kabanata 24

952 31 12
                                    

Bakit ba ako umiiyak? Di ba ako ang nagpaalis sa kanya? Nagagalit ako sa sarili ko. Sa damdaming dapat hindi ko maramdaman.

Pero bakit ang sakit malaman na ikakasal na siya sa iba. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Pilit kong sinasaway ang mga luha ko pero patuloy lang ang mga ito sa pag-agos.

Ang sakit! Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang di ako makahinga. Bakit ba ganito ang epekto nya sa akin? Siya ang dahilan ng mga sakit na naramdaman ko. Ang paghihirap na naranasan ko. Siya! Siya ang dahilan ng lahat ng yun!. Pero bakit hindi ko siya magawang alisin sa isip ko. Pati sa puso ko pilit siyang sumisiksik. Patuloy sa pag who's ang mga luha ko. Ang sakit! Ang sakit sakit!

Ito ang huling beses na iiyak ako. Ito ang huling beses na iisipin ko siya. Pipilitin kong maging matatag para sa mga anak ko. Isang malalim na paghinga kasabay ng pagtigil ng mga luha sa pagpatak.

....

Isang linggo na naman ang mabilis na lumipas. Naging maayos naman ang lahat. Nandito na si Camille kaya maghapon na akong nakapagtitinda pero hindi ko naman inaabuso ang katawan ko dahil alam kong dalawa kami ni baby ang naghahati dito.

"Camille, ikaw nang bahala kay Hyohan ha. Nagluto na ako ng kakainin niyo ngayong umaga hanggang tanghali." Binibilinan ko muna si Camille sa mga dapat nitong gawin bago ako umalis.

"Ito pala." Inabutan ko siya ng 200 pesos pang gastos-gastos nila ni Hyohan sa maghapon.

"Sige po ate. Ako na pong bahala kay Hyohan." Magalang nitong sagot. Nakakangiti talaga itong si Camille mukha kasi talaga siyang manika.

"Hyohan, alis na si nanay." Agad itong lumapit sa akin at yumakap. Lumuhod ako para magpantay kami.

"Wag pasaway kay ate Camille ha!. Lagot ka kay nanay pagnalaman kong nagpasaway ka." Banta ko dito.

Kinurot ko ito sa pisngi dahil ang cute kasi nito habang nakanguso.
"Hindi naman po ako pasaway. Big boy na po ako, diba ate Camille? At syempre cute" Kumindat pa ito kay Camille akala mo binata na.

"Syempre naman. Maganda si ate Mira kaya gwapo ka din." Sabay kaming tumawa ni Camille dahil sa sasinabi nito. Mabuti nalang mabilis naging palagay si Hyohan kay Camille wala akong naging problema.

"Ohh, pano. Alis na si nanay." Putol ko sa kasiyahang nangyayari.

"Sige po nanay. Ingat po kayo." Malambing nitong paalam. Kinintalan ko ito ng halik sa noo bago muling humarap kay Camille.

"Ikaw nang bahala dito Camille."

"Sige po. Ingat ka po ate." Ngumiti ako dito bago tuluyang naglakad palabas ng pinto.

Inuna ko munang ideliver ang mga order sa akin bago ako pumunta ng palengke. May nakita kasi akong maliit na pwesto na nirentahan ko sa palengke. Hindi na ako pwedeng sa bangketa lang dahil lumalaki na ang tyan ko. Mahirap ng makipag habulan sa mga parak.

Sinimulan ko ng buksan ang maliit kong pwesto dito sa palengke para maaga-aga akong kumita.

"Hay, babe!" Nagulat ako ng biglang sumulpot si James. Ang pamilya nito ang may ari ng tatlong pwesto ng tindahan dito sa palengke. Sa kanila din itong katabi kong malaking tindahan.

Ngumiti lang ako dito dahil wala ako sa mood na makipag biruan.

"Suplada naman ng babe ko. May mens kaba?" Inirapan ko lang ito.

Tanga ba siya Panong magkaka mens ehh buntis nga ako. Hyts!

"Tulungan na kita." Inagaw nito sa akin ang isinasabit kong paninda.

"Wag na. Ako nalang." Mahinahon kong tutol.

Pero sadyang makulit ito. Kinuha nito mula sa akin ang paninda na isinasabit ko sa ginawa kong tubo na sabitan at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman ako nakakaramdam ng inis kay james. Sadyang naiilang lang ako sa kanya kapag malapit siya. Kung ano-ano kasi ang naririnig kong masasama sa ibang tindera dito.

Love Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon