Jean.
"Irog! Lika na. Tayo na lang ata ang inaantay e." Narinig kong sigaw ni Andrei sa baba.
Friday night out kase tonight. And napagkasunduan na by partners na lang ang pagpunta.
Ansabe? Lahat kami may nga jowa na. Hihi. I'm so happy for the Alex squared love team.
"Sis! Yoohoo! You done na?" I asked my twin sister. Mas matanda siya sakin ng 2 minutes ata? Basta mga ganun.
"Yizz. Last na. Can you zip my dress?" Joan.
Agad naman akong lumapit sa kanya para i-zipper yung dress niya sa likod.
"Tara na. Sasabay ba kayo sa sasakyan ni Andrei?"
"Hiwalay ata kami ni Troy. Magdadala daw siya ng car e." Sabi niya.
"MIIK!! DI KA PA BA TAPOS? ANDITO NA KO." Rinig namin na sigaw mula sa baba. Si Troy na yan for sure.
Miik kase yung tawag niya kay Joan. Chubby pa din kase siya pero talbog dahil sa pagiging maganda niya.
Di niyo ba napapansin na ang ingay-ingay namin?
Nasa China kase sila daddy so kami lang magkapatid ang nandito.
Bumaba na kami.
"Ang ganda naman ng irog ko." Rinig kong papuri ni Andrei sakin.
"Ikaw bakit ang panget mo ata ngayon?" Pang-aasar ko sa kanya pero sa totoo lang ang gwapo-gwapo niya din kahit anong suot niya.
"Kahit panget naman si Andrei love pa din siya na Jean diba?" Parang batang sabi niya.
"Oo na. Oo na. Lika na?" Aya ko.
"Sis. Hiwalay ba talaga tayo papunta dun?" Tanong ko.
"Yup. May dala nga tong sasakyan." Sabay turo sa kanyang miik. Haha.
"Hoy Troy ingatan mo yan ah." Paalala ko sa kanya. "Una na kami. Sis. Yung pinto ha. Haha. Bye!" Nagsasapatos pa kase siya.
"Irog san mo gusto mag-celebrate? Monthsary na natin next week e." Biglang tanong niya.
Oo nga monthsary na naman namin.
2 years na nga pala kaming dalawa ni Andrei.
Naalala ko pa nun na si Alex talaga ang unang nakakilala sa kanya.
Sabi ni Alex natagpuan na daw niya ang kanyang Mr. Right Guy #2. Siya pa kaya ang gumawa ng move.
Siya pa mismo yung nagtapat ng pag-ibig. Oha.
Kaso nga lang di daw siya yung type. Ako daw.
Siyempre na-hurt ang aking bff pero ayun nag-give way din. Sobrang understanding nun akala niyo ba.
Siya pa mismo yung naging tulay namin ni Andrei.
Siya yung nag-set ng dates namin. Basta lahat.
Kaya alam niyo ba mahal na mahal ko yang si Alex.
Siya kase yung unang tumanggap sa amin dito sa Pilipinas.
"Irog? Tulala ka diyan." Untag niya sakin.
"Naalala ko lang kung pano naging tayo. Haha. Parang gusto ko atang mag-ice skating. Tingin mo?"
"Pwede din. Kaso di ata tayo pwede sa Japan irog. May aasikasuhin ako sa company e." Sabi niya.
"Okay lang ako kahit sa MOA noh. Di naman ako choosy."
"Sure ka? Next time na lang ako babawi ha." Sabay kiss sa likod ng palad ko.
Hay. Sweet poreber.
Kaya mahal na mahal ko to e.
"Andito na tayo." Pinagbuksan ako ng pinto ni Andrei.
Nandito kami ngayon sa bagong bar ni Alex.
Payaman na lang ng payaman yun e. Haha.
"Pasok na tayo dali." Excited nakong makita yung newly open bar niya.
Ngayong gabi lang siya binuksan pero ang dami na agad tao.
"Hi. Andiyan na sila Alex?" Tanong ko sa bouncer.
"Wala pa po maam."
"Anyway, san yung naka-reserve na table for us?" I asked.
"Andun po sa dulo. May private room po dun."
Hinatak ko na agad si Andrei papasok.
"Dito ba tayo? Bakit wala pa sila?" Nagkibit-balikat ako.
Maganda yung loob ng private room.
Para bang friends lang ni alex yung pwede. Ngayon may bago na kaming tambayan.
Binack-hug ako ni Andrei. Yung nasa likod ko siya tas nasa bewang ko yung arms niya.
"Bango naman ng irog ko." Sabi niya sabay amoy ng leeg ko.
Shocks. May kiliti pa naman ako dun.
Yung pag-amoy niya napalitan na ng kiss.
Hinahalikan niya lang yung leeg ko pababa sa balikat ko.
"A-andre.." Sabi ko kase patuloy lang siya sa pag-kiss.
"H-m."
"Baka may dumating." Nahihirapang sabi ko sa kabila ng mga paghalik niya.
"Late naman yung mga yun." Hinarap na niya ko sa kanya at hinalikan ng mariin sa labi.
Hanggang sa napunta sa gilid ng aking tenga.
"Uwi na kaya tayo?" Aya niya sakin.
"Loko ka."
"Sa sasakyan muna tayo." Sabay hatak niya sakin palabas.
Hihi. Bawal na kayong sumama dun. Rated SPG na po kase.
BINABASA MO ANG
My Mr. Right
RomanceKapag sinabi mong Mr. Right anong definition niyan? Para sakin kase pag Mr. Right, close to the word "perfect". Kumbaga siya na yung perfect ideal man ko, Yung mga pinapangarap kong katangian ng gusto ko sa magiging boyfriend at asawa ko ay nasa kan...