Kabanata 12

1.2K 39 9
                                    


Umikot ito papunta ng driver's seat. Nang bumukas ang pinto ng kotse. Labis na pagpipigil ng hininga ang ginawa ko. Diretso lang nakatingin sa harap ng sasakyan si Matteo. Bakas sa mukha nito ang labis na galit. Pati na din ang itim na itim nitong mata, ngayon ay parang nahaluan ng pula.

Bakit siya nagagalit? May dapat ba siyang ikagalit? Yan ang mga katanungan na umiikot sa isipan ko.

Nag-antay ako na magsalita ito ngunit hindi ito nangyari.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan, nang parang kulog na nakakabingi na boses ni Matteo ang nangibabaw sa loob ng sasakyan.

"where do you think you go?" madiin nitong bigkas. Ngayon ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa aking mukha. Nakaramdam ako ng takot sa paraan ng pagtitig nito.

"lalabas! San pa ba sa tingin mo?" sagot ko dito, habang nakikipag tagisan ng tingin.

Hindi nya pwedeng ipakita dito na naaapektohan ako sa presensya nito. At bakit naman ako maaapektohan dito?

"at bat ka lalabas? Babalik ka sa loob?" sabi nito sa hindi patanong na tono kundi sa tonong may pagbabanta.

"anong pake mo? Wala kang pake kung gusto kong bumalik sa loob." sabi ko sa matigas na tono.

Inalis ko na ang tingin ko kay Matteo. At binaling ang tingin sa pinto ng kotse. Binuksan ko ito upang lumabas. Ngunit bago ko pa man maihakbang ang aking paa, Napigilan agad ako ni Matteo. Madiin nitong hinawakan ang aking braso na nakahawak sa pinto at walang sabing hinila ako. Muntik na akong masubsub sa dibdib nito dahil sa lakas ng paghila nito sa braso ko.

Masakit ang paraan ng pagkakahawak niya sa braso ko. Ngunit wala doon ang aking pansin, kundi sa mga mata nito na limang taon ko nang hiniling na wag nang muling makita.

Nakaramdam ako ng takot sa pagkakataong ito.

"bi-bitawan mo nga ko!" nauutal-utal kong utos.

"sabing bitawan mo ko!" pag-uulit ko. Ngunit parang wala itong balak na bitawan ang aking braso. Feeling ko mag kakapasa ito dahil sa higpit ng pagkakahawak Matteo.

"ano ba, Matteo! Sabing bitawan mo ko. Nasasaktan ako." ulit ko sa pangatlong pagkakataon.

Ang kaninang mata nito na madilim at bakas ang galit, ay napalitan ng pagkabigla at pag-aala. Para itong natauhan.

"so-sorry" na uutal nitong sabi at bakas ang sinseridad.

Hindi ko malaman kung bakit parang naiinis ako sa paghingi nito ng tawad. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ginawa nito ngayon o dahil sa ginawa nito dati sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng boses. "so-sorry?" patuya kong tanong. "huh! ano sa tingin mo? Na paghumingi ka ng sorry matatapos na ang lahat ng nagawa mong kasalanan? Na kapag nag sorry ka ayos na? Na kapag nag sorry ka mapapatawad na kita?" tuloy tuloy Kong bulyaw dito.

Matapos kong sabihin ang mga ito, para akong nakahinga ng malalim. Matagal ko nang gustong sigawan ito harap-harapan.

Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha mula sa aking mata. Ang luha na akala ko ay tapos na. Ang luhang matagal kong kinimkim at binaon sa likod ng nakaraan.

Alam kong, nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang mga sinasabi ko. Kung hindi ko lang alam na wala itong naaalala tungkol sa mga ginawa nito sa akin noon, baka kanina o di kaya matagal na ko nang isinumbat dito ang bagay na ginawa nito. O di kaya kanina ko pa siya sinaktan.

Oo, gusto ko itong saktan. Gusto kong gumanti, pero pano? Hindi ko alam kung pano. Takot ang nangingibabaw sa akin. Simula pa man noon, hanggang ngayon.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon