Chapter 10

1.4K 60 0
                                    

Alex Reyes.

Okay naman ang buong araw ko.

Naging maayos lahat ng meetings ko.

Meeting with the board members. Medyo nagkakaroon na kami unti-unti ng lead sa estapadora sa company.

Then yung meeting with that freaking guy. I think this is my luckiest day ever. Imagine ba naman na mag-iinvest siya sa company? Sobrang laking tulong nun.

Tapos sa tingin ko natakasan ko na si Mr. Aguilar. Oo nga nagpanggap kami ni Alex ulit pero bakiy ganun, nung narinig pa lang niya yung pangalang Alex Santillan parang nanginig na yung tuhod niya sa takot? What's with him?

Pero natakasan ko man ang isa ayun naman ang isa pa ulit. Ininvite ni daddy si Alex sa bahay pa sa family dinner dahil akala niya ay kami ngang dalawa.

Kaya yan ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon sa harap ng aming mansiyon.

Hindi ko alam kung bakit parang tanggap na tanggap siya ni daddy. Eh kilala ko yun e. Basta lalaking mapapadikit sakin, lalabas ang pagiging tigre niya sa loob.

Pero akalain mong pagdating kay Alex ay nag-iba?

Actually buong araw ko na yun napapansin ha.

Simula sa waiter.

Kay Mr. Aguilar.

At ngayon si daddy.

Sino ba talaga siya?

"Ate nandito ka na!" Bungad sakin ng kapatid kong si Kylie.

She's just a 13-year-old-girl pero pag tinignan mo siya ay parang dalagang-dalaga na talaga.

I hugged her tight. Nako. Miss na miss ko tong batang to. Di naman na kase ako nakatira dito diba?

Three years ago, I asked my parents if I can live alone. Siyempre at first, ayaw nila. Aapat na nga lang daw kami ay aalis pa siya. Pero dahil makulit ako at gusto ko talagang maging independent, ayun bumigay din sila.

"Ate di naman nako makahinga." Umubo-umubo pa siya kunware. Ang arte. Hmp.

Bumitaw na siya sa yakap ko at biglang tinignan si Alex.

"Hi kuya! Boyfriend ka daw ni ate sabi ni daddy? Finally! Alam mo ba kase ang tagal ko ng hinihintay magka-boyfriend tong si ate e. Akala ko pa naman magpapaka-manang na." Sinamaan ko siya ng tingin. "HAHAHAHA. Anyway kuya, I'm Kylie Reyes." Pagpapakilala niya.

Tinggap naman yun ni Alex kahit tawa siya ng tawa.

"You know what kita, ang gwapo mo. Tas parang mabait ka pa. Mabait ka nga ba kuya? Haha. Parang mas bagay ata tayo kesa sa inyo ni ate e." Sabay kindat pa sa kanya.

Like what the hell?

"What was that for?" Naiinis na tanong ko. "I'm not a post here!"

"Eh kase ate it's true right? Parang mas bagay kami. Mag-break na kaya kayo?" Di ko alam kung seryoso ba tong kapatid ko sa sinasabi niya or what.

"For pete's sake, NO!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

"Hahahahahahaha. Selos ka naman te. Tsk. I was just kidding around. Hahahahaha." Humawak pa siya sa tiyan sa sobrang kakatawa. "Sabi kase ni daddy ayaw mo pa daw umamin e. But base from your reactions, you're just lying." She winked before going inside our house.

Di pa nga ako nakaka-react ng biglang nagsalita si daddy mula sa door kaya napatingin ako sa side na yun.

And I saw him laughing? My mom is laughing too?

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon