Chapter 58

1K 36 1
                                    

Hatak-hatak niya lang yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang opisina. Hindi to kalayuan sa ospital kaya siguro nilakad lang namin.

Kanina pa siya may kausap sa phone habang naglalakad kami kaya di nako nakasingit ng pagtatanong sa kanya.

"We're here." Maliit lang yung opisina na pinasukan namin.

"Good afternoon!" Bati samin ng isang medyo may edad na ginang.

"Hi. Ako yung kakatawag lang sa inyo. Andiyan na ba?" Hindi ko alam kung sino yung tinutukoy ni Alex.

"Ah kayo po pala yan Mr. Santillan. Yes po. Inaantay na po kayo. Sunod na lang po kayo sa akin." Rinig kong sabi nung ginang.

"Wait here." Bilin sakin ni Alex.

"Hindi ba ko sasama sa loob?" Nagtatakang tanong ko.

"No. Stay here okay." Tapos hinalikan niya ko sa cheeks.

Ang tagal ko ng naghihintay dito kaya naglakad-lakad muna ako. Isang room lang naman to kaya makikita niya agad ako kapag lumabas na siya.

"Ms. Reyes?" Nagulat ako sa nagsalita.

Ito yung may-ari ng pinagtahian namin ng gown ah?

"Yes?" I asked.

"Andito din pala kayo. Anyway maam, can you do me a favor po?" Duh. Di kami close.

Mehehe.

"Ano yun?"

"Can you be our model? May shoot po kase for our gowns kaso po, hindi makakapunta yung model namin." Sabi niya.

Ayoko nga. Maliit ako to be a model noh.

Umiling ako sa kanya.

"Sige na po maam? Please po. Importante lang po kase talaga. Please po."

"I'm too short to be a model." Naiinis na sabi ko.

"Sige na po maam. Sakto lang po yung height niyo para sa mga gown. Please po." Pagmamakaawa naman niya.

"Ayoko. Sorry." Tumalikod na ko sa kanya.

"Please. Please. Please."

"Uy ano ba. Tumayo ka nga diyan!" Lumuhod na kase siya sa harapan ko.

Tinutulungan ko siyang tumayo pero ayaw niya.

Asan na ba kase si Alex. Huhu.

"Tayo na diyan!" Sabi ko.

"Payag muna kayo please. Please." Ayaw niya pa din tumayo.

May mga tao na din na pumasok at pinagtitinginan kami.

Yung iba naman ay nagbubulungan pa. -_-

"Oo na. Oo na. Basta tumayo ka na diyan please!" Sabi ko sa mahinang boses.

Aba't mabilis pa sa daga ang ginawa niyang pagtayo.

"Yehey!!! Thank you maam." Hinatak niya ko bigla.

"Teka lang. Yung boyfriend ko baka hanapin ako." Pigil ko sa kanya.

"Saglit lang po tayo. Swear."

Tapos nagpunta na kami sa isang vacant room.

May tatlong bading sa loob tapos dalawang babae.

Agad akong pinaupo sa dresser na nandun.

"Teka-" Hindi ko pa man natutuloy yung sasabihin ko ng pinahiran na ng make-up yung mukha ko

Yung isa naman ay inayos ang buhok ko.

Ganto ba maging model?

After ilang minutes ay natapos na nila kong ayusan.

Isa lang ang masasabi ko.

ANG GANDA KO.

Pinasuot na din nila sakin yung gown na kailangan ko daw i-model.

Alam niyo ba parang sinukat talaga siya sakin.

Pati yung haba at pagka-fit niya, saktong-sakto sakin.

Isa rin to sa design na gustong-gusto ko sa shop nila kaso mas pinili ko talaga yung dream wedding gown ko no.

Pero hindi pa din ako makapaniwala na suot-suot ko na to sa wakas.

Nung naka-display kase to sabi niya bawal daw hawakan dahil maselan yung nagpagawa.

Tapos nagpaalam ako kung pwedeng isukat ko man lang kaso hindi din punayag.

Magpapagawa din ako ng same design kaso hindi daw pwede.

Balak ko kase sana na suotin to sa reception dahil ang ganda-ganda talaga kaso ayaw nga akong gawin.

Psh.

Pero ngayon, suot-suot ko na to.

Masaya na ko kahit na hindi para sa wedding ko. At least diba nai-model ko yung ganito kagandang gown.

Unting ayos pa at hinarap na ulit nila ako sa salamin.

Ying full body yung makikita.

"Ang ganda mo girl!" Rinig kong sabi ng humatak sakin kanina.

"Haha. Baka maging lalaki ka sakin niyan ha." Pang-aasar ko.

Sobra kaseng makapilantik ang mga daliri e.

"No way! Buti sana kung yung sa boyfriend mo na lang e." Sabi naman nito.

Aba't type pa si Alex ko?

"Heh. Taken na siya noh!" Pagyayabang ko.

"Hmp. I know!" Tapos tinulak niya ko palabas. "Osiya. Nakikita mo yung pinto na yun?" May tinuro siya. Same room ng pinasukan ni Alex kanina.

Nandun siya?

"Uyy. Nakikinig ka ba girl?" Untag niya.

"Oo. Ano bang meron dun?" Nagtatakang tanong ko.

"Basta. Yung shoot nga. Papasok ka dun pag may go signal ko na." Inaayos niya pa yung gown ko. "Tapos dahan-dahan kang papasok. Feel the moment ha girl." Naguguluhan man sa mga sinasabi niya ay tumango na lang ako.

Baka nga ganun pag model ka. Kailangan f na f mo para maganda ang kalabasan.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon