"ohh! Saan ka pupunta?parang kagalang galang tayo ngayon. " tanong ni Kim habang nagtitimpla ng kape. Nakasuot kasi ako ng paldang itim at long sleeve na puti. Ngayon kasi ang unang araw ko bilang personal assistant ni Matteo.
"nakalimutan ko palang sabihin sayo, pinasok akong receptionist ng kakilala" pagsisinungaling ko dito sa magigingtrabaho ko.
"Kim the best ka talaga, kaya lodi kita ehh, thank you! Pabantay muna kay Hyohan." sabi ko dito sabay labas ng bahay, alam ko namang di pababayaan ni Kim si Hyohan kaya panatag ako.
Ayaw ko kasing sabihin dito na kay Matteo ako mag tatrabaho. Tiyak na pag nagtagal ako sa bahay mag-uusisa ito.
....
Nasa loob na ako ng building na pagmamay-ari ni Matteo. Hanggang ngayon para pa rin akong namamalik mata sa laki ng building. At napag alaman ko na isa pala ang kompanya nito sa pinaka sikat sa buong asia. Ito kasi ang isa sa mga sikat na producer ng laruan sa buong mundo.
Agad siyang dumiretso sa information desk. Wala pa kasi siyang ID na ginagamit ng mga employees para makapasok sa employees entrance.
"hi po!" bati ko sa receptionist. Nginitian ako nito ng tumingin ito sa akin.
"ma'am, you are miss Mira Asuncion?" tango lang ang tanging naisagot ko.
"Kilala sya ng receptionist? Pano? May name plate ata ako sa katawan." sabi ng isip ko. Kaya kinapa ko ang suot kong damit pero wala naman akong nakuha. Baka sa noo. Pero wala din naman.
"here ma'am this is you new employee's ID." sabay abot nito sa akin ng magiging ID ko daw. Na mangha ako ng makita ko ito. Ito ang unang beses na makakagamit ako ng employees ID. Dahil ang ID lang na nagamit ko sa tanan ng buhay ko ayy school ID lang.
Hindi ako nagmamadali sa paglalakad dahil maaga pa naman. Maaga talaga ako umalis ng bahay para di ako magahol sa oras. 8am pa ang time ko pero 7:30 nan dito na ako.
At para na din mapaghandaan ang muling paghaharap nila ni Matteo. Kasi base sa mga napapanood kong drama palaging late ang mga boss. Kaya makakapag ready pa ako ng mga sasabihin ko dito.
Nang nasa harap na ako ng pinto ng opisina ni Matteo huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Ngunit walang sumagot. "sabi na nga ba late yun. Totoo nga ang mga napapanood kong drama palaging late ang mga boss, palibhasa may ari ng kumpanya okay lang ma late!" binuksan ko na ang pinto. Upang tumbad sa aking inosenteng mata ang isang pader? Bakit may pader na nakaharang sa pinto? Upang kumpirmahin kung pader nga ito. Inangat ko ang aking kamay upang hawakan ito.
Aba, matigas nga! kinatok katok ko pa ito at pinisil pisil? Bigla akong nabuwal at napasigaw ng magsalita ang pader. "what are you doing?" mababa at matigas nitong tanong. "
" ayy, malignong pader!! " sigaw ko. Nangtignan ko ang akala kong pader, hindi pala ito isang pader, kundi isang engkanto, engkanto ng kagwapuhan at kakisigan.
Napakurap kurap ako ng mapagtanto ko ang mga sinasabi ng maharot kong isip. Tinikom ko ang bibig ko dahil parang tutulo na ang laway ko. Mangalingaling batukan ko ang sarili ko. Dapat hindi ko naiisip ito, dapat nagagalit ako dito. Pero parang hinihigop ng makamatay na kamandag ng kagwapuhan nito ang matino kong isip, at napapalitan ng maharot at imaginative na isip.
Nangtignan kong muli ang mukha nito, para itong nakakita ng multo. Dahil gulat na gulat ito habang nakatingin sa nakabukaka kong hita?. Teka, ano? Nakabukaka?, sino? ako?
Nang muli kong tignan ang pwesto ko habang nakasalampak, bigla akong pinamulahan ng mukha. Nakabukaka nga ako at kita na ang panty ko na may hello kitty na design. Oo, hello kitty dahil favorite ko si hello kitty, walang basagan ng trip. Naka tukod ang dalawa kong kamay sa sahig. Habang ang dalawa kong hita ay magkahiwlay na naka angat. Agad kong tinikom ang hita ko dahil sa sobrang pagkahiya.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...