kabanata 30

991 27 6
                                    

Mira's POV

"fuck! I don't care. Bring my son back!"

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Malakas na boses ni Matt ang una kong narinig. Nakatalikod ito hawak ang cellphone habang tila galit na galit sa kausap.

Parang hindi ako nito napansin. Dahil busy Ito sa pakikipag-usap.

Bigla akong nanlamig sa ala-alang bumalik sa akin bago ako mawalan ng malay. Tumayo ako upang maglakad patungong pintuan. Kailangan kong puntahan ang anak ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.  Napasalampak ako sa sahig habang patuloy na umiiyak dahil nanlulumo ang buo kong katawan. Naglikha ito ng ingay kaya napalingon sa akin si Matt.

"Hon! What happened?" Nag-aalala nitong tanong. Umupo ito upang magpantay kaming dalawa.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Para na akong mababaliw.

Agad akong gumalaw at lumuhod sa harapan ni Matt. "Ma-matt, nagmamakaawa ako sayo si Hyohan. Ang anak ko Matt. Ibalik mo ang anak natin Matt. " Sabi ko sa pagitan ng pag-iyak.

Agad ako nitong niyakap at inalo upang tumahan. Ramdam ko ang pag-igting ng panga ni Matt habang nakayakap sa akin.

"Don't beg hon. Shhh! Please stop crying! ibabalik ko si Hyohan. I'll promise, trust me." Sabi nito upang palubagin ang loob ko. Ngunit kahit anong salita ang gamitin niya hindi na mawawala pa sa akin ang pag-aalala. Lalo pa sa sinabi ni Camille na nabaril si Hyohan. Pano kung may mangyari sa anak ko na masama? Pano kung pinahihirapan siya?

Hindi ko magawang pumikit dahil nakikita ko si Hyohan na humihingi ng tulong at puno ng dugo ang katawan.

Akala ko magiging maayos na kami. Bakit ba nagkaganito ang lahat? Sino ba ang nasalikod ng mga pangyayaring ito? Sana talaga walang mangyari masama kay Hyohan, dahil hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na mawala ang anak ko.

Matteo's POV

Kakabalik ko lang galing sa office ni general Guzon na nag co-conduct ng searching operation para kay Hyohan.
Kakapasok ko palang ng bahay sinalubong na agad ako ni judy isa sa mga katulong na binilinan kong magbantay kay Mira.

"Magandang hapon ho ser." Kinakabahan nitong bati.

"Kamusta si Mira?" Tanong ko dito habang naglalakad paakyat ng hagdan.

Napatigil ako upang harapin Ito.
"Yun na nga ho s-ser. Kanina pa po namin pinapakain si ma'am Mira kaso Hindi nya po ginagalaw ang hinahatid naming pagkain. Halos oras oras po naming dinadalhan ng pagkain kaso ayaw pong kumain ni ma'am." Kinakabahan nitong paliwanag.

"What?!" Napakurap ito dahil sa biglang pagtaas ng boses ko. Hindi ko lang napigilan dahil nag-alala ako. Almost 10 hours akong nawala dahil sumama pa ako sa pwedeng pagdalhan kay Hyohan. Tapos ngayon malalaman kong kaninang umaga pang hindi kumakain si Mira.

Agad akong tumalikod at nagtungo sa kwarto ko kung saan nandoon si Mira.

....

"Hon, please kumain kana." Halos magmakaawa ako kay Mira para kumain lang ito. Pero parang wala itong naririnig. Nakatulala lang Ito sa plato habang nilalaro ang pinggan.

Im fucking mad. I want to kill the shit who did this to my family. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa pamilya ko.  This is the first time I saw Mira like a lifeless one. Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa mukha nito na parang walang gana at mugto ang mga mata dahil sa kaiiyak.

"Hon, please! Kahit konti lang. Masama sayo ang magpagutom. Baka mapano ka at si baby." Napatingin naman ito sa akin matapos kong banggitin ang anak namin na nasa sinapupunan nito. Tila nakaramdam ako ng pag-asa na baka kumain na Ito ngunit parang biglang pinunit ang puso ko ng makita kong namumuo nanaman ang luha sa mga mata nito.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon