"Yes! My beautiful wife. Did you miss me?" Nakangising ani nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal at gulat kong tanong.
"I'm here to fetch you." Walang gatol nitong sagot.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
"Because your my wife." Patuloy pa nito sa kalmanteng tono.
"Sinong nag sabi?" Balik tanong ko dito sa patay malisyang tono.
"Nakalimutan mo? You said yes last night and you shown it by your act. Did you really forgot? Ohh, common Mira! Wag ka nang magkunwari. Gusto mo ipaalala ko sayo kung anong mga nangyari kagabi?" Hindi makakalampas sa mga mata ko ang pagngisi at pagkislap ng mga mata nito.
Bago pa ako makaprotesta nakalapit na pala Ito sa tabi ko. Di ko namalayan ang pagbaba nito sa sasakyan, napakabilis kumilos.
"Ano ba? Bitawan mo nga ko!" Irita kong bulyaw, sabay taas ng kilay. Ipinulupot kasi nito ang braso sa bewang ko. Pilit kong tinatanggal ang braso nito sa pagkakapulupot sa bewang ko kaso ang hirap nitong tanggalin dahil mahigpit itong nakakapit sa damit ko sa bandang tiyan.
"Ayoko ko nga! Sumakay ka muna." Maawtoridad nitong utos. Naiilang ako sa pwesto naming dalwa. May mga tao din na napapatingin sa gawi namin. Para tuloy akong kire na gustong itago ang mukha.
"Wala ka namang masasakyan, just like what you've texted to me earlier. Lalong di ako papayag na di ka nanaman papasok. Kaya nga ako nandito para sunduin ka. Ayaw ko namang sabihin ng anak natin na pinababayaan ko ang nanay niya." Mahabang paliwanag nito.
"Hoy! Mister Matteo Madrigal. Pumayag akong maging tatay ka ng anak ko kapag nakikita ka lang niya. Pero hindi kita pinahintulutang maging asawa ko sa harap ng ibang tao. Katulad ngayon." Ngunit sa kabila ng malateleserye kong lintanya parang wala itong narinig bagkus mas lalo ako nitong hinigit palapit sa katawan nito. Nahihiya na ako sa pinaggagagawa nitong lalaking ito. Madaming mata ang nakatingin sa amin ngayon, may mga kinikilig meron din namang mga umiirap. Pano ba naman para kaming nag sho-shooting ng pelikula sa gilid ng kalsada.
Mas lumapit ito at idinikit ang labi malapit sa tenga ko. Ramdam ko ang malamig na hininga nito na tumatama sa aking leeg at sa aking tenga. Nag bibigay Ito ng kakaibang sensasyon sa akin." Nothing can change hon. Nagpapanggap nalang din naman tayo bat di pa natin lubos-lubosin. Right my wife?!" Nagbigay ng kilabot at nag pataas ng balahibo ko sa buong katawan ang paraan nito ng pagsasalita
Dahil sa ginawa nitong pagbulong at
sa braso nito na nakapulupot sa bewang ko, Lalo na sa kamay nitong nadadampi sa aking tiyan. Para akong kinikiliti at di ako mapakali, heto nanaman ang bultaheng umiikot sa aking kalamnan na tagos hanggang sa aking buto.Kumawala na ako agad dahil, Hindi na maganda ang pakiramdam ko, mainit pero para akong nilagay sa ref dahil sa tensyon na namumuo sa aking katawan.
Lumapit ako sa backseat ng sasakyang dala nito. Nang akmang bubuksan ko na ang pinto agad ako nitong pinigilan.
"What are you doing?" Tanong nito habang ang makakapal na kilay ay halos magdugtong.
"Sasakay, sabi mo ihahatid mo ko!" Ani ko sa tonong sarkastiko.
"Bakit? nag bago na isip mo? Okay lang!" Taas kilay kong pahayag. Hindi agad ito sumagot bagkus lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako patapat sa pinto katabi ng driver seat. Binuksan niya ito bago muling nagsalita.
"I know, ihahatid kita. Pero hindi mo ako driver. I'm your husband. Kaya sa harap ka sasakay katabi ko." Nakangisi nitong pahayag.
"So, please my beautiful wife, do the honor. sumakay kana mag-isa bago pa ako mawalan ng timpi at ako pa mismong bumuhat sayo papasok sa sasakyan." Agad akong sumakay dahil walang halong biro ang paraan ng pagsasalita nito. Mamaya totohanin pa nito ang banta.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...