Chapter 50

903 36 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko ng kinuha ko ang USB.

Binuksan ko agad yung laptop ko kahit na hindi pa ko nakakapagbihis.

Nilagay ko yung usb.

Isang file lang yung laman niya.

Video.

Pinlay ko yung video.

#AlexSquaredGetTogether

Yan ang unang nakalagay dun sa video. Parang title ganun.

"Haler Alex our friend! So I assume napapanuod mo na to ngayon diba? Alam mo naman na mahal na mahal namin ang Alex Squared Loveteam kaya eto kami gumagawa ng paraang para magkaayos na kayong dalawa." Sabi ni Jean.

"Oo nga naman beshy! From day one hanggang sa panliligaw niya sayo saksi kami noh. At knowing Alex Santillan? Siya yung taong gagawa at gagawa ng effort para sayo." Joan.

"Hi best!" Kumaway-kaway pa si Kat sa video.

Huhu. Parang kanina lang andito siya. And sinampal niya pa ko ha.

"Alam mo ba kung bakit talaga siya umalis ng bansa? Umalis siya dahil pinapunta siya ng dad niya dun kase nga nagkakaproblema yunv company nila. Naayos niya naman agad yun pero meron pa siyang isa pang inayos." Kat.

"Cassy! Hi. Ayan ha napasali pa tuloy kaming nga lalaki sa video na to. Kayo naman kaseng dalawa mag-ayos na!" Natawa tuloy ako. Knowing Jomar? Ayaw niya ng mga ganitong kaekekekan.

"So ayun nga natagalan siya sa pag-aayos ng engagement party at kasal niyo. Siya ang lahat ng nag-asikaso nun. Pati yung hindi niya pagtext at pagtawag sayo? Parte ng plano yun. Gusto kase niya mamiss mo siya." Pagpapatuloy niya.

"Pero alam mo Cassandra, pinapabantayan ka samin nun. Araw-araw kaming tinatawagan nun kung kamusta ka na ba. Kung kumakain ka ba ng tama sa oras. Basta palagi ka niyang tinatanong." Sabi naman ni Andrei.

"Kaya nung nalaman niya yung ginawa sayo nung John na yun napaaga yung uwi niya kahit na nagkaproblema ulit sa kompanya nila, pinabayaan na niya. Mas inuna ka niya. Kase ganun ka niya kamahal." Daddag naman ni Troy.

Iyak lang ako ng iyak.

"It was all planned. Sobrang saya naming lahat dahil dun. Sabi namin finally, nahanap mo na si Right Guy mo. Kahit yung family mo, alam yung plano ni Alex." Bumalik na ulit kay Jean.

"Simula nung iniwan ka nila sa bahay. Sinadya nilang mauna para ikaw lang ang sasakay sa kalesa." Joan.

"Tapos pinasara pa ni Alex yung daanan mo para ikaw lang ang makadadaan. Sabi pa nga niya,"I'll do anything for my princess." Naalala mo pa ba ying dream wedding mo? Eto yun diba. Sasakay ka sa kalesa na sobrang ganda tapos yung wala kang kasabay sa daanan." Sabi ni best.

"Pagdating mo sa venue aakalain mong walang tao dahil sa sobrang katahimikan. Gusto kase niya na hindi mo agad magegets kung anong susunod na mangyayare e." Jomar.

"Kinantahan ka na nga ng mga tao as planned. Nasunod lahat ng nasa plano except for one." Pabitin ni Andrei.

Huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy.

"Yun ay ang sumagot ka ng OO at magpatuloy sa kasal niyo." Nagulat ako magpatuloy sa kasal?

"Oo Alex. Nakahanda na yung kasal niyo. Dapat kase righymt after you said yes ay magtatakbuhan na lahat ng tao papunta sa kabilang side ng hall. It's a garden wedding Alex. One of your dream wedding right? Andun na yung pari naghihintay sa inyo pero biglang nagbago ang lahat." Sabi ni Troy.

"Nagbago ang lahat ng dahil sa isang picture." Sabay-sabay nilang sabi.

I paused the video.

Information overload...

Dapat pala kasal na kami ngayon???

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon