kabanata 19

1K 24 7
                                    

"ohh! Bat nandito ka, wala ka bang pasok?" Si Kim Ito kakalabas lang galing kwarto halatang bagong gising dahil pupungas-pungas pa ito.

Alas 8 na kasi ng umaga pero nakaupo lang ako sa upuang kawayan dito sa salas.

"Baka hindi. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Tugon ko dito nang hindi umaalis sa upuan. Naglakad ito patungong lababo at nagsandok ng tubig sa dram.

Totoo namang masama ang pakiramdam ko. Medyo nahihilo din ako, pinilit ko lang tumayo para makapag hain ng agahan namin.

"Ano bang nangyari sayo? Nilalagnat ka ba?" Hindi ko namalayan ang paglapit ni Kim sa akin. Yumukod ito upang sipatin ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat." Sabi nito matapos sipatin ang noo ko.

"Baka naman may nakain kang panis o di kaya pinapagod ka sa trabaho niyo." Pagpapatuloy nito sa pagtatanong.

Napaisip ako bigla. Wala naman akong nakain na panis. Siguro nga napagod lang ako nitong mga nakakaraang araw. Pero pano ako mapapagod kung halos wala naman akong gawin sa opisina.

"Pahinga ka muna. Baka kulang ka lang sa tulog." Utos ni Kim habang naglalakad na patungong lamesa.

Sabagay tapos naman na akong magluto at maghain, baka kilangan ko lang talagang magpahinga.

"Tulog pa ba si Hyohan?" Tanong nito. Habang nag sasalin ng sinangag sa plato.

"Tulog pa." Sagot ko dito habang hinihilot ko ang aking ulo, Bigla kasi itong sumakit.

"Okay ka lang ba talaga?" Sabi nito sabay tayo. May pag-aalala itong lumapit sa akin.

"Baka kilangan mo nang dalhin sa hospital." Nag-aalala nitong sabi ng makalapit sa akin.

"Ba-baka, pagod lang to. Medyo nahihilo lang ako. Pero okay pa naman. Kaya ko pa." Pagpapalubag ko ng loob kay Kim, upang hindi na ito masyadong mag-alala.

"Sige na, magpahinga ka na muna. Ako ng bahala sa anak mo pagnagising. Tignan mo ohh! Namumutla ka na." Nag-aalala pa din nitong sabi.

Tumayo na ako para makapag lakad na papasok ng kwarto. Nang bigla akong mahilo at muntikan ng matumba.

"Ano ba Mira! Parang kailangan mo ng magpa ospital. Para ka nang walang dugo. Napaka putla na ng labi mo." Sabi nito habang inaalalayan akong muling makaupo.

"Kaya ko pa Kim. Pwede ba tulungan mo nalang akong makapasok ng kwarto? Baka kilangan ko lang magpahinga." Agad namang kumilos si Kim upang alalayan akong tumayo.

Akay-akay niya ako habang naglalakad papasok ng kwarto. Nang makapasok kami. Agad ako nitong tinulungang makahiga sa papag. Tulog pa si Hyohan sa papag kaya dahan-dahan lang akong nahiga.

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalala pa ding tanong ni Kim.

"Oo, okay lang ako. Paggising ko paniguradong maayos na pakiramdam ko." Tugon ko dito.

"Sige na. Kaya ko na." Pampalubag ko kay Kim, dahil parang wala itong balak umalis.

"Sige na nga!. Basta, pagmay kailangan ka tawagin mo lang ako." Bilin nito sa akin.

"Opo, nanay." Tatawa-tawa kong sagot dito.

"Sige na po magpapahinga na po ako."  Pagpapatuloy ko pa. Dahil parang may sasabihin pa si Kim.

Nang makalabas na ng kwarto si Kim. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag na nasa tabi ko lang.

Kilangan kong magpa-alam kay Matteo na di ako makakapasok, dahil baka kung ano nanaman ang isipin nun.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon