"good morning nanay!" Pagmulat palang ng kanyang mata, mukha agad ni Hyohan ang bumungad sa kanya. Masaya siya nitong pinaghahalikan sa mukha.
"Good morning wife." Gulat siyang napabalikwas ng bangon ng marinig niya ang boses ni Matteo. Nang madako ang paningin niya sa pintuan. Naroon ito nakatayo habang nakasandal sa dingding. Nakasuot ito ng polo shirt na black at cargo short naman na brown ang pangbaba. Napakalaki ng ngiti nito habang nakatingin sa akin.
Agad siyang nag talukbong ng unan. Nang maalala niyang bagong gising pala siya. Baka may panis na laway pa at muta ang kanyang mukha.
Nang di na niya narinig si Matteo dahan-dahan niyang binaba ang unan na nasa tapat ng kanyang mukha. "What are you doing?" Nagulat siya ng biglang sumulpot ang mukha nito mula sa gilid niya.
Iaangat niya ulit sana ang unan ng mabilis siyang pigilan ni Matteo.
"Matt, ano ba!" Inis niyang sita dito habang inaagaw dito ang unan.
"What?" Patay malisyang tanong nito.
"Don't be shy, my wife" Nangingiti nitong tanong.
"Hindi ahh!" Defensive kong sagot.
"Why are blushing!" Pang-aasar pa nito.
"Ano ba Matt! Wala ka bang magawa? Ano bang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Bakit nandito ka? Sinong nagpapasok sayo?" Inis kong tanong.
"Ako po nanay!" Napalingon siya sa nakangiting si Hyohan.
Sa pagkakaalam niya biyernes palang. Ibig sabihin may pasok sa trabaho. Bakit kaya nandito to. Bulong niya sa sarili.
"Di ba may pasok ngayon? Bakit Nan dito ka?" Inis ko pa ding tanong dito.
Maaga pa naman. Pero kahit na, sa hitsura nito parang wala itong balak pumasok.
"Do you forget? I'm the owner of the company. I can do whatever I want." May pagmamalaki nitong sagot.
Ahh, ganun porket sya ang may-ari pwede na niyang gawin kung anong gusto niyang gawin. Bulong niya sa sarili.
"What?" Patay malisya nitong tanong. Dahil nakatingin siya ng masama dito.
Siguro kung wala si Hyohan dito baka kanina niya pa binatukan ito. Wala kasing ginawa kundi ang mang-asar.
"Bahala ka diyan!" Sabay bitaw ko ng unan at padabog na tumayo.
"Wait, where are you going?" Tanong nito habang nakasunod sa akin.
Hinarap ko ito bago nagsalita."Sa banyo! Bakit sasama ka?" Irita kong sagot sabay irap.
"Can I?" Tanong nito sabay ngisi ng nakakaloko.
"Bastos." Pagkasabi ko noon ay dumiretso na ako sa banyo at padabog na sinara ang pinto.
Mabilis akong napasandal sa kahoy na pinto ng banyo. Napahawak siya sa dibdib dahil sa napakabilis na pagtibok nito. Mas lalong namula ang kanyang mukha ng makapa niyang wala pala siyang suot na bra.
Ibig sabihin bakat ang dibdib niya kanina pa, at hindi niya ito napansin. Kaya pala kung makatitig si Matteo kanina wagas kung wagas.
Nagtungo siya sa dram at nagsandok ng tubig mula doon at agad na naghilamos. Para kahit papaano ay maitago niya ang pamumula ng pisngi.
Nang nasa tapat na siya ng pinto, huminga muna siya ng malalim. Sumilip siya sa singaw ng pinto at pinakiramdaman niya kung anong ginagawa ng mag-ama sa labas.
"Ano kayang ginagawa nung dalawang yun?" Tanong niya sa sarili
Dahil wala siyang marinig na ingay mula sa labas ng banyo. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...