa labas na lang kami nag-didinner. Okay lang yun sakin kase alam ko naman na pagod din siya sa trabaho.

Ang dami ko ding nadiskubre about him.

Alam niyo ba na halos lahat na ng nasa Mr. Right list ko ay namarkahan na niya ng big, big check.

Araw-araw mas napapamahal pa siya sakin.

Alam mo minsan natatakot na nga ako e.

Kase baka mamaya sa sobrang kasiyahan na nararamdaman namin ngayon, bigla na lang magbago.

Alam mo yun yung baka may dumating na sobrang bigat na problema tapos hindi na lang namin malamapasang dalawa.

Yung tipong mawala na yung kami.

Hay. Wag naman sana. Kase ayokong mangyare yun.

Alam niyo ba, minsan gusto ko na siyang sagutin pero gusto ko din bongga e.

Aba hindi lang siya ang ma-effort noh. Ako din kaya.

Gusto ko memorable lahat ng nangyayare samin.

Hay. Enough of my lovelife.

Work. Work. Work muna ang aking peg ngayon.

Nandito na kase ako sa office e.

And alam niyo ba? Nahuli na yung magnanakaw sa company.

Yung financing head pala yun. Echusero.

Tiwalang-tiwala pa naman ako sa kanya.

Ang tagal na kase niyang nagtatrabho para dito sa company. 20 years na ata kaya di ako makapaniwala na siya ang kumuha.

Pina-check ko din kase lahat ng assets ng bawat isang nagtatrabaho sa company.

Lahat ng bank accounts nila and everything ay chineck.

Tapos may 5 tao na halos same nasa same amount nung nawawala sa company.

And there unting check pa ay napatunayan ko nga na siya yun.

Nung week na nawala ang money, dun din yung week na may dineposit siya na same amount ng perang nawawala.

Kumuha pa kami ng evidence siyempre bago siya ni-confront.

Nung na-confront naman na ayaw pa din namang umamin.

Eh ang balak ko lang naman kase ay bawiin yun tapos di ko na siya ipapapulis.

Kaya ayun binalik na niya yung pera samin at humingi ng tawad.

Pero siyempre inalis ko na din siya sa posisyon niya.

Mahirap na kase baka maulit na naman yung ganitong pangyayare diba.

Kaya simula nun nawalan ako ng tinik sa dibdib.

So far okay naman na ulit ang state ng among company.

Kaya eto ako papirma-pirma na lang ng mga files. Haha.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon