Chapter 7

1.3K 58 0
                                    

Alex Reyes

9:30 am nako nakadating ng opisina. Si Kat kase e. Ang tagal-tagal kong kausap pero di man lang sinabi na late na pala ko sa office.

Good thing 10:00 am pa yung start ng meeting ko. I still have 30 minutes to prepare.

Ang alam ko full ang schedule ko ngayon except sa 12-1:30 pm. Buti na lang wala akong lunch meeting ko.

"Gina coffee please. Tsaka I need my schedule for today. Thanks." Sabi ko sa secretary ko gamit ang intercom.

Maya-maya ay kumatok at pumasok na si Gina.

21 years old na si Gina. Kaka-graduate niya lang pero nagtrabaho na agad siya samin. Yung mother niya kase talaga ang secretary ng daddy pero nagkasakit ito, sakto namang kaka-graduate lang ng anak niya kaya ipinakiusap niya na ito na lang ang pumalit.

So far wala pa naman akong nagiging problema kay Gina. Mabait naman siya at mapagkakatiwalaan.

"Good Morning maam." Nakangiting bati niya sakin. Sabay lapag ng coffee sa table ko.

"Full load po tayo ngayon maam. 10 am meeting with the board members. 12 noon lunch meeting with Mr. Santillan-"

"Wait. Diba wala naman yan kahapon?" Tanong ko sa kanya.

"Yes maam. Kaninang 7 am lang po siya nagpa-sched." Sagot naman nito.

Familiar yung Santillan. San ko ba narinig?

"About what yung meeting namin?" I asked.

"Ang sabi lang po niya maam is gusto daw po niyang mag-invest sa company niyo po."

Wow. May mag-iinvest! Pero di ba niya nababalitaan yung current state ng company namin?

"Okay. Please continue Gina."

"By 2 pm maam you have an appoinment with Mr. Aguilar regarding the proposal that he's offering you a month ago."

Ugh. That guy. He's asking me to marry him and in return he'll be merging his company with ours. Capital ewe.

"Okay. And then?"

"By 4 pm maam you have a meeting with our new client. Then tuloy na po sa family dinner niyo." She ended.

"Sige. Thank you."

"And maam 10 minutes po before your 1st meeting." Paalala niya sakin.

Tumango lang ako. Lumabas na siya at ako nag-ayos na for our meeting.

Maayos naman ang naging flow ng meeting namin. Yung iba naiintindihan ang sitwasyon ng company. Yung iba naman nagagalit na dahil bakit ang tagal daw bago ma-solve ng issue na to.

I still have 25 minutes before my lunch meeting with Mr. Santillan.

I checked the note on my table. Dun kase nakalagay yung place kung saan kami magkikita.

Buti na lang sa isang fine-dining restaurant na halos katapat lang ng building namin yung place.

Nag-ayos ako na konti.

Inayos ko yung damit ko. Yung make-up ko and my bag. Even the files that I think I'll be needing later.

After a few minutes I went down.

This is the first time I enter this restaurant. As far as I remember, this is one of the most expensive one.

It's so cozy. You can only see businessmen here.

"Good afternoon maam. Do you have any reservations?" The waiter welcomed me.

"Yes. I have a meeting with Mr. Santillan." I answered.

The waiter guided me immediately when I said Santillan. He seem nervous.

Why?

His gesture just added to my curiosity with who Mr. Santillan is.

We went to a private room?

It was a function room I think with a table for two at the center.

At dun may may lalaking prenteng nakaupo, nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita yung itsura niya.

Naglakad nako papunta sa kanya.

"Good Afternoon Mr. Santillan. I'm Ms. Alex Cassandra Reyes. You can call me Alex." Pagpapakilala ko sa kanya.

Unti-unti niyang itinaas ang kanyang ulo na kanina ay nakayuko at ngumiti.

Wait.

What is he doing here?

"What are you doing here? I thought I have a meeting with Mr. Santillan?" I hissed.

"I am Mr. Santillan. Alex Santillan. Forgot my name huh?" Nang-aasar na sabi niya.

Kaya pala sobrang familiar ng Santillan.

Tsk. Bt di ko agad naalala?

"So what's the meeting all about?"

"Can't we eat first?" He asked and clapped his hands.

Then our food was served? Ganun ba ang pagtawag dito pag may reservation na? Ayain ko nga sila Joan dito. Hihi.

"That's how I call my waiters." Tila nabasa niya ang nasa isip ko.

Ganun naman pala e.

Wait.

"Your waiters?" Gulat na tanong ko. He nod.

"As in sayo tong restaurant na to. He nod again.

"Wow! Mayaman ka pala noh. Haha. Para kaseng easy-go-lucky ka lang na tao." Nag-smile lang siya.

"Let's eat?" Aya niya.

Sinimulan na namin kumain. Di kami nag-uusap. Ayoko lang magsalita. Ang sarap kase ng food e. Super! :)

Habang kumakain kami, mag tumutugtog sa gilid namin.

Para tuloy kaming nagde-date. :">

Ano daw?

Erase, erase, erase.

Maya-maya may lumapit na waiter sa kanya at bumulong.

Nakita ko siyang tumingin sa watch.

"Problem?" I asked.

"Pwede bang sa iba na lang tayo mag-usap? May nagpareserve nga pala kase ng restaurant for an event e." He explained.

"Sure! Where to?"

"Hm. Coffee shop? There's a starbucks beside." I easily agree.

Lumabas na kami kaso puno na yung starbucks. Yung ibang establishments din dito puno na.

Ah alam ko na!

"Sa office ko na lang." Prisinta ko.

"You sure? Sorry talaga ha."

"Okay lang yun noh. Let's go?" Aya ko sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa office.

Inakbayan niya pa ko.

Bakit ba kinikilig ako sa kanya?

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon