Chapter 3

1.5K 57 0
                                    

Pagkaalis nung epal na lalaki na yun pumunta nako sa table nila Kat pero laking gulat ko ng nandun din siya?

"What are you doing here?" I asked him.

"This is my bar." Maikling sagot niya.

Sa kanya pala to? Kaya pala mayabang siya e. Nagulat ako pero hindi ko dapat ipahalata.

"I mean at our table."

"My friends are here."

Tinignan ko naman agad sila at ngumiti lang sila.

"Hi Alex. Si Alex nga pala friend namin nila Andrei." Sabi ni Troy.

Si Troy ang aking Mr. Right #1.

Si Andrei naman ang aking Mr. Right #2.

"Bakit kayo nakipagkaibigan sa mayabang?" Naiinis na tanong ko.

"Uy Cassy. Playboy man yan pero mabait!" Sabat ni Jomar.

Siya naman ang aking Mr. Right #3.

Yes maniwala man kayo o hindi pero sila ang aking mga Mr. Right na ngayon ay boyfriend na ng aking mga bff.

No hard feelings naman e. In fact ako pa nga ang naging tulay ng bawat isa sa kanila. I'm happy for them kahit na ako na lang ang mag-isa sa grupo namin.

"Hay nako. Wala naman nakong magagawa e." Humarap ako kay Alex. "Alex. Not so nice meeting you." Sabay lahad ng palad ko.

"Not so nice meeting you too." Sabay kiss sa cheeks ko.

"Yiee. Diyan nagsimula yung lolo at lola natin diba sis?" Sabi ni Joan sa kanyang twin sister.

"Achuchuchu. Namumula ang loka." Sabi naman ni Kat.

Bago ko pa sila masigawan eh nagsitayuan na sila.

At iniwan na naman ako.

Pero ngayon kasama ko na si Mr. Arrogant Guy.

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon