Chapter 35

897 39 0
                                    

Alex Santillan.

Troy Calling

"Oh pare?" Bungad ko.

"Di ka pa ba uuwi? Yung Alex mo pinopormahan na ata nung John na yun." Medyo inis na sabi niya.

"Sinong John pre?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung nakilala niya ata sa Jollibee ba yun? Basta kilala mo yun sabi ni Kat e."

John? Yung kasama niyang kumain sa Jollibee dati?

Akala ko ba wala lang yun. Psh.

"Kilala ko na nga pare. Pero anong sinasabi mong pinopormahan?" Galit na tanong ko.

"Eh pano may flowers and chocolates si Cassy. Tapos araw-araw pang pumupunta dun yung lalaki. Nagagalit na nga si Alex e. Kaso sabi niya di daw siya titigil hangga't hindi nagpapakita yung boyfriend niya."

"Walangya yung lalaking yun. Humanda siya sakin pag-uwi ko."

"Nako pare ano pa bang ginagawa mo diyan? Pag nagtagal ka pa diyan, mawawala na sayo yung babaeng papakasalan mo." May bahid ng pananakot yung sabi niya.

Si Alex mawawala sakin? Parang di ko ata kaya yun.

"Nagkaproblema kase sa office pare e. Do me a favor pare. Watch over her. Please?" Hinging pakiusap ko.

"Oo na. Basta ayusin mo na agad yan at ng makauwi ka. Ikaw din." Sabi niya bago nagpaalam at ibaba ang phone.

Sumasakit na nga yung ulo ko dahil dito sa problema sa kumpanya tapos eto pa. Hay buhay.

Biglang bumukas yung pinto.

What the hell is she doing here?

"Sir sorry po. Ayaw po niyang magpapigil sa pagpasok." Humihinging paumanhin ng secretary ko.

"It's okay. Sige na ako ng bahala dito." Tumango siya bago lumabas.

"So what bring you here?" Baling ko sa pumasok.

"Babe! Don't you miss me?"

"WHY WOULD I?" I shouted.

Medyo nagulat ata siya pero mabilis ng nakabawi.

"I just missed you." Sabi niya habang unti-unting lumalapit.

And then suddenly she kissed me. Pero tinulak ko siya kaagad dahilan kung bakit napaupo siya sa sahig.

"Get out!" Mahina pero maawtoridad na sabi ko.

"Okay. Nakuha ko naman na ang gusto ko e. Haha." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Anong gusto? My kiss?

Ay dun nakita ko siyang may hawak na phone habang may nagpa-play na video.

Yung nasa screen kaming dalawa yun. Kuha ngayon-ngayon lang.

Nirecord niya yung scene kung saan hinalikan niya ko.

"Bye!" She said while grinning.

What the heck?

She did that on purpose?

Ano yun ipapadala niya kay Alex?

No way!

My Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon