Tulala ako ngayon. Hindi ko mahagilap ang dila ko. Totoo ba Ang pagkakarinig ko? Totoo bang tinawag ni Hyohan si Matteo na tatay?
Nakatingin lang ako sa dalawa, Hindi ko makitaan ng pagtataka si Matteo. Di ba wala siyang maalala pero bakit okay lang na tawagin siyang tatay ni Hyohan?
"Hyohan? Baby? Halika kay nanay. Dapat di mo tinatawag na tatay ang di mo kilala." Nakita ko ang pagtingin ng dalawa sa akin. Bakit parang may mali? Sa paraan ng pagtingin ng dalawa para akong may nasabing di Tama, mag-ama nga talaga.
Agad akong lumapit at inagaw ko si Hyohan Kay Matteo na ngayon ay karga karga na nito.
May mangilan ngilang napapahinto at mga matang nakatingin sa gawi namin. marami sa mga Ito ay puros kababaihan. Siguro dahil sa malakas na pag-iyak ni Hyohan o baka naman dahil sa lalaking nakatayo sa harapan namin. Kahit sino naman kasi mapapatingin at mapapahinto Kung ganitong mukha ang makikita mo.
"Nay, tatay po . Gusto ko po kay tatay." Parang binundol ng maraming beses ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Hyohan. Alam kong sabik si Hyohan sa isang ama. Ngunit Hindi ko inaasahang ganito Ito kasabik. Pano nalaman ni Hyohan na si Matteo Ang tatay niya? Sinabi ba ni Matteo? Pero diba wala siyang maalala? Nang tignan ko naman si Matteo parang wala itong pakialam na tinawag siyang tatay ni Hyohan.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Hyohan. Nagpapapalag Ito sa pagkakahawak ko. Nakalupagi din Ito sa lapag.
Nagpantay ang mga mata nila ni Matteo ng yumuko Ito upang maabot si Hyohan na ngayon ay walang tigil sa pagwawala.
"Stop crying big boy. Tatay's here." Napatingin ako kay Matteo dahil sa pagkagulat sa sinabi nito.
"Tama ba ang pag kakarinig ko? Tinawag nyang tatay ang sarili niya." Nakatayo na ang dalawa ngunit ako ay naiwang tulala.
"Nanay, Tara na po nagugutom na po ako." Tyaka lang siya bumalik sa huwisyo ng marinig niya ang pasigaw na tawag ni Hyohan. Agad siyang tumayo upang makalapit sa mga Ito.
....
Pwede na pala ako maging mutant, may super power ata ako ehh. Para kasi akong Tanga, magkakasama kaming tatlo sa iisang lamesa pero parang Isa akong invisible woman. Habang itong dalawang to feeling mga artista tuwang tawa pa atang ninanakawan ng picture ng mga babaeng parang ngayon lang nakakita ng lalake.
Ang ingay ng paligid pero rinig na rinig ko ang mga kinikilig na tinggil. Mga teh, first time nyo lang makakita ng tao? Ano ba mga nakakasama nyo mga unggoy? Char...Pero syempre sa sarili ko lang yun sinabi.
Tuwang tuwa si Hyohan sa kinakaing sunday, kalat kalat pa nga ang ice cream sa gilid ng bibig nito. Habang si Matteo tuwang tuwang sinusubuan ng ice cream si Hyohan.
Nandito kami ngayon sa Jollibe yung pinang galingan namin ni Hyohan kanina. Sayang Kaya yung order ko kanina. 400 pesos din yun no.
Naisip ko bigla, siguro kung matagal ko nang ipinakilala Kay Hyohan ang tatay nito, siguro matagal ko nakita ang matatamis nitong ngiti. Yung katulad ngayon ngiting parang wala ng bukas.
"Hi, po." Isang babae ang lumapit kina Matteo.
"Yes, miss?" Malamig na boses na tanong ni Matteo.
Siguro kung ako ang kausap nito baka matakot na ako sa boses palang nito. Pero imbis na matakot si ate gurl parang mas lalong nagpacute. May paipit pa ng buhok sa tenga, ehh kung pilipitin ko kaya ulo nito.
"Pwede pe be magpapekture seyo, keseme pe yeng kepeted nyo? Ang cute nyo poh kese" Pabebeng tanong nito.
Hala, teh. May singaw ka? Piso lang tawas bili ka. Mangali-ngaling sabihin ko dito.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...