Para syang galing sa isang matinding takbuhan ng makarating sya sa information desk. "miss, si Hyohan Asuncion po? Nasaan po? Wala na siya sa ICU." hinihingal at mangiyak ngiyak na tanong nya sa nurse na nasa information desk. Bago ito nagsalita ay tinignan muna sya nito, mula ulo hanggang paa.
dahil sa pagkailang sa ginagawang pagtitig ng nurse sa kanya, sinuri nya ang kanyang sarili. Napakadumi na ng puting kamiseta na suot nya madumi na din ang paa nya na walang sapin. Pero wala syang pakialam ngayon sa hitsura nya. Ang gusto nya lang mangyari ay makita si Hyohan.
"ma'am kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong sa kanya ng nurse.
"a-anak ko sya. Ako ang nanay nya." sagot ko sa tanong nito.
"sige po check ko lang po sa record." magalang na sagot nito sa kanya. Tumalikod na sa kanya ang nurse at humarap sa monitor ng computer.
Napalingon siya sa likuran ng may humawak sa balikat nya. " Mi-Mira? " si Kim pala at halatang halata ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi nya napigilan ang sarili. Agad nyang kinabig ang kaibigan upang yakapin ito at kumuha ng lakas dito , dahil para na syang matutumba.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat at diretsong tumingin sa kanyang mata.
"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil agad ko itong pinutol sa pagtatanong tungkol kay Hyohan. Gusto nyang makita ang anak nya. Gusto nyang malaman ang kalagayan nito ngayon.
"si-si Hyohan? Kim! Ang anak ko? Nasaan ang anak ko?" umiiyak na tanong niya dito at halos magwala siya sa harapan nito.
"wag kang mag-alala sa anak mo. Maayos na sya ngayon." sabi nito sa masayang boses.
"pa-pano?" naguguluhan nyang tanong dito.
"bago ka magtanong ng kung ano-ano, halika na puntahan mo muna ang junakis mo." pagputol nito sa tanong nya.
Nasa tapat kami ngayon ng room 805. Binuksan ni Kim ang pinto ng room. Wala siyang sinayang na sandali agad siyang pumasok sa loob ng kwarto. Ginala nya ang kanyang paningin sa kabuoan ng kwarto, hinahanap nya ang kanyang anak. Nakita nya ito. Nasa pinaka dulo ng kwarto nakahiga. Ngunit wala pa din itong malay, pero kakaunti nalang ang mga aparatong nakakabit sa katawan nito ngayon.
Patakbo nya itong nilapitan, lumuhod siya sa lapag sa may gilid ng kama nito. Pinakawalan nya ang mga luha na gustong mag-unahan sa pag-agos.
Akala nya di na nya makikita si Hyohan. Akala nya mahihiwalay na ito sa kanya.
"ano bang nangyari sayo?" si Kim na nakalapit na sa kanya. Mababakasan pa din ito ng pag-aalala.
"mahabang kwento Kim." sagot nya dito habang ang paningin ay nasa anak na walang malay.
Napatingin lang sya dito ng maalala nya ang gumugulo sa kanyang isip. Kanina pa nya iniisip kung anong nangyari. Panong nalipat ng kwarto si Hyohan. At hindi lang yun, napaka laki ng kwartong ito. Halos priple ng laki nito ang inuupahan nilang bahay.
"kim, anong nangyari? Bakit pagpunta ko kanina sa ICU wala na kayo doon? Nag-alala ako ng sobra kala ko may nangyari ng masama kay Hyohan." pag bibigay salita nya sa mga katanungan sa kanyang isip.
Tumayo ka nga muna dyan! Sabi nito na mababakasan pa din ng pag-aalala ang mukha. Hinila ako nito patayo at giniya ako papunta sa isang sofa sa gilid ng kama ni Hyohan.
Nang umupo ito doon ay tyaka ako tumabi dito. "alam mo ba nag-alala ako sayo? Kagabi pa ako di makatulog, di ko alam kung kanino ako mas mag-aalala. Sayo ba o sa anak mo." pagpapaliwanag nito na talagang bakas ang sinabi sa mukha.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...