kabanata 31

938 25 3
                                    

Mira's POV

Halos hindi ako nakatulog kagabi, pano ako makatulog kung alam kong nasa panganib ang buhay ng anak ko.

"Judy! Nasaan si ma'am Mira mo?" Tanong ng pilyar na boses. Halos rinig mula dito sa garden kung saan Nan doon ako ang malakas na boses nito.

Hindi ko na inantay na sumagot si Judy at tumayo na ako para kusang lumapit sa kanya.

Pagkakita palang niya sa akin ay agad ako nitong sinugod ng mahigpit na yakap. Yakap na parang ayaw akong pakawalan.

"Ma-matt! Hi-hindi ako makahinga." Pag-angil ko sa dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

Bimitiw naman agad Ito sa pagkakayakap. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at hinarap sa kanya.

"Why didn't you wake me up? Dapat bago ka bumaba ginising mo ko. Alam mo namang delikado sayo ang mag-isa!" Halata sa boses nito ang takot.

Nakaramdam ako ng lungkot at tuwa dahil sa ipinapakita niya sa akin ngayon. Ngunit na ngibabaw ang tuwa sa akin. Parang hinaplos ng mainit na bagay ang puso ko.

"Why are you smiling?"kunot noong tanong nito.

Bakit nga ba ako nakangiti? Dapat malungkot ako. Pero di ko maiwasang ngumiti kahit ngayon lang. Hindi ko alam kung sa susunod na oras ay makakangiti pa ako.

Imbis na sagutin ito ay hinila ko siya papuntang kusina. Nakalatag na doon ang mga niluto ko. May sinangag, pritong itlog, ham, at Ang paburito kong tuyo na may suka. Sabay kaming kumain. Hindi ko maalis ang mata ko sa masayang mukha ni Matt habang kumakain. Kahit ngayon lang hindi namin naisip ang malaking problema. Kahit ngayon lang Makita niya akong masaya. Dahil hindi ko alam kung makikita pa namin ang isa't-isang nakangiti at magkasama.

Matteo's POV

Nan dito ako ngayon sa study room. Kausap ko ngayon si general Guzon about sa case ni Hyohan. Kung may lead na ba sila.

"yes, general? Do you find any clue?" masyado talagang malinis trumabaho ang may pakana nito. Dahil hanggang ngayon wala pa ding mahanap na clue sina general.

"Okay! Balitaan niyo agad ako pag may mahanap kayo." Nagpaalam na ako at pinatay ang tawag. Naglakad ako papuntang swivel chair. Napahilot ako sa ulo ko dahil sa frustration. Kailangan kong mahanap si Hyohan. Kailangan kong maibalik si Hyohan dito.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Mira.

"Hon! What are you doing here?" Agad akong napatayo at lumapit sa kanya. Inalalayan ko itong maglakad hanggang makaupo.

"Ano ba Matt! Buntis lang ako at hindi baldado! Kung makaalalay ka naman parang hindi ako marunong maglakad." Tatawa tawa nitong sita.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwalang nandito siya sa tabi ko. Masaya na sana kami kung hindi lang nangyari ang ganitong bagay sa amin. Kung hindi lang nawawala ang anak namin Sana masaya na kaming pamilya. Gagawin kong lahat mabawi lang ang anak namin, at ang nakikita kong ngiti kay Mira ay sisiguraduhin kong habang buhay ko ng makikita.

Naupo ako sa swivel chair at pinaupo ko siya sa kandungan ko. Agad naman itong umupo patagilid sa akin. Niyakap ko ang isa kong braso sa bewang niya.

"Di ba Sabi ko sayo magpahinga ka." Hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan ko ang likod ng palad nito.

Napangiti ako ng makita ko ang napakatamis ng ngiti niya. Para akong dinala nun sa isang napakagandang mundo. Pero bakit parang may iba along nararamdaman? Bakit parang pilit lang ang mga ngiti Niya? Siguro talagang pinipilit Niya lang ngumiti para do ako mag-alala.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon