Kabanata 18

1K 31 7
                                    

"Try to avoid me again, itatali na kita sa katawan ko. Naiintindihan mo ba? Asawa ko!"

Napakapit ako sa magkabilang balikat ni Matteo matapos nyang sabihin ang mga katagan iyon. Sa tono ng pananalita nito ay hinahamon niya akong suwayin ko ang gusto niya tiyak na walang dalawang salitang, gagawin niya nga ang banta nito.

"Hoy, bakla!" Bigla napabalik sa kasalukuyan ang naglalakbay kong isip ng marinig ko ang matinis na boses ni John.

"Ba't ka ba nakatulala? Kanina pa ako dada ng dada dito di ka naman pala nakikinig!" Naiirita nitong pahayag sabay irap.

"Sorry na, may naalala lang ako bigla. Ano nga bang sinasabi mo?" Nandito ako ngayon sa desk ni John. Wala kasi si Matteo may pinuntahang emergency meeting kasama ang finance department. Kaya nagka-oras akong makipag chikahan kay John.

" Yun na nga bakla! Kanina pagpasok ko headline ka sa labas. Biruin mo, Matteo Madrigal CEO of MM toys company, parang tutang humahabol kay ate gurl na mahaba ang hair. And that is you! My gulay ka bakla! magkwento ka naman." Kita ko sa mata ni John ang excitement sa sasabihin ko. Nakanganga pa ito habang nag-aantay.

"Ano bang gusto mong malaman?" Iritableng tanong ko. Hindi kasi ako komportable sa tinatanong nito ngayon. Feeling ko nasa hot seat ako.

"Everything bakla. Walang labis! walang kulang!" Para itong maiihi sa sobrang excitement.

Ano bang sasabihin ko dito sa baklang to, napaka kulit. Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat, nahihiya ako. At sa akin nalang dapat yun.

"Nag kataon lang na nakita ako ni sir Matteo sa luwasan. Wala kasi akong masakyan kaya nag offer siyang isakay ako. Kaya yun pati pagpasok magkasabay kami, na missunderstand lang kami." Kalmante kong pahayag.

Ngunit si John kunot ang noong nakatingin sa akin parang hindi Ito ang inaasahan nitong sasabihin ko.

"Anong hitsura yan?" Taas kilay kong tanong.

"Hoy, bakla! Alam mo kung yung iba maloloko mo ako hindi. Baklang to! gagawa nalang ng kweto di ba kapanipaniwala." Uungot-ungot nitong sabi

"Bat, ano bang gusto mong marinig?" Tanong ko dito. Dahil mukhang magbubuhol na ang mga kilay nito.

"Tskk! Wag mo kong kausapin. Marunong ka nang maglihim ngayon. Kala ko pa naman bff na tayo. yun pala hindi pa." Nakanguso itong nagtatampo. Umiwas Ito ng akmang aabutin ko.

"Ayy! Pabebe si bakla. Wala naman talaga akong lihim. Mali lang talaga pagkakaintindi ng mga malilinis na isip dito sa building." Habang sinasabi ko yun ay humahakbang ako palapit dito dahil mukhang masama nga ang loob nito. gusto kong kumbinsihin Ito na wala talagang kahulugan ang mga narinig nito mula sa iba.

Nang makalapit ako agad kong hinuli ang tagiliran nito upang kilitiin. Alam ko kasing may kiliti tong baklang to sa tagiliran kaya iyon ang pinuntirya ko.

" Mir- hahahhaha! Tigilan mo nga ko!" Tawa inis nitong sabi

"Hindi kana galit, bff? Pag di ka sumagot di kita titigilan." Patuloy pa din ako sa pagkiliti dito. Habang Ito ay walang tigil sa pagtawa.

Natigil lang ako sa pagkiliti dito ng kahit anong gawin ko sa tagiliran nito ay hindi na ito tumatawa. Nang tignan ko ang mukha nito ay halatang nagpipigil ito ng tawa pero ang lumalaking mata nito ay nakatingin sa likod ko.

"Hoy! John. Anong nangyari sayo?" Tanong ko dito. Dahil ayaw nitong magsalita.

"May nakita kang multo no? " Patuloy ko pa. Ngunit imbis na sumagot ito nginuso nito ang bandang likuran ko.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon