Another day another life. Ohh! English yun ha! The beautiful tindera ng bangketa is here.... Teka! Teka! May customer pala ako..
."teh! Bilin mo na yan. paniguradong maakit at maglalaway ang mga kalalakihan sayo! Baka pati boyfriend mo te laglag brief pag makita kang suot yan."
Heto na naman ako bola dito bola doon. Ito ang araw araw kong diskarte makabenta lang ng panindang damit. Kilangang kumayod ehh! Kung walang mabobola walang kita.
"totoo ba yan? Mamaya nambobola ka lang para makabenta." Sabi ng customer ko pero kita naman na natutuwa ito sa mga banat ko.
"si ate naman! Anong akala mo sa akin? Dakilang sinungaling?. Totoo talaga yun te, Bagay nga sayo yan."
Mabuti nalang biniyayaan ako ni God ng mapagpalang bibig at syempre black beauty na feslak.
"sige, na teh bilhin mo na!, mamaya maunahan ka pa ng iba dyan, Ikaw din. Edi sa iba pa napunta ang korona!, four hundred nalang para sayo. Murang-mura na yan!"
Napausip pa si ate kung bibilhin Niya ba ang damit I hindi kanya ako heto at todo bigay sa pambobola.
"Hay naku ate! Wag mo ng pag-isapan. Ako na nag sasabi sayo. Bagay sayo yan. Tignan mo pagsuot mo niyan mamaya? Bukas na bukas, may jowa kana!" Masigla kong sabi sabay ngiti ng ubod ng tamis. Hindi ko talaga inalis ang napaka laki kong ngiti habang hindi pumapayag si ate.
"sige na nga, ang galing mo kasing mang sales talk. Sige bilhin ko to."
Mas napangiti ako ng mapapayag kong bilhin ni ate ang aking paninda. May kita nanaman ako! Good job Mira!
Pagkaabot na pagkaabot ng customer ng damit. Binalot ko ito agad, aba! Mahirap na mamaya maihipan pa ng masamang hangin at magbago ang isip.
Dumudukot pa lang ito sa pitaka naibalot ko na yung damit. Aba girls scout yata to, laging handa.
Nang iabot na sa akin ang bayad, sungab agad ang beauty natin. Mamaya pera na maging bato pa.
"Balik ka ulit te. Pag mas madami kang bibilhin, lalakihan ko discount sayo." Pahabol kong sigaw sa papalayong customer.
Napalingon ako sa katabi kong tindera sa bangketa ng magsalita ito."Mira, galing mo talagang mang sales talk. Paturo naman. Buti ka pa may benta na ako wala pa."
"syempre, ako pa? Talent ko na kasi to. Mag-antay ka lang may bibili din sayo."
....
Hapon na ng matapos ako sa pagtitinda. Buti nalang walang mga parak. Kundi nganga nanaman ako. Hirap talaga pag illegal vendor, walang sariling pwesto.
Isa nanamang nakakapagod na maghapon ang natapos. Bitbit ko ang isang malaking plastic bag na puno ng mga panindang damit at plastic na nabiling piniritong manok sa kanto.
Pumara na ako ng jeep para maaga makauwi. Gusto ko sanang mag tricycle para diretso bahay na ang baba ko kaso nagtitipid ako ngayon.
Malapit nalang naman ang lalakarin simula sa babaan ko ng jeep hanggang sa bahay.
"oh bagong bayan na, sinong bababa?" sigaw ng driver ng jeep.
"para po!" huminto na ang jeep at bumaba na ako, mga isang kilometro nalang ang layo ng bahay ko mula sa binababaan ko pag nag jejeep lang ako.
Nagsimula na akong maglakad para maaga-aga akong makauwi. Medyo masakit na kasi ang paa ko maghapon kasi akong nakatayo.
Habang naglalakad nakita ko ang isang matanda na nagtitinda ng mga laruan. Nilapitan ko ito.
Naagaw ng isang transformer na robot ang atensyon ko. Naalala ko dito si hyohan. Malapit na ang birthday nito at wala pa akong nabibiling pang regalo.
"manong, magkano to?" tukoy ko sa laruang transformer na hawak ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Love Mistake (COMPLETED)
RomanceMadilim, nakakatakot. Nanlalaban ako. Nanunulak. Kahit nanghihina na ang aking buong katawan. Gusto ko pa rin lumaban. Ngunit paano? Masyado siyang malakas. Wala along magawa kundi ang hayaan ang luha ko na pumatak. Nasasaktan ako sa ginagawa niya...