"hoy, tama na! Mamaya nyan pati plato makain mo." halos hindi kumain si john, puro sita lang ito sa akin.
"ano ka ba, masarap kaya. Tikman mo." utos ko dito habang ngumunguya.
Ganito kasi ako kapag mainit ang ulo. Pagkain lang sapat na.
"sya nga pala bat mo naman sinagot sagot si sir Matt kanina. Baka mamaya magalit yun" tanong sa akin ni john habang nilalaro ang kutsa.
"bakit? totoo naman yung sinabi ko ha!" dipensa ko dito.
Binilisan ko ng kumain dahil, 15 minutes nalang tapos na ang break.
"barbie, mamaya ha. Baka makalimutan mo. Sunduin nalang kita sa inyo, ipapahiram kasi ni dad yung sasakyan nya sa akin mamaya. Kaya may car ako mamayang gabi." kunot noong napatingin ako kay josh habang naglalakad. May pagtatanong sa mata.
"sabi ko na nga ba, nakalimutan mo no. Hoy! Pumayag ka na kanina. Kaya wala ng atrasan." nakalimutan ko nga, ayaw ko naman kasi talaga sumama napilitan lang ako. Dahil gusto kong asarin si Matteo.
"hindi ko naman nakalimutan, oo sasama ako mamaya." pagsisinungaling ko.
Magsasalita pa sana ako kaso hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng office ni Matt.
"so pano barbie, kitakits mamaya ha. Wag mong kalimutan. And good luck pala." pahabol nitong sabi. Sabay lakad na papuntang desk nito
Bago kumatok huminga muna ako ng malalim. Para kasing nanlalata ang mga binti ko. Ngayon ko lang napagtanto ang mga sinabi ko kanina.
"ano ka ngayon! Kung kelan nasabi mo na tyaka ka maduduwag" bulong ng atribida nyang isip.
Sinong duwag? Hindi kaya ako duwag at tyaka totoo naman yung mga sinabi ko kanina. Pag kukumbinsi nya sa sarili.
Tatlong katok ang ginawa nya bago pinihit ang sirandurya ng pinto. Maingat at dahan dahan siyang naglakad papasok sa loob ng office. Hindi nya alam kung bakit parang takot siyang tumingin kay Matteo. "Dapat hindi ako natatakot. At wala namang nakakatakot dito." bulong niya.
Umupo ako sa mesa ko sa tabi nito. Hindi ko pa din magawang kausapin ito. Nakita nyang busy ito sa mga binabasang papeles.
Hindi nalang niya ito kinausap. Panigurado naman mamaya kakausapin din siya nito. Sabi ng kanyang isip.
Ngunit lumipas na ang ilang oras at malapit na ang uwian hindi pa din siya nito iniimik. Para lang siyang isang hangin na nilalampasan nito kapag mapapatingin sa gawi nya.
"okay! Kung ayaw niya akong kausapin bahala siya, masgusto ko nga yun walang mag-uutos at hindi ko pa maririnig ang nakakainis nitong boses." pagpapakalma nya sa sarili.
Hindi nya naiwasan ang mapabuntong hininga. Naiinip na kasi siya. Hindi nya alam na napalakas pala ang ginawa niyang buntong hininga. Nang tignan nya ang kanyang katabi, nakatingin ito sa kanya. Kaya nagtama ang kanilang mga paningin.
Ngunit bigla ding iniwas ni Matt ang kanyang mata at binaling ulit sa mga papeles sa harap nito.
Naiinis ako, pero di ko alam kung bakit. "kung ayaw nyang magsalita, bala sya. Sana bumaho hininga niya." bulong niya habang umiirap.
Pinanindigan talaga ni Matteo na wag magsalita hanggang oras ng uwian. Para akong tanga sa loob ng office. May kasama nga ako pero parang pipe naman.
" hays! Salamat. Makakauwi na din." bulong ko. Tinignan ko si Matteo na busy pa din sa mga ginagawa nito. Parang hindi nito alam na gabi na at oras na para umuwi.
Kahit badtrip nagpaalam ako dito, kahit papano naman boss ko pa din siya.inayos ko na ang mga gamit ko tyaka ako nagpaalam. " sir uwi na po ako." paalam ko dito.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...