"si-sige po, pu-pumapayag po ko." halos di ako huminga ng banggitin ko ito. "Tama ba ang desisyon ko?" natatakot ako dahil di ko kilala ang lalaking sasamahan ko. Pero kilangan ko ng pera! Kilangan kong mapa operahan si Hyohan.
"ohh! Ehh, ano pang ginagawa mo? Nag-aantay ang customer." napapitlag ako ng magsalita si mami Ester.
"aba, bilisan mo at baka kwarta na ay maging bato pa!" may diin nitong sabi. Habang pumapalakpak ang kamay.
Wala akong sinayang na oras nag ayos agad ako. Pinahiram ako ni mami ng damit ang tawag daw dito ay, red fitted bodycon dress.
Inaayusan ako ng isa sa mga kasamahan ko dito sa club. Hindi naman kasi ako marunong gumamit ng mga kolorete.
"Mira!" sigaw mula sa likuran ko ang nag palingon sa akin.
"hoy! Narinig kong magpapalabas ka daw sa customer? ." si Kim pala. At para itong sasabak sa gyera, base sa nakikita ko sa mukha nito.
"hoy! Babaita, hindi kita ponasok dito para ibenta ang sarili mo!" pagalit nitong wika.
"at isa pa, pano pag nagising na si Hyohan? Baka masisi pa ako ng junakis mo." pag papatuloy pa nito, pero bakas sa muka ang labis na pangamba.
"si-siguro naman walang gagawin yun sa 'aking masama?" sabi nya sa hindi siguradong tono.
"tanga ka nga talaga, di mo alam ang kalakaran sa gantong mundo. Pagnilabas ka ng customer, isa lang ibig sabihin nun, gusto kang ikama!" mahabang lintanya nito na medyo napalakas ang boses.
"oo na! Tanga na kung tanga! Pe-pero Kim. Intindihin mo naman ako. Natatakot din ako, pero pano si Hyohan? Pano ang anak ko?" maluha luha kong sabi dito.
Dahil sa halo-halong emosyon di ko na napigilan ang maluha. Oo, alam ko pandidirian na ako ng ibang tao, maaari ding pati si Hyohan ay pandirian ako pagnalaman nito ang gagawin ko. Pero anong gagawin ko? Kilangan ko ng pera. Bulong nya sa kanyang sarili.
Lumapit sa kanya si Kim at niyakap sya nito. Inaalo at pinatatahan din sya nito.
Kumalas ito sa pagyakap sa kanya, at tumingin sa aking mata.
"naiintindihan kita, natatakot lang ako para sayo. Alam mo naman ikaw lang ang nag-iisang tao na hindi ako pinandirihan. At ayoko lang na mapahamak ka." sabi nito na halata ang sinseridad sa mga mata.
"ku-kung di na kita mapipigilan, sige hahayaan kita sa gusto mong gawin."pag papatuloy pa nito namakikitaan na din ng luha sa mata.
Nakita kong may dinukot si Kim mula sa bulsa ng suot nitong bistida. At iniabot ito sa akin.
" ito, kunin mo. " tukoy nito sa iniaabot sa kanya. Nang tignan nya ito, cellphone pala ang inabot sa kanya ni Kim.
"a-ano to?" tanong ko dito.
"para sayo yan, kunin mo. Sa oras na may gawin sayong masama kung sino mang herodes na maglalabas sayo o di kaya pag sinaktan ka nya, tawagan mo ko" pahayag nito na halata pa din ang pag-aalala.
Oo, alam kong nag-aalala lang talaga si Kim sa kanya. Ito lang kasi ang tanging taong pinagsabihan ko ng bagay na pinakatatago ko. At ayaw lang nitong maulit ang nangyari noon.
Para hindi na ito masyadong mag-alala tinanggap ko nalang ang binigay nitong cellphone. Sabay tango lang ang sinagot ko dito.
Paglabas ko ng club, nakita ko agad ang kulay itim na kotse, katulad ito ng mga nakikita kong kotse ng mga alta sa mga napapanood kong palabas sa TV.
Gulat ako sa isang lalaking naka kulay itim na damit, ng bigla itong lumapit sa akin.
"kayo po ba si ma'am Mira?" tanong nito. Tango lang ang aking naisagot dito.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...