Mira's POV
Ang sakit na ng kamay ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng lubid sa palibot ng pulso ko.
Natatakot man ako hindi ko pinapahalata dahil alam kong mas lalo lang akong matatakot kung iisipin ko ang pwedeng mangyari sa akin.
Kusa akong sumama sa kanila. Dahil hindi na ako makapag-isip ng maayos. Kailangan ako ng anak ko. Kilangan ako ni Hyohan.
"Na-nasan ako? Na-nasaan na ang anak ko!" Sigaw ko sa dalawang lalaking nagdala sa akin dito. pero wala akong narinig na sagot mula sa mga ito.
"Da-dalhin niyo ko sa anak ko! Ma-maawa na kayo!" Hindi ko na napigilan ang umiyak. Natatakot ako, hindi lang para sa sarili ko pati na rin para kay Hyohan.
"Sa-sabihin niyo nasaan na ang anak ko! Ano pa bang gusto niyo sumama na ako sa inyo! Nandito na ako, ipakita niyo sa akin ang anak ko!" Gusto kong magwala pero hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Nakatali ang kamay at ang paa ko.
Lumapit sa akin yung isang lalaking malaki ang katawan. Para itong sanggano puno ng tatto ang katawan. Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ko sa mukha ko ang maiinit at mabaho nitong hininga.
"Miss beautipul. Kung ako sayo mananahimik ka nalang. Kasi alam mo? Pag naririndi ako? Nangangain ako. Lalo na ng mga katulad mong magaganda."
Napatigil ako dahil bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. Halos maglaway ito habang nakatingin sa akin. Para na itong asong ulul.
"Hahahahahahahaha!" Tumawa Ito ng malakas tawa na nakakatakot. Tawa ng isang taong hayok sa laman.
"Ma-maawa ka! Pa-pakawalan niyo na ako. Gu-gusto ko lang pong makita ang anak ko. Ma-awa na po kayo!" Umiiyak kong pagsusumamo.
"Talaga bang ,hindi ka titigil!" Halata ang pagkainis sa boses nito. Ramdam ko ang pamumutla ko. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig ng maramdaman ko ang kamay nito sa aking hita.
"Hoy! Pare. Mayayari tayo kay boss pag ginalaw natin yan. Antayin nalang nating ipatikim sa atin ni boss" sabay tawa nung isang lalaki.
Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang sinabi nito.
"Tukmol, isa lang. Pakurot lang kahit konte." Sabi naman ng lalaki na humawak sa hita ko.
Nagpapapalag ako ng makita kong lumalapit na ang mukha nito sa akin.
"Wa-wag po! Maawa na po kayo!" Umiiyak kong pagsusumamo. Parang bumalik sa akin yung takot na naramdaman ko limang taon na ang nakakalipas. Umiyak ako ng umiyak. Pumalag ako ng pumalag.
"Wa-wag po! Ma-maawa na po kayo!" Umiyak kong pakiusap.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Natigil ang lalaki sa ginagawa nito. Pero ako, Hindi ako tumitigil sa pag-iyak. Nanginginig ang buong katawan ko. Naninikip ang dibdib ko. Halos hindi ko makita ang pumasok sa pinto dahil sa nanlalabo na aking mata.
"Ma-ma'am!" Sabay na tawag ng dalawa sa bagong pasok. Halata ang gulat at takot sa boses ng mga ito.
"Mga tanga! Sinabi ko bang galawin na ninyo?" Sigaw nito sa dalawa.
Sa kabila ng takot pinilit kong aninagin ang bagong dating. Nakaharang yung lalaking nasa harapan ko kaya hindi ko makita ang mukha ng bagong pasok.
"E-ehh Kasi boss, masyadong maingay. Pinapatahimik ko lang." Dipensa nung lalaki.
Tyaka ko lang naaninag ang mukha ng tinawag ng mga itong boss.
Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang nakatayo sa bukas na pinto.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...