Kinakabahan ako habang naglalakad papasok ng kwarto. Para along sadabak sa Isang gera sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Why you took so long?" Naiirita nitong tanong.
Imbis na makaramdam ng inis sa tono ng pagsasalita nito. Parang nakaramdam ako ng takot lalo na sa paraan ng pagtitig nya sa akin. Parang gusto ko nalang lamunin ng sahig o di kaya ay bigla nalang mawala.
"Kumain kasi kami. Pinatulog ko pa si Hyohan sa kwarto ni Camille." Pagdadahilan ko.
"Why you didn't allow me to see my son?" Kita ko ang pag daan ng kirot sa mata ni Matt.
Ayoko lang masaktan si Hyohan. Ayokong nakitang nasasaktan ang anak ko kapag umalis na siya. Hindi ko alam kung segundo, menuto, o di kaya oras lang siya dito. Pano kung umalis na siya at di bumalik?
"May dahilan ako kung bakit." Sagot ko sa tanong nito.
"Hi-hindi ka pa ba uuwi?" Pag-iiba ko sa paksa.
"Wag mong baguhin ang tanong ko." Naiinis nitong sabi.
"I-ikaw pa may ganang magalit!" Bulyaw ko dito sa mahinang boses pero madiin ang bawat salita. dahil baka magising si Hyohan sa kabilang kwarto.
Ewan ko pero nangingilid na ang luha ko. Napatayo ako para hindi nito makita ang nagbabadyang luha sa aking mata.
"I'm sorry wife." Tumayo ito sa tabi ko at hinawakan ako sa braso.
"Fuck! I'm sorry. Hindi ko sinasadyang magalit. Sorry." Paghinga ng tawad ni Matt, habang bakas sa mikha ang pagsisisi.
Gusto kong bumalik ang dating Matt. Ang Matt na nakilala ko nitong mga nakaraang buwan. Ang masungit pero mabait na Matt. Ang Matt na mainitin ang ulo at mabilis maiinis, pero kapag nakakatawa ng mali ay agad along sinusuyo.
Hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis ko kaya nagiging emosyonal ako.
"What do you want? Tell me please!" Tanong nito sa akin ng di ako tumitigil sa pag-iyak.
Ikaw! Ikaw ang gusto ko. Gusto kong isigaw ito sa mukha ni Matt pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam ko namang hindi kami pwede. Alam ko namang nakalaan na siya sa iba.
"S-si Avor-"
"Fuck! stop calling her name." Napaangat ang mukha ko ng malakas nitong pagmumura.
Naguguluhan ako. Di ba girlfriend niya si Avory? Pero bakit ng banggitin ko ang pangalan nito ay parang galit na galit Ito?.
"Don't say her name again!" Galit nitong banta.
"Bakit? Dahil ayaw mong marinig ang pangalan ng babaeng niloloko mo?" Hindi ko alam kung bakit Ito ang lumabas sa bibig ko. Pero hindi ko na Ito mababawi. Kailangan panindigan ko Ito.
"You don't know everything Mira. You don't know her. You don't know the reason why I'd do this fucking shit! You don't know everything!" Madiin at galit nitong sagot.
Oo! Wala akong alam. Siguro nga ang tanga ko dahil wala along alam. Wala along alam sa mga nangyayari ngayon. Pero isa lang ang alam ko. Hindi kami pwede! Hindi siya para sa akin! Para soya kay Avory. Para siya sa babaeng papakasalan niya.
"D-di ba may fiance ka na? Magpapakasal na kayo ni Avory. Bakit ka pa nandito?" Nabubulol kong tanong.
"I love you. I love you Mira." Natigilan ako sa sinabi nito. Di ba ito ang gusto kong marinig mula kay Matt? Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Oo mahal ko na siya. Pero pano si Avory? Makakasakit ako. Parang hindi ko kayang may masaktan ng dahil sa pagmamahal ko kay Matt.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...