Chapter 49

913 36 0
                                    

Kat Santos.

"BEST! ANO TO HA? BAKIT MAGKATABI KAYO?" Nagising ako sa galit na galit na boses ni Kat.

Ano na naman bang ginawa ko ha?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

"TUMAYO KA DIYAN LALAKI KA!" Sigaw na naman niya.

Lalaki?

Sining lalaki?

Unti-unti akong humarap sa taong katabi ko.

Si......

John.

At nakahubad kaming parehas.

F*ck! Anong nangyare?

"A-anong nangyare?" Sabi ko.

"You didn't remember huh? You kissed me! You tempted me." Sabi nito.

"But I was drunk! Dapat nag-control ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong magagawa ko? Ikaw na ang nauna e." Balewalang sabi niya.

"ALEX NAMAN! ANO BA NAMAN TONG PINAGGAGAGAWA MO? IINOM KA RIN NAMAN PALA KAGABI HINDI KA PA SAMIN SUMAMA!" Galit na galit talaga si Kat.

Ako man e. Galit din.

Galit na galit sa sarili ko.

Hindi pa din ako makatayo.

Pero si diyan natulog lang ulit sa tabi ko.

Parang wala lang nangyare.

Parang walang nangyare samin.

Para bang hindi niya nakuha yung V-card ko.

Huhu. My precious V-card. :((((

"MAGBIHIS KA NGA!" Sigaw ni Kat.

Tatayo na sana ako pero nagulat ako sa pigurang nasa may pintuan ng kwarto ko.

Andun siya.

Andun yung taong matagal ko ng gustong makita.

Yung taong hinihintay-hintay ko na dumalaw.

Pero bakit sa ganitong pagkakataon pa?

Bakit kung kelang ganito ang ayos ko?

Kung kelan nandito si John?

Bakit?

Tumawa siya pero may luha sa mga mata niya. "P*t*ng*n*! Kaya ba ayaw mo sakin ha? Kaya mo sakin dahil mas gusto mo sa kanya! I should have known. Ang tanga-tanga ko." Mga sinabi niya bago umalis.

Hindi ko na siya nagawang habulin.

Wala akong lakas na gawin yun.

Hindi sa ganitong itsura ko.

Iyak lang ako ng iyak.

Niyakap naman ako ni Kat.

Alam ko galit siya sakin pero alam ko din na hindi niya ko matitiis sa ganitong kalagayan ko.

"Best! Ang sakit-sakit best." Sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Masakit? Ano sa tingin mo ang nararamdaman niya?" Tanong niya sakin.

"HOY IKAW NGANG LALAKING MAKAPAL ANG MUKHA PWEDE BANG LUMAYAS KA NA DITO HA?" Sigaw niya kay John na nakahiga pa rin sa kama.

Ng hindi ito tumayo ay tinawagan niya kunwari sila Jomar.

"Hello hon. Magdala ka nga ng pulis sa bahay ni Alex. Oo e. May masamang tao. Bilisan mo ha. Habang hindi pa nakakaalis." After nun ay biglang tumayo si John at nagbihis ng mabilis at nagtatakbo palabas.

Gusto ko mang matawa sa itsura niya pero hindi ko magawa.

Ano ba namang kaseng kagagahan tong ginawa ko?

Iyak pa din ako ng iyak ngayon.

"Siya naman ang nauna sa panloloko niya sakin ah." Sabi ko.

"Naniniwala ka ba talagang niloko ka niya?"

Napatitig lang ako sa tanong niya.

Naniniwala nga ba talaga ko?

"Alam mo Alex. May mali ka din e. Hindi mo siya binigyan ng time magpaliwanag sayo. Ang masama pa dun gumawa ka pa ng ganitong bagay."

"At bakit? Siya naman yung hindi nagpapakita e! Baka nga nag-eenjoy pa siya nung wala ako. Kase magkasama sila ni Xienna!" Galit na sabi ko.

"Alam mo Alex. Sana nga yan na lang ang ginawa niya. Sana nga nagsama na lang sila ni Xienna! Sana naging sila na lang ulit." Iyak lang ako ng iyak sa sinasabi niya.

"Hindi kase dapat palaging utak ang ginagamit sa pagmamahal. Dapat gamitan mo din ng puso mo! Alam mo kawawa yung tao sayo e." Dagdag niya pa.

"KAWAWA? KAT! AKO ANG KAIBIGAN MO DITO! AKO ANG NILOKO! AKO ANG SINAKTAN! PANO SIYA NAGING KAWAWA HA?" Galit na galit na sabi ko sa kanya.

"SA TINGIN MO LANG NAMAN YUN E. SA TINGIN MO IKAW ANG NAAGRABYADO PERO ALAM MO PAREHAS LANG KAYO E. AY HINDI PALA! MAS NAAGRABYADO SIYA. MAS NASATAN. AT SIYA ANG NALOKO DAHIL SA NAKITA NIYA NGAYON." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Bakit? Malay ko ba kung may nangyare din sa kanila ni Xienna?" Sabi ko ng makabawi ako.

Pero hindi siya sumagot.

Isang malakas na sampal lang ang binigay niya sakin.

"Alam mo Alex. Kaibigan mo ko e. Pero hindi kayang tuwirin yang bakuktot mong pag-iisip." May binato siya saking usb. "Panoorin mo yan baka sakaling magising ka sa katotohanan."

Tsaka siya naglakad papalabas ng kwarto ko.

"Siya nga pala, pangalang beses mo ng sinayang yung effort niya. Kaya lang naman siya hindi nagpapakita sayo ay dahil inaasikaso na naman niya yung dream wedding at drean house mo! Pero alam mo sana matauhan na din siya. Sana maisip na niya na hindi ikaw ang taong dapat niyang makasama!" Tuluyan na niyang sinara ying pintuan.

Ako?

Eto naiwang tulala.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon