Chapter 52

903 36 1
                                    

Hindi ko na alam kung paano ko nakapag-drive papunta sa ABC Hospital.

Basta ang alam ko, tuloy-tuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

Nagtatakbo na ako paakyat kase sabi nila nasa operating room daw sila.

Hindi ko na nga nai-park ng maayos yung sasakyan ko sa kakamadali.

Sa labas ng operating room, nakita ko sila tito, at tita.

Umiiyak na din sila KC at JK.

Pati mga kaibigan namin bakas ang pag-alala sa mga mukha nila.

"Mom... dad..." Hindi ko alam kung dapat ko pa ba silang tawaging ganyan.

Sino nga ba naman ako diba?

Ako pa nga yata ang dahilan ng pagkakaaksidente ni Alex e.

Tumingin sila sakin. Natakot nga ako baka mamaya pagbawalan nila kong makita si Alex.

Pero nawala agad ito ng bigla akong nilapitan at niyakap ni tita.

Nag-iyakan lang kaming dalawa.

Siguro ito ang makakatulong sa aming parehas ngayon.

Ng mahimasmasan ay magkatabi kaming umupo.

Yumuko ako.

"M-mom sorry. Sorry. Alam ko po ako anh may kasalanan dito. Sorry po talaga." Iyak lang ako ng iyak.

"Hush. It's not your fault." Pagpapatahan niya sakin.

"Pero-"

"Don't worry too much okay. He's a fighter I know he'll survive." Tumango lang ako.

Doon kinwento nila sakin kung anong nangyare.

Pumunta pala sa bahay ko si Alex para ayusin yung gusot na meron kami.

Kaso nga iba ang nangyare.

Nadatnan niya dun si John na nakahiga sa tani ko remember?

Haaay.

Ayaw ba ng forever sa amin?

Tapos diba nga umalis siya ng hindi ako kinakausap.

Dumiretso pala siya sa bahay...

Bahay na pinagawa niya para samin. Sa aming dalawa.

Bahay kung saan magsisimula kami ng aming pamilya.

Bahay kung saan papalakihin namin ang aming magiging mga anak.

Bahay kung saan sana magkasama kaming tatanda.

Kaso bago pa siya makarating dun, nabangga siya ng truck.

Kung saan napuruhan ang kanyang ulo.

Kaya ngayon ay inooperahan pa din siya.

Lord don't take Alex away from me please. I love him so much.

Maya-maya lang ay lumabas na ang doctor. Successful naman daw ang operation. Kaya nilipat na si Alex sa isang private room para makapagpahinga.

Dumating na din sila mommy at daddy kasama si Kylie para makabalita.

Kumpleto kaming lahat habang hinihintay magkamalay ang future ko.

Umupo ako sa chair na nasa tabi ng kama niya.

Pinagmasdan ko siyang maigi.

Ang laki ng pinayat niya.

Yung bigote at balbas niya humaba na din.

Yung katawan niya puro pasa dahil sa aksidenteng natamo.

May benda ang kanyang ulo, kamay, at paa.

Nalulungkot akong makita siya sa ganyang kalagayan.

Hinawakan ko amg kamay niya at ipinatong ang aking ulo sa kama.

Nagising ako ng may unti-unting gumagalaw sa kamay ko.

Minulat ko ng bahagya ang aking mata at naaalala kong nasa ospital nga pala ko.

Bigla akong napatingin sa lalaking nakahiga sa may tabi ko.

Siya pala ang gumagalaw ng kamay ko. Hinawakan ko nga pala yun bago ko matulog.

Tulog na din pala yung mga taong nandito.

Yung room kase na kinuha nila ay may tatlong kama. Kaya may mga higaan din sila.

"B-baby?" Bati ko kay Alex.

"Baby okay ka na ba? May masakit ba sayo ha? Gusto mo bang tawagin ko yung doctor mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

Lalabas na sana ko para tawagin yung nurse and doctor ng pinigilan niya ang kamay ko.

Agad naman akong napalingon dahil baka may kailangan siya or something.

"S-si Xienna, nasaan?" Tatllong salitang mula sa pinakamamahal ko na nagpasakit ng puso ko ng sobra-sobra.

Bakit si Xienna pa? Andito maman ako o.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon