kabanata 21

955 31 4
                                    

Gabi na pero di pa din ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba to sa pinagtapat ni Matteo kanina? O dahil sa pag-aalala ko kay Kim.

"Nay? Gising ka pa po?" Napalingon ako sa katabi kong si Hyohan. Kinusot nito ang mata at pupungas-pungas na bumangon mula sa papag.

"sorry baby! Nagising ka ba ni nanay?" May pangamba kong tanong .

"Hindi naman po. Bakit di pa po kayo natutulog." Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa pinto.

Mag aalas onse na pala ng gabi. Pero Hindi pa din ako dinadalaw ng antok.

"Di kasi makatulog si nanay. Sige na tulog kana ulit." Malambing kong utos dito.

Pinahiga ko ulit si Hyohan at kinumutan. Nangmakita kong pumukit na ulit ito, dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa dingding kung saan nakasabit ang bag ko. Kinuha ko sa loob ang cellphone at tahimik na bumalik sa higaan.

Kanina ko pa tinetext si Kim pero hindi ito nagrereply. Kahit sa mga tawag ko hindi Ito sumasagot. Agad kong binuksan ang cellphone at umasang baka nagreply na ang huli. Ngunit wala parin itong sagot sa mga text ko. Ang huling text ko dito ay yung kaninang alas  tres pa ng tanghali.

ano Kaya nangyari kay Kim? Tanong ko sa sarili. Hindi kasi ako mapalagay, bigla kasi akong nilukob ng kaba at takot para sa kaibigan.

....

Madilim ang buong paligid. Wala akong ibang nakikita kundi purong dilim lang.

May umiiyak. Rinig ko ang boses ng babaeng umiiyak. Nilibot ko ang paningin upang hanapin kung nasaan ang babaeng iyon. Sa isang gilid nadako ang aking paningin. Nandoon ang babae umiiyak. Bigla akong nakaramdam ng awa, bangamba at takot para sa babae.

Nakatalikod ito sa akin pero kilala ko ang likod na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, lumapit ako sa babae upang kumpirmahin kung tama ba ang aking hinala.

"Miss?" Tawag ko dito. Ngunit parang hindi ako nito naririnig.

"Kim?" Tawag ko sa pangalan ng kaibigan upang kumpirmahin kung tama ba ang aking hinala.

Nag-angat ng mukha ang babae. Tigmak ng luha ang mata nito. Nilukob ako ng labis na pangamba para sa babae, para kay Kim. Oo si Kim ang babaeng umiiyak.

Tumakbo ako palapit sa kaibigan ngunit hindi ko ito malapitan, dahil sa bawat lapit ko kusang lumalayo ito.

"Kim!" Sigaw ko habang umaagos ang luha ng pangamba sa aking mata. Ilang saglit pa ay may Isang tao ang dumating. Nakasuot Ito ng purong itim pati ang mukha nito ay nababalot din ng telang itim. Hinawakan nito si Kim sa braso at pilit na hinihila. Umiiling si Kim, tanda na ayaw nitong sumama. Ngunit malakas ang humilihila dito. Unti-unting nag-lalaho ang dalawa sa aking paningin.

"Kiiiiiiiiiim!" Hapo akong napabalikwas ng bangon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito.

Kabado akong nanakbo patungo sa kwarto ni Kim. Habang patungo doon ay abot-abot ang kaba na nararamdaman ko. Nananalanging sana makita ko ang kaibigan na mahimbing na natutulog doon gaya ng dati.

Nasa tapat na ako ng pinto. Agad-agad ko itong binuksan hindi na ako kumatok. Ang tanging gusto ko lang ay makita si Kim sa loob ng kwarto nito.

"Kim?" Tawag ko sa pangalan nito. Ngunit kahit anong tawag ko dito ay di ko ito makita. Tumulo ang masaganang luha sa aking mata. Nilukob ako ng labis na pangamba at takot. Parang nanghihina ang mga tuhod ko dahil hindi na ako makatayo ng ayos.

"Kim nasaan ka?" Umiiyak kong tanong sa kawalan. Ano kayang gustong ipahiwatig ng panaginip ko? Ano ba talagang mangyari kay Kim?

Dalawang araw ng di umuuwi ito.  Kaya di ko masisisi ang sarili kong mag-alala para sa kaibigan. Ito lang ang tanging taong tumanggap sa akin. Wala kaming pareho ni Kim, kundi ang pagkakaibigan lang namin at ang isa't-isa.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon